Mariel Rodriguez irritates Golden Acres elders with singing voice

SOBRANG NA-MISS NAMIN ang isa’t isa, kaya isang power hug ang ibinigay namin sa isa’t isa ni Zanjoe Marudo nang magkita kami sa burol ng namayapang mister ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Me malisya? Oy, walang malisya ‘yon. Kumpare namin ‘yan. Inaanak niya ang aming bunsong daughter. Nag-explain talaga? Hahaha!
Anyway, naitanong namin kay Zanjoe, “Nagli-live-in na nga ba kayo ni Mariel (Rodriguez)?”

“Nako, last year pa!”

“Last year pa kayo nagli-live-in?”

“Hindi. Last year pa ‘yang balitang ‘yan, gusto ko, ‘yung bagong balita naman. Tulad ng may na-meet akong French girl sa Paris, ganyan ang gusto ko!”

Sa tono ng pananalita ni Zanjoe, na-notice namin, parang pagod na pagod na siya sa kae-explain na hindi talaga sila nagli-live-in ni Mariel at wala siyang “kinalantaring” French girl nu’ng nag-taping sila nina KC Concepcion at Piolo Pascual sa Paris para sa Lovers In Paris.

Eh, sa amin, isa lang ang kahulugan niyan. Parehong sikat sina Zanjoe at Mariel, kaya wala silang choice, mababalita’t mababalita sila, ‘di ba?
Hindi katulad ng ibang mga couples na kahit ano’ng gimik ang gawin, hindi click sa tao, kaya take it possitively, pare!

Pare daw, o!

AND SPEAKING OF Mariel Rodriguez, napag-alaman naming nagtungo pala sila nina Pokwang, Valerie Concepcion at RR Enriquez sa Golden Acres recently para aliwin ang mga elders natin doon.

Siyempre, nagpakain at naghatag ng kanilang nakayanan ang grupo bilang kanilang pasasalamat sa mga blessings na dumarating sa kanila.
Alam n’yo bang si Mariel ay umawit ng “Nandito Ako” ni Ogie Alcasid at nu’ng nasa kalagitnaan na siya, may mga sumigaw na elders ng, “Ano ba ‘yan? Ang ingay-ingay!”

Hahaha! Imbes na ma-offend, naaliw pa si Mariel sa naging reaksiyon ng ilang elders, kaya nagdayalog daw ang TV host ng, “Ay, gano’n? Ayaw n’yo sa boses ko?”

Hahaha! Nakakalokah naman kasi talaga ang boses ni Mariel, eh. Kanyang-kanya lang at hindi mo matatawaran ang intensity.
At ‘eto na. Alam n’yo ba kung sino’ng source namin dito?

Hehehe. Si Mariel mismo!

OY, BUKAS NA, Saturday, ang pinakaaabangang birthday show ni Vice Ganda, ang “OTB: Oh, It’s my Birthday” sa Metro Comedy Bar, sa may West Ave.

Kung nalulumbay kayo, ‘eto na ang inyong pagkakataong tumawa, dahil nakakatawa rin nang bonggang-bongga ang mga guests ni Vice – sina Chokoleit, Ethel Booba at Pokwang.

At according to Chokoleit, “Hindi namin alam ang mga gagawin namin, dahil patalbugan kami rito. Masu-surprise na lang kayo!”

Si Pokwang naman, “Ako naman ang nag-suggest kay Vice. Meron kaming production number na hinding-hindi n’yo kakayanin at alam kong ako lang ang makagagawa no’n sa hirap!”

Si Ethel naman ay may sorpresa rin. At siyempre, ‘yung kanyang “kainosentihan” sa stage, hindi n’yo rin kakayanin, kaya buy na kayo ng ticket (or call 0922-8398878).

P500 lang, nag-enjoy pa kayo sa “OTB” na ang major sponsors ay ang Beaulife Powertrim, Gluta MS, Uno International, Baang Coffee, Kape Kopi Roti at Rene Mejia Photography Studio.
Kita-kits!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Mariel Rodriguez irritates Golden Acres elders with singing voice

  1. MIKE SINO PINAGMAMALAKI MO? SI BEA NA MAYSAKIT NA EPILEPSY..O SI ANGEL NA BOSES LAGING PARANG KINAKADYOT SA KAMA…HUMAHALINGHING…SBAGAY…SANAY NA SANAY..LASPAG NA KASI

  2. BABABA,
    U are such an idiot. Based on the words you’ve written, it only shows what kind of character u have. Get life man! U are so insecure for ur fave star/s! Pathetic!

  3. MAS ME NAKAKAIRITA PA BA SA BOSES NI MARIAN NATALAGANG SQUATER NA SQUATER ANG DATING? BEATIPUL .. WAHAHAHAHAHA

  4. matagal nang nakakairita ang boses nyang malditang mariel na yan…sobrang OA at trying hard…buti na lang at walang pasyente namin na nagwala…ang di nakita eh kung gaano kaplastic yan alam ba nilang sumimangot at nagismid na naman yan…ay naku sabi ko na ba palpak yang inisip nila..buti na lang si pokwang ok pa sana syan na lang at iniwan yang si mariel…

Leave a Reply

Your email address will not be published.