Mariel Rodriguez, sasampalin ni Kylie Padilla!

PARA KAY Kylie Padilla, parang true-to-life story ang ginagampanan niya sa bagong afternoon drama series ng The Good Daughter ng GMA-7. May stepmother din siya sa nasabing soap. Ang pagkakaiba lang ay mabait na stepmom si Mariel Rodriquez. Ipinagmalaki ng dalaga ang suot nitong pink gown na pinahiram sa kanya ng TV host.

Kung sakaling naging mabagsik ang kanyang stepmother, ano ang puwedeng gawin ni Kylie? “Baka masampal ko siya. Mabait naman po si Tita Mariel, very supportive sa aming magkakapatid.”

Ayon kay Kylie,close to her heart ang role niya as Bea Guevarra. “Naiintindihan ko siya. I understand what she’s going through. Nangyayari ito sa pamilya kaya nakaka-relate ako sa character,” aniya.

Mahirap bang maging good daughter kay Robin Padilla? “Siyempre, si Papa napagdadaanan na niya ‘yun. Nakulong, naging bad boy siya. Siyempre, ayaw niya kaming madaanan namin ‘yun. May pagka-istrikto si Papa, pero as a father, mapagmahal siyang ama,” papuring sabi ni Kylie.

Kailan lang, pumutok ang balita na split na raw sina Kylie at Aljur Abrenica. Pinagbawalan raw ni Papa Robin na huwag muna itong makipagrelasyon, how true ? “Sabi ni Papa, ‘Kaya mo bang i-handle ang oras mo? Sa tingin ko, magtrabaho ka muna, kasi ‘yun naman ang pinasok mo sa showbiz at hindi pagbo-boyfriend. So, nag-agree naman ako sa kanya. Not just for him, for myself na rin. Naisip ko na rin ‘yun noon. Alam ko namang nawala ako sa focus. So, ngayon concentrate muna tayo sa trabaho. Hindi lang po ‘yun. Siyempre, may problema rin sa ibang bagay. At saka, nakikita ako ni God, alam niya ang ginagawa ko,” paliwanag ng dalaga.

May lumabas na issue na nagalit raw si Papa Robin dahil pinaiyak ni Direk Mike Tuviera ang anak niyang si Kylie habang nasa set ito. “Umiyak ako sa taping dahil akala ko galit sa akin si Direk, kasi inuulit-ulit ‘yung scene. ‘Yun pala may surprise sila sa akin nu’ng birthday ko, kaya naiyak ako.”

Hindi man diretsong inamin ni Kylie na naging sila ni Aljur, ramdam mong may mutual understanding silang dalawa. Kahit sinasabing nag-break na raw ang magdyowa, tuloy pa rin ang communication nila sa isa’t isa. Kumusta na kayo ni Aljur? “Ganu’n pa rin, magkaibigan pa rin. Super close. Magkaibigan pero hindi na masyadong nagkikita,” wika ni Kylie na alam naman nating more than friends ang kanilang relationship.

Sinasabing nagpaka-good daughter si  Kylie kay Papa Robin kaya ito nakipaghiwalay kay Aljur. “Uunahin ko muna ang career, ‘yan ang totoo. Wala namang pumigil, okay naman po sa kanya (Daddy Robin). Gusto ko kasi perfect, ayaw kong hindi perfect ‘yung acting. Hindi naman kami bawal magkita, pero hindi na madalas. Naiintindihan naman ni Aljur at ‘yun din naman ang gusto niya, mag-concentrate ako sa work. Mutual agreement na po ‘yun sa amin. Nagugulat ako sa mga lumalabas tungkol sa amin ni Aljur. Hindi ako nakipag-break, sinabi ko lang na magtatrabaho ako. Hindi naman ibig sabihin na hindi na kami nagkikita, hindi na kami ganu’n ka-close, wala na ‘yung special friendship, siyempre, nandoon. More on text, sometimes call,” pahayag ng young star.

Ngayong split na nga raw sina Kylie at Aljur, open na uli siya para magpaligaw? “Ayaw ko rin po kasi, itong script ang boyfriend ko ngayon. Bago ako matulog, babasahin ko. Paggising ko sa umaga, babasahin ko uli. Nasa kama ko siya palagi. Gusto kong maging best actress. Hahaha! It’s a dream talaga kaya kailangang focus ako sa acting ko,” turan niya. Selosa nga ba si Kylie? “A little, lahat naman selosa, simpleng sagot niya. Hindi raw siya nagseselos sa kapwa niya artista dahil pareho lang silang artista ni Aljur.

Ipinaliwanag ni Kylie na malayo ang pagkakaiba ng Blusang Itim kaysa sa The Good Daughter. Dito raw kasi heavy drama, puwedeng mangyari sa totoong buhay. ‘Yun ang challenge para sa akin. Hindi lang si Bea ang bida, lahat ng character kasama sila sa buhay ni Bea.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

13 thoughts on “Mariel Rodriguez, sasampalin ni Kylie Padilla!

  1. Bwict kng kylie ka panget ka sana mawala ka na sa show hayup pokpok ka mas mganda p c bea binene ksa sau ehhh haup

  2. ang pinaka Plastic sa showbiz…di ko makuha kung bakt tinatangkilik yan c mariel..di marunong umarte,plastic na plastic makipagusap”Hypocrite”at di naman marunong mag emcee…sinuerte lang yan noong makasama niya c ka willie …..pwe, inamo mo mariel.go to hell biatch!

  3. 2 weeks nang laging laman ng showbiz news itong ‘just a pretty face with banong bano acting’ kylie padilla, hahahaha. hindi rin naman magrerate show nyang talentless wannabe actress na yan! hahahaha

  4. Pingback: Mariel Rodriguez, sasampalin ni Kylie Padilla! | Celebrity Philippines

  5. haayyyy sobra naman kayo, maganda yang mga yan sa personal, ewan ko ba sa columnist na nagsulat, hindi man lang pumili ng magandang pictures ng dalawa, LUMA na yang mga yan ah!!! SUS!!!!!!!!

  6. Hindi kaya ni Mariel na pagmalditahan ang mga anak ni ROBIN lalo na magaling itong dalawa sa martial arts hehehe…. Kaya plastikan na lang ang kaya niyang gawin hehehe….

  7. to all friends followers spread this page make it 1 million like if you want god will end POVERTY,WAR,FEMINEN,HUNGER,CRIME,DISIESE,CALAMITY,DISASTER,DEATH check my facebook site Nostra Followers

Leave a Reply

Your email address will not be published.