Mariel Rodriguez, naging P.A. sa pelikula nila ni Robin Robin Padilla?!

NAGSIMULA SA BLIND item hanggang sa pinangalanan na kung sino sila. Ayon sa kuwento, hindi raw natuloy idirek ni Deo Fajardo ang pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa India kung saan nagha-honeymoon ang dalawa. Tutulong sana si Dikong kay Robin sa pagdi-direk ng sarili nitong pelikula na siya rin ang producer na iri-release ng Star Cinema.

Pinadalhan pala ng plane tickets ni Binoe sina Direk Deo at Jigz Recto (scriptwriter/director) para sumunod sa India. Nang nasa India airport na ang dalawa, naharang ng Immigration officer si Deo at dinala ito sa maliit na kuwarto.

Laking pagtataka raw ni Jigz kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan. Iba na raw kasi ang hitsura ni Direk Deo, retoke to the max ang mukha nito.

Malayung-malayo sa original na mukha ng isang Deo Fajardo. Mahihiya raw si “Ellen” sa new looks ni Direk Deo na banat na banat ang mukha at namumutok ang pisngi.

Maging si Cristy Fermin, hindi nakilala si Dikong nang minsan itong pumasyal sa kanyang gallery sa Roces Ave., Quezon City. Kung hindi pa raw ito nagpakilala, hindi siya mamumukhaan ni Cristinelli. Natural siyempre, pagdating mo sa airport, dadaan ka sa Immigration officer para ibigay ang iyong pasaporte. Titingnan ang iyong larawan sa passport sabay tingin sa mukha mo. Buong akala ni Jigz, nagkaroon ng problema sa pagbabagong-anyo ng kanyang kaibigan.

Lumabas pala sa computer sa India na may hold departure order laban sa director/manager ni Robin kaya mag-isa itong bumalik ng ‘Pinas. Bale si Jigz lang ang nakalusot dala-dala ang lahat ng bagahe ni Direk Deo sa hotel na kanyang tutuluyan.

Ang nakakaloka pa sa kuwento, para masimulan ang pelikula, mag-isa na lang na idinirek ni Robin ang sarili nilang pelikula ni Mariel katulong si Jigz as assistant director. Kapag walang eksena ang misis ni Binoe, roll in to one ang naging papel nito sa production.

Taga-sigaw ng action at cut at clapper din si Mariel at the same time.

Bukod dito, hawi girl din ang drama ni Mariel tuwing shooting at taga-bigay ng tubig at pagkain sa production staff. During breaktime, buong ningning naman niyang pinagsisilbihan ang asawang si Robin. Nand’yang pakakainin muna,  mamasahehin habang nagpapahinga. Masasabing ulirang asawa itong si Mariel, ayon sa kuwento. Grabe nga raw ang TV host kung asikasuhin nito ang one and only love niyang si Binoe. Parang walang kapaguran sa maghapong pagtatrabaho at pagsisilbi sa asawa. Always on the go, full of energy basta kapiling ang minamahal. Ganu’n?

HUWAG SANANG MASAMAIN ng mga fans ni Marian Rivera kung nag-comment si Vivian Velez na kulang sa anghang ang acting ng dalaga sa remake ng kanyang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ng GMA-7. Tinanong lang naman ang actress kung ano ang masasabi nito sa acting ni Marian sa nasabing teleserye. Natural, nagbigay si V.V. ng kanyang opinyon tungkol dito. Walang masama sa kanyang sinabi so, dapat sigurong tanggapin ng mga fans na hindi puro papuri ang palagi nilang maririnig para sa kanilang idolo.

Gusto nga ni Vivian na makilala nang personal at makatrabaho si Marian. Very angelic kung i-discribe ni V.V. ang mukha ni Marian. Kung sakaling muling i-remake ang “Hinugot…” gusto ni Vivian na siya mismo ang mag-direk kay Marian sa sarili niyang version.

Naging malaking issue ang binitiwang salita ni Vivian na hindi naman dapat. Kinuha ang side ni Marian sa sinabi ni Vivian. Maganda ang naging pahayag ni Marian tungkol kay Double V. Malaki raw ang respeto nito sa actress. Sana raw dumating ‘yung time na mag-krus ang kanilang landas, makilala nila ang isa’t isa at magkasama sila sa isang proyekto, pelikula man ito o telebisyon.

Oo nga naman, bakit hindi natin subukan?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Mariel Rodriguez, naging P.A. sa pelikula nila ni Robin Robin Padilla?!

  1. There’s nothing wrong with Mariel serving her husband. Pati ba naman mga ginawa nila during the filming of their movie, iniintriga sila? To those who hate Mariel… bakit ba galit na galit kayo sa kanya sa pagpapakasal nya kay Robin Padilla? Naiinggit ba kayo sa kanya? Sobra kayong manghusga!!!

  2. hala nag umpisa na malas yang dalawa na si landi mariel…………akala mo kasi maubusan ka ng lalake babaeng landi……..sino gusto manood nyang pelikula…..na nandyan si landi…..segurado flooppppssssss nyan..walang may gusto manood sa pelikula nyo….

  3. g0 mariel’ tama naman na pagsilbihn nya c r0bin-asawa nya un, sus0p0rtahan q m0vie nyuh’ may mga ta0 lang tlga na s0brang mang husga, k2lad ni cf- kelangan, hulugan mu ng barya para mabus0g ang bunganga,at ng matahimik’, c cf ung ka netw0rk nya nd nya cnisiraan’ yan ba cnsbi nya na fair sila sa lahat ng public figure’ patawa ka talaga cf.,, magbago ka na,- s0bra ka manghusga ng ta0′..

Leave a Reply

Your email address will not be published.