Mariel Rodriguez, ‘di pa rin mabiyayaan ng anak

Mariel-RodriguezMARAMI NAMAN ang naawa kay Mariel Rodriguez na nakunan na naman pala.

Kinumpirma nga ng kampo ni Robin Padilla na nakunan si Mariel. Kuwento ng mga bading, kumalat nga raw ang video na kung saan nagpa-check-up si Mariel, at du’n nalamang nakunan ito.

I’m sure dinamdam ito nang husto ng mag-asawa. Kaya nga hindi na muna itinuloy ni Robin ang entry niya sa MMFF na Nilalang kasi nakatutok siya sa pagbantay kay Mariel.

Hanggang kahapon ay wala pa ring statement si Robin tungkol sa nangyari sa kanyang asawa.

Kaya lang, ang isa sa naapektuhan sa balitang ‘yun ay si Maria Ozawa. Kasi naman, kung anu-anong pinagsasabi nang hindi natuloy ang project nila. Tinawag pa niyang unprofessional si Robin, kaya pinutakti rin siya ng pamba-bash ng mga followers ni Robin.

Nang pumutok itong balitang nakunan so Mariel, lalo pa siyang tinira ng mga fans ni Robin. Pero in fairness naman dito kay Maria, wala nga naman siyang kinalaman sa nangyari kay Mariel. Kaya siguro tigilan na natin ‘yang babaeng ‘yan!

Ngayong linggo nga raw ay babalik siya ng bansa. Ang latest na narinig namin, gagawin pa rin ang pelikulang ito, at si Cesar Montano na raw ang ipinalit. Pero wala pang kumpirmasyon mula sa producer.

Kaya lang, hindi na siguro itutuloy ‘yan sa MMFF. Ang ipinalit na yata sa entry nina Robin ay ang kay John Lloyd Cruz na Conman.

Kung sa bagay, mukha namang maganda itong Conman ni John Lloyd. Matagal na yata nila itong natapos.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.