Mariel Rodriguez, pinigilan ng Dos na sumasama kay Willie Revillame?!

SA STAR AWARDS Night, nakausap ng Pinoy Parazzi si Gretchen Barretto at sinabi nitong sa ibang bansa sila magsi-celebrate ng Christmas. “Magpapahinga muna siguro ako, kasi katatapos lang ng Magkaribal,” pahayag ni Greta na nagsabi pa ring tuloy na ang teleseryeng pagsasamahan nila ni Angelica Panganiban.

At dahil sa Magkaribal, sinabi ni Gretchen na mas lalong magiging mapili siya sa role na kanyang tatanggapin. “Of course naman, dapat lang na maging mapili ako sa mga role na tatanggapin ko. Ayoko namang mapahiya sa mga tao.”

Aminado si Gretchen na nakatulong nang malaki ang mga pinagdaanan niyang pagsubok kung bakit lumalim daw ang kakaya-han niya sa pag-

arte.”Ganu’n naman talaga siguro, ‘di ba? Mas gumagaling ang isang tao kapag nakararanas siya ng mga kalungkutan paminsan-minsan.”

usapan ang nakababata niyang kapatid na si Claudine Barretto, kaugnay sa isyung hiwalay ito sa asawang si Raymart Santiago. “No, ayokong magsalita d’yan. Basta happy ako, dahil meron na naman akong MMK,” tumatangging pagwawakas ni Gretchen.
NAKAKALOKA NAMAN SI Madam Auring sa nakaraang Star Awards for TV, dahil matapos na mag-ikot nang mag-ikot sa malawak na Resorts World, plakda itong nakatulog sa isang silya sa nasabing awards night.

Samantala, nakababaliw rin si Baron Geisler dahil nang kamayan kami, feeling namin ay may nahawakan kaming yelo sa sobrang lamig ng kanyang kamay. Habang sina Donita Rose at Vice Ganda naman, para bang walang pakialam sa nagaganap na okasyon dahil mas busy sila sa pagti-text.

Hindi rin nakaligtas sa Pinoy Parazzi si Daisy Romualdez na nguya nang nguya ng bubble gum, habang si Gerald Anderson naman ay panay lang ang pakikipagkuwentuhan sa katabi.

Si Ruffa Gutierrez ang may pinaka-bonggang damit samantalang si Madam Auring naman ang pinaka-worst. “At least, ka-level ni Madam si Ruffa,” biro sa amin ng aming kasama.

Sa kabuuan, maganda ang 24th Star Awards for TV, kaya lang ay masyadong mabagal ang pacing nito dahil na rin sa palpak na facilities.
BABALIK NA SI Mariel Rodriguez sa programang E-Live. Base sa nakarating sa aming balita, inunahan na raw ng Dos si Mariel bago pa ito makapagdesisyon na sumama na kay Willie Revillame sa programang Willing Willie.

This December mag-e-end ang kontrata ni Mariel sa E-Live, kaya ngayon pa lang ay may nakahanda nang bagong contract para sa aktres, anytime na bumalik na ito ng Pilipinas.
Usap-usapang sa pagbabalik ni Mariel ay apektado si Cesca Litton dahil posibleng bumalik ito sa pagiging segment host na lang.

“Sa totoo lang hindi siya (Cesca) makasabay sa mga co-host niya. Parang kailangan pa niya ang more improvement sa hosting,” mataray na sabi ng isang kilalang kolumnista.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

20 thoughts on “Mariel Rodriguez, pinigilan ng Dos na sumasama kay Willie Revillame?!

  1. Mas gusto ko sana si Iya. Balik na naman ang plastikadora? Maganda na sana ang takbo nang E-Live. Ngayon , para na naman akong binubunutan nang ngipin na walang anaesthesia. Root canal pa. Aray ku pu.

  2. Hindi yata magkatugma ang news kasi ang akala ko may isang write up na tumatawag daw itong si Mariel kay Willie na gustong sumama kay Willie pero wala raw balak kunin ni Willie si Mariel dahil gusto ni willie na bago ang mga hosts sa WW so paano pinigilan ng ABS si Mariel?

    • duh??kay CRISTY yun galing na BALITA yung di-umanoy komuntak churva c MA kay WILLIE,walang kwenta nag balita kaya walang kwentang paniwalaan!!!

      basata ako TEAM MARIEL lang!!!

      • Ay si Crispy Pata pala yong nagbalita noon? Tama ka, walang kuwenta nga at hindi nga mapaniwalaan. Salamat.

      • tamaaaa ka talaga…cristy fermin is a big liar!! talagang naging close naman si Willie kay Mariel and we know na gusto nya ring makasama si mariel sa show…pero kung saan si mariel doon kami…we really miss her na !!

    • Ang ABS-CBN rin ang nagsabi na nang may negotiations sila ni Willie, Si Willie ang nagsabi na ayaw na niya na ibalik si Mariel sa Wowowee. Balimbing kasi si plastikadora.

Leave a Reply

Your email address will not be published.