Mariel Rodriguez, baliw sa pag-ibig?!

OLA CHIKKA! NAIPALABAS na nga ang taped interview ni Mariel Rodriguez noong Sabado sa E-Live patungkol sa biglaang paglisan niya ng bansa. Martes nang lumipad papuntang India si Mariel kung saan sinabi niyang magbabakasyon lamang siya at walang tiyak na petsa kung kailan siya magbabalik.

Kaya naman kaliwa’t kanang intriga ang naglabasan at agad naman itong nilinaw ng kanyang manager na si Boy Abunda at kinumpirmang hindi pumunta dun ang host-actress upang magpakasal at hindi ito buntis. Ang tanging sinabi na lamang ni Mariel ay abangan ang one-on-one niyang interview sa E-Live.

Ilang araw ring naghintay ang mga echoserang chismosa ng bansa at hinintay nga ang E-Live upang mabigyang-linaw ang pag-alis ni Mariel. Ngunit mukhang nabigo ang mga ito dahil wala namang bago sa mga sinabi niya.

Kasama nga niya ang kanyang boyfriend na si Robin Padilla sa India pero bakit kailangan pa niyang patagaling sabihin eh, it’s not a big deal naman dahil alam na naman ng madlang pipol ‘yun.

Ano siya nagpapa-controversial? Hindi rin daw siya buntis at hindi rin magpapakasal gaya ng sinabi ng kanyang manager. Naroon lamang daw siya upang magbakasyon at magpakasaya. Ngayon lamang daw siya gumawa ng desisyon para sa sarili niya kaya wala siyang pinagsisisihan.

Mukha namang masayang-masaya si Mariel at mahal na mahal si Binoe, kaya nga walang kibot at agad lumipad sa India sa kabila ng mga intrigang alam niyang ibabato at makakasira sa kanya. Oh, pag-ibig nga naman!

Hayaan na lamang natin sila dahil kasiyahan na nila ‘yan at anuman ang consequences ng kanilang mga ginagawa ay sila na ang mamomoblema. Lahat naman ng tao nababaliw sa pag-ibig eh, kanya-kanyang oras lang ‘yan.

In the first place lahat naman tayo, may karapatang sumaya. Kung ‘yung ex-jowa nga niya, dedma na lang, dapat tayo rin. Pak!

MAWAWALA NA NGA nang tuluyan sa ere ng Dos itong Simply KC sa August 27, 2010 dahil una pa lamang daw ay isang season lang talaga ang nakaplanong takbo ng morning show, kaya hindi na dapat lagyan ng kung anu-anong isyu ito. Isa pa, masyado raw nakakain ang oras ng host nitong si KC Concepcion.

Ngunit iba naman ang sinasabing dahilan ng nakararami, dahil bagsak daw sa rating itong show ni KC at kahit gaano pa raw kaganda ang production, tila kulang pa rin daw sa appeal sa mga manonood.

Daig ko pa ang manghuhula dahil unang ere pa lang ng programa ay nasabi ko nang hindi magtatagal at kahit ni minsan ay hindi ko natapos ang buong show nila dahil wala talagang appeal.

Masyado pang bata si KC para mag-host ng ganu’ng programa, kaya hindi nakapagtatakang hindi ito magtagal. Sabihin mo mang isang season lang talaga ang morning show na ito, ngunit kung pumapalo sa rating ay ie-extend talaga ito ng management kahit umabot ng ilang seasons pa ‘yan. ‘Di ba?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong male singer na kamakailan lamang ay naispatan sa isang spa sa Makati na may kakaibang dahilan kung bakit naroon?

Akala namin noong una, naroon lamang upang mag-relax dahil nga naman sa stress sa showbiz. Mag-isa siyang dumating doon at nagulat na lang kami ng sabihin ng jowa ng aming parazzi girl na nag-sight-seeing itong si male singer.

Tama!! Pinapanood ang mga ibon na nagliliparan sa sauna area. Taray, ‘noh!

Nakakapag-refresh ka na, nag-e-enjoy ka pa! Winner talaga itong singer na ito! Sino siya? Mapapanood siya tuwing tanghali… Malamang! Ha-ha-ha!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka, kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

21 thoughts on “Mariel Rodriguez, baliw sa pag-ibig?!

  1. pastilan gyud ning mga tao dito oi…hayaan na nga maging masaya si Mariel at Robin…na ingit lang kasi kayo bwahahaha gi atai man mo!

  2. si mariel kawawa naman akala totohanin siya ni robin e parausan lang naman siya mahilig sa mistisang mala dyosa si robin hindi sa tsimay looking na tulad mo mariel. PIA KRISTA TONI MARIEL BAKET MAGKAKAMUKHA KAYO MGA MUKHANG TSIMAY

    • ANG GANDA MO SIGURO KAYA SOBRA KANG MANLAIT. BAKIT DI KA MAGPADALA NG PIX MO SA GMA DAHIL BAKA MERON KANG KAFESMUK, MALAY MO. :-)

  3. paredo sina robin at mariel nga mga uwagan sa ngatanan parehong nagtulo tulo ang uwag mao nagkatagpo silang 2. ayaw mo kaguol inig mahuwasan na na sila sa ilang mga uwag magbuwag ra gihapon sila ug mangita na pod ug lain kapatuluan sa ilang uwag sama sa isa ka iro nga hala tira pataka maski sa kalsada magtoyi, sila sa india lang nagbinanatay ug toyi kay bawal man diri sa atoa.

  4. hay naku masarapan nga sa mga makapangyarihaang mga dila ni robin…………..kakapit ba ang babae kong walang ginawang kasarap sarap ang lalake…..tignan mo nga bunganga ni mariel kahit ilang microphone ipasaok mo lulunukin nyan………landi talaga babaeng nyan………parang ngaypng lang nakakita batuta na gagano kaya kahaba…..basta kamo ayaw na namin ang win na win kasi nandon sina kris landi at mariel landi………………..

  5. Bakit sa India nag-Ramadan si Robin? Maraming Hindu roon pero hindi lugar nang Moslems. Siguro, talagang pinagusapan na nila ni Mariel para makaalis sa PWNW nang walang sabit. Gusto nila, sariling show. Hindi naman sila malakas sa madla. Boy Abunda, ang mga pakulo ni Mariel at Robin na naglalampungan sa show at ang bigla nilang pag alis nang bansa ay hindi uubra sa madla. Nakakairita na. Publicity whores.

    • eh saan mo gusto? Sa Iran? Iraq? Afghanistan? Buti na yung India–nagaaral siyang mag PhD ng 5-6 duon sa University of Curry. Wag na wag kayong umutang kay Robin from now on~ haha

  6. Kakapanood ko lang ng interview ng asb cbn reporter gretchen pulido kay mariel,kakairita, halatang nag tuntingan n yng 2 dun sa india… kla m kgndahn.. nsrpn siguro din yn malnding mariel n yn

  7. Bakit ba ayaw Nila tanggapin Na si kc concepcion ay overrated? Marami atang natatakot sa megastar at masyadong pinapatronize yung Anak Nya. Maniwala kang busy cya masyado at kinakain ang oras Nya sa ibang bagay. Kc’s time is up. Marami mas magaling sa hosting kesa sya. Hindi din naman sya magaling na singer. Siguro dancer na Lang sya. Yung face Nya maganda pero hindi naman outstandng coz hawig Nya din si ciara sotto.

    • Wag ka na lang manood at makibalita sa mga taong ayaw mo. Masama pa yang mamintas ka. Maski naman sino gustong magkaron ng chance mag-trabaho, nagkataong may influence sya, so, bakit hindi gamitin. Kung hindi pumatok, at least nag-try sya. Yun ang mahalaga, kesa naman naduwag sa laban ng buhay at hindi sumugal sa career. Wag kang mainggit sa opportunities ng ibang tao, ganon talaga ang buhay. Bakit si Liezl din naman noon ginawa rin ni Amalia ang kaya nya para tulungan ang career ng anak, ganon din ngayon si Jacklyn Jose at iba pang mga artistang nanay ng nag-a-artistang anak. Nasa pag tanggap ng masa yan, hayaan mo silang sumubok at matuto sa sarili nilang gawain.

  8. TITA SWARDING LABAS NYO ANG PIC NI ANDERSON AT BEA NA NAG-INUMAN SHOT SHOT. KAWAWANG ANDERSON LAOS NA DAHIL PUMATOL KAY BEA NA MUKHANG MATRONA. WAAAAAAAAAAAA ANG MGA BALIW SA KIMERALD C-BOX HOY GISING NA KAYO. YONG MGA SINABI SAAN NYO NAKUHA YAN SA TONDO.

  9. kahit sino naman nagkaroon ng time na nabaliw sa pag-ibig. kaya pabayaan na lang si mariel. kung ikaw ba naman nabigyan ng ganung attention tulad ng ginagawa ni robin di ka rin kaya bibigay? if mariel wants to take the risk in order for her to be happy then be it. it is her final decision anyway. at kung hindi man ito mag work out then let it be an experience that you will have for the rest of your life.

    • Tama, basta ba wala naman silang nasasaktan na ibang tao. Basta lang sana wag pabayaan ni Robin yung mga anak nya, kung wala syang time sa kanila, ibalik muna nya sa nanay nila, kasi kung d nya tututukan yung paglaki ng mga anak nya dahil busy sya sa lovelife nya with Mariel, kawawa naman yung mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.