Mariel Rodriguez, magbabalik-Kapamilya?!

MARAMI ANG nakapansin at nagtatanong sa amin kung bakit hindi na napapanood si Robin Padilla sa sitcom na Toda Max tuwing Sabado ng gabi, kung saan isa ito sa mga bida kasama sina Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin.

Narinig namin noon na magko-concentrate muna raw ang action superstar na mag-taping para sa kakatapos lang nitong teleserye with Kris Aquino and Anne Curtis na Kailangan Ko’y Ikaw dahil daw medyo mahirap ang mga eksena at naghahabol sila ng airing date, bukod sa medyo mahirap daw pagtugmain ang mga schedule ng tatlo nu’ng mga panahon bago pa ito ipalabas dahil sa kanilang mga previous commitments.

Pero marami talaga ang nagtataka na tila waley na sa eksena at nami-miss na ang kakisigan ni Binoe sa nasabing sitcom.

Dahil d’yan, gaano katotoo ang nauligan namin na diumano’y hindi na raw magbabalik si Papa Robin sa Toda Max, kahit pa tapos na ang Kailangan Ko’y Ikaw?

How true rin kaya na ang gusto diumano ni RP ay makasama sa isang bagong sitcom sa ABS-CBN ang misis nitong si Mariel Rodriguez?

Nabalitaan namin na sa programang Wowowillie lang naman daw may pinirmahang kontrata si Mariel bilang isa sa mga co-host ni Willie Revillame hindi network contract with TV5.

Balitang hanggang September na lang daw nitong taon ang kontrata ni Willie sa Kapatid Network at palaisipan pa diumano sa controversial TV host kung magre-renew ito ng contract.

So maaari kayang maging malaya na si Mariel na bumalik sa Kapamilya Network para gumawa ng isang TV show with her hubby kung totoo man ang tsikang baka mawala na ang Wowowillie sa Singko?

Trurlajet din kaya na maging si Willie raw ay nagpla-plano na ring magbalik-Kapamilya?

 

AMINADO SI ABS-CBN President and Chief Executive Officer na si Ms. Charo Santos-Concio na faney na faney s’ya nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro o ng tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz mula A Very Special Love to You’ve Changed My Life and It Takes A Man and A Woman.

Sa thanksgiving giving dinner ng It Takes A Man and A Woman na ginawa last Monday night sa 9501 resto sa ELJ building ng ABS-CBN, kilig na kilig si Ms. Charo nang tawagin na sina Sarah at John Lloyd sa harapan para magpasalamat sa success ng kanilang pelikula na as of writing this ay umabot na sa P375M ang kinikita.

Kinikilig din ang Star Cinema Managing Director na si Tita Malou Santos, Direk Olive Lamasan at ABS-CBN Channel Head na si Tita Cory Vidanes kina Sars at Idan (palayaw ng dalawa).

Hinikayat pa ni Tita Malou ang mga dumalo sa victory party na patunugin ang mga baso sa pamamagitan ng mga kubyertos ‘pag tinawag sina Sarah at Lloydie sa harapan para mag-kiss ang dalawa na parang baong kasal.

Pero hindi nag-kiss ang mga bida, kaya walang ibang nasabi si Ms. Charo kundi, “Ay, Dedma (sila)!,” sabay tawa.

Plano ng mga bossing na magkaroon sana ng part 4 ang movie.

Nagbiro si JLC na papayag daw s’ya kung may love scene na sila ni Sarah.

Kaya pagdating nina Sarah at Mommy Divine ay mukhang sinabi agad ni Tita Malou ang plano ni-lang part 4 at kahit mild kissing scene lang siguro with John Lloyd, kahit sa opening scene lang. Pero mukhang walang maisagot ang mag-ina kundi ang ngumiti lamang sa mga big boss.

 

NALOKA KAMI nang makita namin bigla si Cong. Jack Enrile sa labas ng mga restaurant palabas sa may ABS-CBN recently dahil sa mga naglapitang tao sa kanya para bumati at magpa-picture na pinagbigyan naman n’ya, in fairness.

Akala namin ay kung sinong character actor na galing sa taping sa isang show ng ABS.

Kung sa bagay, artistahin naman ang dating n’ya, walang halong kiyeme.

Na-

kilala  na lang namin si Cong. Enrile dahil sa mga kasama n’ya that day.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

8 thoughts on “Mariel Rodriguez, magbabalik-Kapamilya?!

  1.  may pinalabas ng statement si madam charo para pabulaanan ang pagbabalik daw ni willie sa ch 2.hindi daw totoo.

  2. ANG MGA LAOS DYAN NA SA TV5..WALA NA KAYO LUGAR SA ABS-CBN..ITONG HALIPAROT NA MARIEL NA ITO AYAW NAMIN SAYO BWESIT KALANG SA DOS

  3. Hindi na bumalik si Binoe sa Todo Max dahil hindi nag give in ang channel 2 sa banta ni Binoe na hindi siya babalik sa Todo Max kung hindi ibabalik sa dating time slot ang Kailangan Ko’y Ikaw. Flop naman kasi ang mga movies at teleserye ni Binoe. Pati nga mga variety show na sila ni Mariel ang main hosts, palpak. Huwag ng ibalik si Mariel sa dos. Malas at jinx ang plastikadang palaka.

    • ISANG MALAKING CHECK!!!! mAG Cncentrate na lng sila ni robin sa kabilang honetmoon..hwag ng bumalik pa..SAYANG lng ang Airtime kng mgka sitcompa sila..ABS isip isip dinz!!!!

      • HAHAHA. HONGTATARAY NYO, MGA ATENG! HAHAHA. REMEMBER YUNG MOVIE NILANG “TUM, MY PLEDGE OF LOVE” BA YON? JUICE MIO! ISA O DALAWA LANG YATA ANG NANOOD. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.