Mariel Rodriguez at Pokwang, aalis Pagbalik ni Willie sa Wowowee!

TRUE BA? SA July 31 ang balik ni Willie Revillame sa Wowowee? At totoo rin ba na tototohanin nina Pokwang at Mariel Rodriguez ang kanilang banta na kapag bumalik si Willie ay aalis silang dalawa sa Wowowee?

‘Yung kung totoong babalik si Willie sa Wowowee, that remains to be seen. Pero ‘yung banta nina Mariel at Pokwang na sila ang aalis, ‘yun ang alam naming totoo.

MAY DAYALOG SI Baron Geisler sa Braso episode ng Cinco bago niya ilugso ang puri ng kanyang girlfriend sa morgue. Nagalit kasi ‘yung girl, dahil ayaw pumayag ng girl na du’n gawin.

Kaya nagdayalog si Baron ng, “Ano, sisigaw ka? Idedemanda mo ako ng sexual harrasment? Lumang isyu na ‘yan. Narinig ko na ‘yan!” Ha-ha-ha-ha!

Mas epektib siguro kung si Yasmien Kurdi ang kaeksena ni Baron para true to life.

BLIND ITEM: TOTOO ba ‘to? Na isa sa mga dahilan kumbakit hindi nakatagal ang aktres kaya hiniwalayan ang dyowa niyang sikat na personalidad ay dahil up to now ay nagagawi pa rin sa isang girlie club sa Kyusi ang lalaki para kumangks ng GRO?

Eh, ang style nga ng lalaki, since kilala na ang kanyang sasakyan ay sa backdoor ang daan nito para pagbaba sa likod ay diretso na ito sa VIP room. At ang tsika pa ay mahilig sa bj (buko juice ba ini?) ang naturang lalaki.

Katuwiran daw ng lalaki sa GRO, “’Kaw na lang gumawa, kasi, ayaw ng asawa ko, eh!” Baka kasi ang laki-laki?

SABI NG ISANG radio anchor: “Ang oras sa buong Pilipinas, ganap na pong alas tres nang hapon!”

Ewan kung nagkaroon na ng time na nagkaiba ang oras sa Luzon, Visayas at Mindanao.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Ms. F, Fwend Rommel Lasam Placente at Daddy Eric Borromeo.

‘Yan ay kung type n’yo lang ng kakaibang atake ng pagbabalita sa showbiz, huh?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleJames Yap, walang isang salita!
Next articleSteven at Sheena’s Massage Time sa Maynila!

No posts to display