Mariel Rodriguez, madalas inaaway si Zanjoe Marudo dahil sa bagong kotse?!

DINALAW namin ang The Buzz noong Linggo ng hapon. Nasa magandang mood naman si Kris Aquino mula umpisa ng palabas. Aliw na aliw nga dahil ang daming bisita mula sa iba’t ibang lugar.

Inaasahan na naming hindi na dadalo si Ruffa Gutierrez sa huli sana niyang araw sa nasabing programa.

Sa kalagitnaan ng show, nakita namin ang aninong laging nakabuntot kay Ruffa – si Jimmy Aguilera. May bitbit itong magandang arrangement ng flowers. Para pala kay Kris ‘yun. Tinangka nga naming tanungin si Jimmy para ikumpirma pa uli kung kay Ruffa ba ‘yun galing o sa mahal na ina nito.

Tumawa lang si Jimmy. At saka kami niyaya roon sa likod ng stage ng mga hosts. Ang dami nitong dalang boxes ng pizza. At niyaya kami ng staff to grab a bite. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga Rustan’s wrapped gifts para sa bawat miyembro ng staff. Mukhang ‘yun na ang pa-thank you ni Ruffa sa mga nakasama niya at nakatrabaho sa nasabing palabas.

Hanggang sa dumating na ang taped interview ni Kuya Boy (Abunda) kay Ruffa. Na hindi pa rin napigilan ang maiyak sa kanyang mga pahayag.

The whole time, kay Kris ako nakatingin. Mataman lang itong nakikinig sa mga tinuturan ni Ruffa. At wala ring nag-expect sa magiging kasagutan nito kasunod ng nasabing interbyu. Dahil hindi rin nito napigilan ang sarili para ibulalas ang lahat ng kanyang saloobin sa mga nagaganap sa buhay niya.

May mga nag-iiyakan sa studio, ha? Dahil ang lahat eh, tumutok sa pakikinig sa kanya.

Hanggang sa matapos ang kanyang pagsasalita, at dahil pa-ending na ‘yun, nagtuluy-tuloy na ito sa kanyang dressing room hanggang sa umuwi na.

Ang tanong ng lahat, isa na bang pamamaalam kay Kris ang kanyang tinuran sa mga namutawi sa kanyang mga labi? Isa na nga raw ba itong pagsuko?

Kung nag-abang tayo kay Ruffa kung a-appear pa siya sa nasabing programa noong Linggo, sa Linggo uli, aabangan kung ano pa ang kasunod na kabanata o kasunod ng mga tinuran ni Kris sa kanyang ‘speech’.

TRUKARET PAKBET BA na isang BMW ang bagong sasakyan ngayon ng aktor na si Zanjoe Marudo?

Nakatutuwa lang kasing makinig sa mga taong para bang nasa tabi sila ni Zanjoe nang makuha nito ang kanyang sasakyan. May nagsasabing second hand lang naman daw ito. At meron ding nagsasabing regalo ito ng isang kaibigan kay Zanjoe.

Okay na sana. Kaso, nilalagyan ng kulay ang taong sinasabing siya raw nag-regalo ng nasabing sasakyan kay Zanjoe.

Well, pastime ng mga tao talaga ang pakialaman ang buhay ng may buhay. Inggit? O panghihinayang na hindi sa kanila dumarapo ang ganoong klase ng windfall, if you may call it that!

Marami namang shows si Zanjoe. So, keri niyang makabili nito kung mag-iipon lang siya. He’s also one friendly soul. Kaya, kung meron mang magregalo nito sa kanya eh, hindi na nakapagtataka.

May kasunod pa rin ang intriga na kinakaladkad ang girlfriend nitong si Mariel (Rodriguez). Ito raw kasi ang isa sa matindi nilang pinag-aawayan sa ngayon – ang nasabing sasakyan!

BLIND ITEM: PARA lang siyang nagpapalit ng panty, ha?

Ganito na nga raw ang lifestyle ng isang dating nag-aartistang girlet. Kahit na may natagpuan na itong posibleng maging lifetime partner dahil suportado naman siya sa lahat ng bagay, eh, may pagkakataon daw na madali itong manawa sa kanyang Papa.

Kasi nga, nakikita pa rin ni girlet ang dati niyang Papa dahil meron silang anak. At kapag nakikipagkita raw siya rito, hindi napipigilan ni girlet na magpa-cute sa ex. And yes, may nagaganap.

Magbalikan? Eh, kapag tinatanong naman ang dati niyang partner if there is a possibility, para naman itong sukang-suka. Siguro nga, dahil sobrang ma-elya ang girlet!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

12 thoughts on “Mariel Rodriguez, madalas inaaway si Zanjoe Marudo dahil sa bagong kotse?!

  1. Si Angel Locsin wala pang anak, nagpalaglag 2 beses, OO pero anak wala pa! Tanong niyo pa si Oyo Boy. Si Mylene nga siguro.
    Sigurado may magwawala dito.

  2. i dont think its mylene dizon,kasi dating nag aartista daw…eh c mylene,diba nakikita pa siya sa tv now?….. ewan!! wala kasi clue masyado…

  3. basta pahada ka sa isang baklang tv exec ng isang major network dami k project, kahit hamon ka umarte, makakabili k kaagad ng sports car

  4. humingi kasi sya sa kanyang papa willie…tutal lahat nga babe dun eh dumadaan sa kamay nya…ang hina nman nya…ano ba naman yung isang kotse sa isang gabi///ingit siguro lang yan dahil si zanjoe hawak ng bading na executive ng dos kaya may kotse..konting pakatas lang yan..kotse agad…

Leave a Reply

Your email address will not be published.