Mariel Rodriguez, influential in Pokwang’s entry in Happy Yipee Yehey?!

NALOKA ANG BEAUTY ni Angel Locsin sa latest tsismis sa kanya.

Akalain mo ba naman na may lumabas daw na tsismis na nakipag-date raw si Angel kay Aljur Abrenica. Napaka-farfetched namang idea ‘yan. Simply, there is no truth to that gossip.

Sino naman kaya ang nag-imbento ng tsismis na nag-date sina Angel at Aljur? At saan naman kaya niya naulot ang walang kuwentang tsismis na ito.

Although we’re not close to Angel, masasabi naman naming one-man-woman ang dalaga. Obvious naman na si Phil Younghusband ang madalas ka-date ni Angel ngayon, bagay na talagang pinatotohanan ni Phil sa kanyang latest interview, kung saan sinabi niyang exlusively dating sila ng dalaga.

Mukhang in no time ay magugustuhan din ni Angel si Phil dahil sa sincerity na pinapakita nito sa kanya. Imagine, sinundan pa siya nito sa Hong Kong para lamang batiin siya ng happy birthday. At ang isa pang bonggang effort nito,

bumili ito ng designer bag para sa dalaga na tinatayang nagkakahalaga ang P100,000.

Sa presscon ng kanyang bagong pelikula, natanong si Angel kung may pag-asa si Phil sa panliligaw nito sa kanya.

“Hindi ko alam. Masyado pa kasi siyang maaga para sabihin ‘yun,” sagot naman ni Angel.

FINALLY AY SINAGOT na rin ni Vic Sotto ang tsikang ayaw raw magpabuntis ni Pia Guanio kaya sila naghiwalay.

“Siya ang tanungin n’yo ‘wag ako. Layo naman nu’n. It doesn’t really matter naman kung magkakaanak kami o hindi. Wala lang mapag-usapan siguro ‘yung ibang… wala lang maisip,” esplika ni Vic sa launching ng kanyang gameshow sa TV5.

Matagal nang nasulat na ang isa sa dahilan kung bakit nag-break sina Bossing Vic at Pia ay dahil sa hindi pa raw ready ang huli na magkaanak. Sobrang mahal daw ni Pia ang kanyang career at hindi rin daw siya handang masira ang kanyang figure kaya ayaw niyang pakasal kay Vic.

MUKHANG MAY UTANG na loob si Pokwang na dapat tanawin kay Mariel Rodriguez.

Si Mariel kasi ang nagpursige na mapasok muli si Pokwang sa isang noontime show. Kahit ang manager niyang si Boy Abunda ay kinukulit niya na isama si Pokwang sa Happy, Yipee, Yehey. Kahit sa ilang executives ng Dos ay iyon din ang pakiusap niya, na isama na sa kanila si Pokie.

Well, nagbunga naman ang wish ni Mariel dahil kasama na ngayon si Pokwang sa noontime show.

Nagmula si Pokwang sa Wowowee na natsugi. Inilagay siya sa ipinalit na noontime show na Pilipinas Win na Win na obviously ay lost na lost dahil natsugi rin ito.

Now Pokwang is now part of Happy, Yipee, Yehey. As they say, it comes in threes.

Naku, hindi kaya matsugi rin ang bagong noontime show ng Dos? Si Pokwang kaya ang tawaging jinx kapag nangyari ito?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Mariel Rodriguez, influential in Pokwang’s entry in Happy Yipee Yehey?!

  1. napa happy, yippee , yehey ako last saturday dahil sa pagbalik ni Pokwang sa noontime show. i am sure that the program will improve now that pokie is back, with john, randy, melai and jason, super nakaaliw manood.

Leave a Reply

Your email address will not be published.