Mariel Rodriguez, hindi lang storyteller, backbiter pa!

OLA CHIKKA! SADYANG mapaglaro nga naman ang tadhana dahil walang sino man ang makapagsasabi kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap. Dati-rati, halos magpakamatay sila makuha lang ang kasikatang inaasam, ngunit ngayon, halos parang basura na lamang na itatapon at nawawalan ng halaga dahil sa ibang bagay na hindi natin inaasahang mangyayari sa atin.

Ihalimbawa na lamang natin itong nangyari kay Willie Revillame na ilang taon din bago naibalik ang kanyang kasikatan sa pamamagitan ng Wowowee, ngunit ganu’n na lamang din kabilis nawala dahil sa iilang salita lamang na kanyang binitiwan na hindi inaasahan ng madlang pipol na ito ang magiging mitsa ng kanyang showbiz career at naghatak sa kanya paibaba. Halos lahat ng Pilipino ay abot-langit ang ligaya mahawakan at mapanood lamang siya, ngunit ngayon ay iilan na lamang ang natira para sumuporta sa kanya at karamihan ay naging negatibo ang tingin sa kanya.

ISAMA MO NA rin sa listahan itong si Mariel Rodriguez, na kung noon ay may mga batikos din siyang tinanggap kaugnay ng kanyang pagho-host, ngunit ngayon ay isa na siya sa most wanted na host na talagang nakaaaliw sa mga manonod hanggang sa maghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo. Tunay nga, masasabi mong isa sa mga napakagaling na hosts si Mariel ngayon, at halos nabigyan na rin siya ng break sa pag-arte nang bumenta sa takilya ang kanilang horror movie na ipinalabas ngayon taon.

Sayang ang paghubog ng kanyang acting talent nang naudlot at makilala niya itong lover boy ng ‘Pinas na si Robin Padilla. Hindi namin sinisisi si Binoe sa nangyari dahil sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang tulad niya, ‘di ba?

Tuluyan na ngang nag-iba ang ihip ng hangin at bilang nawala na sa linya ang career ng host-actress dahil maging ang kanyang manager na si Boy Abunda ay walang kaalam-alam sa mga nagyayari sa kanya, at maging ito ay nawiwindang sa desisyon ng kanyang alaga at lumalabas tuloy na binalewala niya ang kanyang manager nang mapabayaan ang kanyang career. Ngunit pasalamat na lamang siya at napakabuting tao ni Boy Abunda at naiintindihan ang kanyang situwasyon at

suportado siya kung saan niya mahahanap ang kanyang kaligayahan.

NGUNIT TALIWAS ITO sa intrigang kinasasangkutan nila ng kanyang dating co-host at super friend na si Toni Gonzaga. Nagulat ang lahat nang magbigay ng pahayag si Toni tungkol sa hindi pagkakaintindihan nilang magkaibigan, ngunit mas pinili pa ng host ng The Buzz na huwag ng bigyan pa ng anumang detalye ang sama ng loob niya para kay Mariel.

Ang pagiging traydor daw umano ni Mariel ang kumakalat na chikka na dahilan ng sama ng loob ni Toni, kung saan bawat kuwento at sama ng loob niya sa isang tao na inilalabas niya kay Mariel ay ikinakalat din ng huli at sa mismong tao pa na tinutukoy ng una.

Kung inyong matatandaan ay isa rin si Mariel sa diumano mga pinagkuwentuhan ni Angelica Panganiban tungkol sa affair daw umano nitong si Claudine Barretto. Maging ang pangalan ni Luis Manzano ay dawit din nang may chikkang lumabas na sinabi raw ni Mariel kay Binoe na gusto siyang halikan ni Luis noong temporary host pa ito sa Wowowee. At noon pa man ay kumakalat na ang backbiting issue at pag-gawa ng kuwento ni Mariel noong dating housemate pa siya sa bahay ni Kuya.

Mukhang hindi magandang ekesena ‘yan sa pagmamahalan nina Robin at Mariel, maaaring maging Knight in shining armor si Binoe or maging ang drama nila ay love conquers all… Teka always look on the brighter side ‘ika nga… malay mo gimik lang ‘yan ni Mariel para maging major major bagay sila ng kanyang lovelife… BAD BOY + BAD GIRL = BAD ROMANCE! Ra-ra-ra-ra-ra! Ha-ha-ha! Peace!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Mahulaan n’yo kaya itong boy next door na masasabi mong matinee idol na rin dahil sa dami ng babaeng nagtitilian kapag nakikita ang cutie look niya at may pagka-yummy din niyang body? At dahil d’yan sa napaka—mmmm… niyang katawan ay may nasagap ang aking parazzi girl na hindi lang pala sa ‘Pinas mabenta ang male actor na ito dahil maging sa China ay bidang-bida siya dahil sa halagang 10K… tamah! Tumataginting na P10, 000 lang ay makakasama mo na siya sa langit. Tsk, tsk, tsk… bad ‘yan!

Sino siya? Alamin at subaybayan na lamang ang aming programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn, at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

37 thoughts on “Mariel Rodriguez, hindi lang storyteller, backbiter pa!

  1. Si Kris kahit bad trip..at kung lumelevel si Mariel dito..eh wala siyang sa kalingkingan. Si Kris, kahit nakakaasar at broadcast na lahat, she’s firm and stands by what she did, kahit ba sobrang nakakahiya na at walang back stabbing..dahil point blank niya sasabihin. Si Mariel, tupi at tiklop kapag na-corner na..ma-cute effect and awa effect nalang kapag ipit na :)

  2. Sa akin, ok lang kahit itinago nila ang kasal nila, karapatan niya iyon. However, yung mga naglalabasan na news about Mariel..eh..wow..grabe. Hopefully, magtagal ang relasyon nila ni Robin…sama ko..pero, I doubt it. Sa ugali at personality pa lang ni Mariel, malamang panay away iyan, etc. si Liezl, matiyaga at grabe..she took everything and accepted everything..sila ang mag-asawa pero left and right ang relationships ni Binoe. Si Mariel kaya kaya niya iyon? Masyado siyang high maintenance for Robin’s taste :)

  3. Si Mariel na siguro ang pilit lumelevel kay Kris A. sa kaartehan. Mas malala pa nga dahil back-biter ang bruha!

    Mga sinungaling silang dalawa ni Robin. Okay na sana kung di pinagloloko ang mga tao sa mga statements nila na bawat interview ay naiiba!

  4. bakit palagi nandyan ang picture ni angelica na hawak ang ano ni derek dito sa website na ito..heheheh..in other words bastos mga tao dito ,mga writers kasali na si abunda..heheheh

  5. lets wish them a good luck nagmahalan kasi….if it’s all is true, the truth will prevail….that’s the path that they choose so be it….

  6. HINDI NATIN KABISADO SI ROBIN. GAYA NANG SABI NI QUEENIE SA KANYANG INTERVIEW AT UMIIYAK PA SIYA, MASAYA NA SIYA NA NAGHIWALAY ANG MOMMY AT DADDY NIYA DAHIL PANAY ANG AWAY AT SIGAWAN NILA. MABUTI NA RIN NA SI ALIH NASA AUSTRALIA DAHIL WALA TALAGANG PANAHON SI ROBIN SA BATA. TINA MONZON-PALMA SUMS IT ALL IN HER INTERVIEW WITH ROBIN AND MARIEL. ANG SABI NI TINA ” MABUTI NAMAN AT NILINAW NINYO. UNFAIR KASI SA MGA TAO AT PRESS NA PINAIKOT IKOT NINYO”. MRAMI NGANG NAGING KASINUNGALINGAN NA INILABAS SI ROBIN AT MARIEL BAGO INAMIN NA KASAL NA PALA SILA SA INDIA. UMAASA PA SIGURONG GAGAWING MOVIE NANG STAR CINEMA, PERO NGAYON NILINAW NANG ABS-CBN NA WALANG MOVIE NA NAKA LINE-UP ANG DALAWA. SI BOY ABUNDA SA SNN, ASA PA RIN. SINUNGALING RIN ITO.

  7. npkaplastic tlga ni mariel!!!kkainis feeling nia mganda cia…sna lumayo n c bianca s knya bad influence cia ky bianca..inagaw nia nga c zanjoe ky bianca e..hanep npkalandi!

    • PAREHO LANG SILA NI ——- ALAM NYO NA KUNG SINO YUN SA SOBRANG KADALDALAN AYAN ANG MAPAPALA NYA PUSTAHAN MGA ILANG BUWAN HIWALAYA NA YAN

    • mr swarding, koreksiyon lang po: wala hong salitang backbiter sa salitang ingles, backstabber po talaga yun. tulad ng pag-gamit ng salitang nailcutter, nailclipper po yon. so backstabber po ang angkop sa salita. salamat po mr. swarding

      • Teh, bago ka po magdunung-dunungan, check your facts. Baka naman po out dated na ang dictionary na pinagbasihan mo ng pangongorek mo kay Mr. Swarding. According to my research, meron pong salitang backbiter (backbiting) at nail cutter sa salitang ingles. Maaari lang pong hindi masyadong gamit sa form na ito pero existing po ang mga salitang ito. Kahit po itanong niya sa wikipedia. Kaya teh, sa susunod po, siguraduhin nyo po muna ang sarili nyo bago po magkorek ng iba. Senya na teh, tao lang po. Peace!

      • kaya tayo pinagtatawanaan ng mga banyaga dahil sa pag-gamit natin ng mga maling gamit ng salitang ingles. ginagawa kasi nating literal ang pagsasalin natin mula sa pilipino. nagkakamali ka kaibigan dahil kung ang iyong tiningnan ay yung talatinigang tagalog-ingles o ingles-tagalog, makikita mo maling pagsalin ang backbiting, nail cutter. kahit nga ang salitang rubber shoes ay di nangtutukoy sa mga sapatos nating nike o adidas, kungdi siya ang botang ginagamit natin pag tag-ulan. ako lamang ay nag-bibgay kaalaman sa mga ating mga kababataan, na sa globalization ng bansang pilipinas, kailangan nating maging katulad ng mga kakalakal nating mga banyaga. so, if you go the COMFORT ROOM, wearing your RUBBING SHOES, and while you are in the COMFORT ROOM, you are using your NAIL CUTTERS, while your friends are BACKBITING you, you resort to SALVAGE them. Believe me, the rest of the english speaking world while have no freaking clue what i typed. salamat sa iyong pag-puna. sa uulitin, ikaw muna ang magsaliksik.

      • Saang sulok ng mundo ka ba naka base teh? Kasi dito sa amerika pag ginagamit ko ang salitang NAIL CUTTER, BACK BITING at RUBBER SHOES eh hindi ako pinagtatawanan ng mga banyagang kasama ko sa trabaho. Kasi hindi sila kamukha mong kung makapagpuna at magkorek ng tama at maling paggamit ng pagsasalita ng english words eh kala mo parati kang nasa iskul. Teh, believe, they don’t care as long as they understand you. And btw, they don’t grade you either. Hindi sila katulad mong feeling English/Grammar and Rhetoric teacher yata. And can you please rephrase your sentences because none of them make sense….AT ALL. Oo nga pala, chineck mo na ba ang wikipedia? Believe me, the rest of the english speaking world will agree with me once they check my facts in wikipedia. Kasi diba teh ang debate natin is kung may salitang backbiter at nail cutter. Bakit biglang napunta sa rubber shoes? I have two words for you. ANG LABO MO!!! Heheheh. PEACE ulit

  8. Tandaan niyo rin na pinagmumura ni Mariel si Riza sa loob ng PBB house. Pati yung pagsabi niya na ang baho daw ng mga contestants ng wowowee. Tyaka yung pagsabi niya na jologs ang gma. Kitang kita iyon sa cam! Kaya hindi mahirap paniwalaan ang mga balita tungkol kay Mariel ngayon!

    • tandaan mo dn na nagkaroon ng negative issues si Riza nung lumbas sya sa PBB house? remember? nairitia sa kanya mga kapuso stars then Ruffa gutierrez?

      • Riza’s issues with other stars are trivial dahil 1.) Non-existent na showbiz career niya 2.) The topic is about Mariel. Tyaka kahit ba nakaka-irita nga si Riza, kung matinong at may breeding ang tao na yan, hindi niya sasabihin ito: Pu–ng inang virgin na ‘to. Pu_ng ina talaga! Pu_i siya. Ki_i ng ina niya!

  9. Natural nga lang talaga siguro kay Mariel ang pagiging madaldal… Ipinagkalandakan pa nga n’ya dati ang pagpapalipo n’ya ng legs… At dinawit pa si Bea Alonzo – nagpalipo din daw dati si Bea.

    Kaya nga ng pumasok nun si Bea at JLC sa loob ng PBB House para sa promo ng bagong dandruff shampoo may tension between Bea and Mariel.

    Of course lahat ito sa livestream at na-edit out sa PBB primetime at uplate.

  10. SINUNGALING si Mariel dahil malinaw nun ini deny nya sa E-live Aug 28 na inde pa sila kasal when the truth is AUg 19 pa kasal..sinisisi pa nilamga reporter, press etc……inde bat parte din siya ng media dahil talk show host siya? SIRA NA CREDIBILITY NI MARIEL …kung ako sa ABS CBN inde na nde na dapat bigyan ng hosting job si Mariel…….siningaling

  11. If everything said about Mariel is true, nakakahiya nyan, a lot of actresses and actors will be indifferent to her, believe me, they will put a heavy sheild on them when they see Mariel coming, Sayang si Mariel, maganda pa naman. What love does to some people is really amazing.

    • MARIA, tama ka! napakalaki ng epekto ng “LOVE” sa isang tao. It’s either maligwak ang mga desisyon sa buhay or mapaganda!

      kailangan talaga na maging matatag ang isang tao at ‘wag magpadalus-dalos sa pagde-desisyon. sabi nga ng mga nakakatanda, 10 beses isipin bago gawin.

      • i agree!!!! Let’s just pray that Mariel and Robin will live happily together for a long time. I like Robin kasi he has good traits in him like he is a real gentleman, hindi siya sasabi na ikinasama sa isang babae, and he is kind to the poor too. Ang negative side lang nya ay ang pagkababaero nya, pero hindi naman natin ma blame si Robin, kasi guapo talaga siya and gentleman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.