Mariel Rodriguez, inaming may negosyason siya sa paglipat sa TV5

KINUMPIRMA MISMO SA amin ni Mariel Rodriguez na may negosasyon ngang nagaganap sa pagitan nila ng TV5 kung saan may offer sa kanya si Willie Revillame. Inamin sa amin ng TV host na wala siyang kontrata sa ngayon sa Kapamil-ya Network at dahil may-asawa nang tao, iniisip ni Mariel ang future niya at ng magiging anak niya sa hinaharap.

Ayon kay Mariel, may counter-offer naman ang ABS-CBN sa kanya, nag-usap na sila ng management, paulit-ulit ang binitawang salita sa amin ng TV host na mahal na mahal niya ang Kapamilya Network at malaki ang utang na loob niya sa nasabing istasyon.

Seguridad ang binigay na rason sa amin ng TV host, kung saan ang gusto lang naman niya ay mag-host. Ipinagtapat sa amin ni Mariel na pinamimigay pala ni Robin ang kinikita niya sa mga nangangailangan tulad ng mga tao sa Basilan, Bilibid at sa iba pang mga nangangailangan. Naiintindihan naman ni Mariel ang kabutihang ginagawa ng asawa, kung saan nagsisilbi nga itong inspirasyon para maisip niyang tumulong din sa iba.

Sa tanong namin kung may plano din bang lumipat si Robin sa Kapatid Network, pinaliwanag sa amin ni Mariel na hindi siya maaaring magsalita para sa asawa dahil ang negosasyong nagaganap ay sa pagitan lang nila ng TV5. Sa ngayon ay wala pa namang final na sagot na binibigay si Mariel kaya’t maaari namang mabago ang lahat at kung mananatili ba siya sa ABS or isa siya sa mga artistang maglilipat-bakod from ABS to other network. Hintayin natin ang mga susunod na mga kaganapan.

Hiningan din namin siya ng reaksyon sa balitang sinugod daw ni Robin si Zanjoe Marudo sa Manila Pen para kumprontahin ito, kung saan ang lumabas na kuwento ay na-offend daw ang action star kay Zanjoe dahil sa skit na ginawa nito along with Vhong Navarro nang ma-touch ang nakaraan nila Mariel at Zanjoe at i-spoof ni Vhong si Binoe.

Klinaro sa amin ni Mariel na walang sugurang naganap gaya ng inisip ng ibang tao. Aminadong nagpunta silang mag-asawa sa Manila Pen. Nagkape sila du’n kung saan nagkita pa sila nina Kim Chiu, Ejay Falcon, Diether Ocampo at iba pa. Ang gusto lang ni Robin nu’ng oras na ‘yun, kung may gustong sabihin sa kanya si Zanjoe, maging malaya itong kausapin ang asawa.

Para kay Mariel, ‘di maganda ang dating na sumugod sila gaya ng iniisip ng iba. Ang kahulugan kasi ng sugod ay parang handa kang makipag-away o makipag-suntukan na wala sa plano ni Robin.

Binigyang-linaw rin ng TV host na wala itong kinalaman sa skit kung saan na-offend daw rito ang asawa. Dinepensa ni Mariel ang asawa na hindi mababaw na tao si Binoe. Sa tagal na nito sa industriya na sa dami na ring nag-spoof sa aktor, hindi ito mapipikon sa ganu’ng bagay lang. Inulit sa amin ni Mariel na hindi talaga ito dahil sa skit. Kung dahil dito, ‘di sana pati si Vhong ay kakausapin din ni Robin.

Ang magandang balita lang, nakapag-usap na sina Robin at Zanjoe nu’ng nakaraang Martes. Mallit nga naman ang mundo ng showbiz, magka-Kapamilya silang lahat at makikita’t makikita nila ang isa’t isa.

PAKATUTUKAN ANG LALO pang umiinit na mga eksena sa Reputas-yon dahil mas maraming rebelasyon ang mapapanood ngayong darating na Linggo. Finally ay napapanood na rin sa ilang linggong pagkawala dahil sa pagkaka-confine sa ospital si Cristine Reyes. Nabasa namin sa tweet ni AA na magiging happy raw ang manonood ng Reputasyon dahil sa mga susunod na mangyayari rito.

Habang tumatagal, lalong tumatatag ang relasyong Rayver Cruz at Cristine. Kamakailan nga ay kumain sa labas ang aktres kasama ang buong pamilya Cruz, kung saan lumalabas lang na botong-boto talaga ang mga ito kay Cristine.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

9 thoughts on “Mariel Rodriguez, inaming may negosyason siya sa paglipat sa TV5

  1. sikat pala si mariel at nag counter offer ang abs o baka naman dinagdagan pa ng abs ang offer ng TV5 para lalong mapadali ang pag alis ni mariel sa dos.

  2. Naniniwala kami na sinugod ni Robin si Luis noon sa PWW. BAsagulero ang tanda. Devilita, I beg to disagree, pero si Toni ang paborito ng marami. Kaya nga box office queen. maraming naaaliw sa kanya.

  3. lipat na agad mariel oa at maarte now na .dapat sa hyy palitan ng co host ok si john,randy at rico j but Toni , Bianca and Mariel puro sila oa at pacute di sila bagay don nasisira ang show pag pag tong tatlong to umapir its so boring at mapapaYuck to the max ka talaga puro sigawan ginagawa hindi hosting pag silang tatlo umapir lipat ko agad sa EB sana balik nila si Valerie at K Brosas may dating sa akin to ,pero yong tatlo hay sira ang araw ko no ba abs kung gusto nyo umangat show nyo palitan nyo tatlong babae na to.

  4. good riddance!! she’s so OA and super maarte that whenever she’s on tv, i change the channel!! i really hope she moves to another network because if i hear another story about her and her “babe”, i might just throw up!!!!! lmao

  5. Go Mariel and leave fast and please please don’t let the door hit you on your way out. Nakakairita ka, plastikada to the max. Sorry I’m not a fan. Hindi na lang sana ito isinali pa sa HYY, mas naka excite pa si Valerie sa kanya when it comes to hosting, just my honest personal opinion lang ho. Peace to her fans.

  6. sige layas mariel..dun ka sa tv 5 nararapat..aminin mo na kasi hindi mo kaya ang hosting talent ni toni gonzaga.. nauungusan ka palagi.. ikaw ang dahilan kung bakit di natuloy movie nila ni robin,,ang good karma is, naging box office queen pa xa sa movie nila ni john lloyd..e ang movie niyo ni robin???? ang bilis talaga ng karma nuh!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.