Mariel Rodriguez at Robin Padilla, huli sa bday ni Queenie!

WALANG KAWALA SA ating kamerang-gala ang ‘sweetness’ nina Robin Padilla at Marielle Rodriguez sa surprise birtday party na ibinigay ni Bino sa anak na si Queenie, last Friday (July 16) sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Ang chikka sa atin, magkasama raw dumating sina Mariel at Robin sa nasabing party, pero nag-stay lang daw sa isang mesa sa second floor ang couple. Hindi nga raw masyadong lumantad sa iba pang mga guest.

“Nag-stay talaga si Mariel hanggang sa matapos ang birthday party,” chikka pa ng ating source. “Umalis pa nga si Robin at naiwan si Mariel. Bumalik lang si Robin para sunduin si Mariel noong patapos na ang party, at sabay na silang umalis.”

Hmmm… wala namang masama, ‘di ba? Parehong single sina Mariel at Robin. At mukha namang happy na si Mariel matapos ang masakit nitong break-up kay Zanjoe Marudo. ‘Di ba, ‘Tol?!

Parazzi Wires Photos

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleComatose na anak ni Malou Barry, pumanaw na
Next articleDingdong Dantes, kandado raw at ‘di singsing ang binili para kay Marian Rivera

No posts to display