Mariel at Robin, ‘di ipagdadamot sa publiko ang church wedding sa Disyembre

NAKAUSAP NAMIN NANG personal si Mommy Eva Cariño Padilla at masayang sinabi nito na masaya siya sa naging desisyon ni Robin Padilla na pakasalan si Mariel Rodriguez.

“Kung saan siya masaya, susuportahan namin siya,” pahayag ni Mommy Eva, na nagsabi pa sa amin na nakikita raw niya ngayon kay Binoe ang sobrang kaligayahang nadarama.

Habang magkasama noong gabing iyon sa Manila Hotel sina Mariel, Robin at ang buong angkan ng Padilla, sinabi naman ni Mariel na nagpapasalamat siya, dahil hindi naging mahirap para sa kanya ang mapalapit sa ina at mga kapatid ni Binoe.

“Basta Morly, ang masasabi ko lang, thankful ako sa mga nangyayari sa akin,” sabi naman sa amin ni Robin.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Robin na sa December ang pormal na kasal nila ni Mariel sa ating bansa, kung saan ay hindi raw iyon ipagdaramot sa publiko.

“Bakit ko naman ililihim at ipagdadamot ang okasyon iyon? E, ‘yun ang pinakamaligayang araw na nangyari sa buhay ko.”

Sa kabuuan, sina Mariel, Robin at ang buong angkan ng Padilla ay nagkakaisa sa pagsasabing lahat sila ay masaya…

Si Liezel Sicangco kaya, masaya rin? Humpt!!!

SA BIRTHDAY PARTY ni Senator Bong Revilla sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, masayang nakausap namin ang actor- politician habang katabi ang asawang si Congresswoman Lani Mercado. “Actually, itong party na ito, surprise sa akin ito ng mga taong nagmamahal sa akin, kaya nagpapasalamat ako sa kanila.”

Sinabi ni Senator na ngayong politician na rin si Lani, mas naging madali ang communication nila sa isa’t isa.

“Kasi dati, parang kulang para maintindihan ni Lani ang situwasyon ko. Pero ngayong public servant na siya, mas maganda na. Ang totoo nga niyan kung minsan sa bahay tulog na ako, pero si Congresswoman na Lani, nagbabasa pa ng libro. Gusto talaga niyang matutunan kung anuman ‘yung ipinangako niyang gawin sa bayan,” sunud-sunod pang sabi ni Senator Bong.

Sa kabilang banda, kahit abala raw si Lani sa Kongreso, may panahon pa rin ito sa kanilang pamilya dahil nagagawa pa rin nito ang maging tunay na ina ng kanilangt tahanan.

“Kung anuman ‘yung nakagawian kong gawin sa bahay, like ‘yung pagluluto at personal na pag-aalaga sa mga bata, ginagawa ko pa rin iyon at never ko iyong kalilimutan kahit gaano ako ka-busy,” pahayag ni Lani na nagsabi pang imposibleng pagselosan siya ni Senator ngayong lagi siyang nasa Kongreso.

“Isa lang si Senator Bong sa puso ko, at never ko siyang ipagpapalit at never akong magpapaligaw dahil masaya kami, ‘no!” Tumatawang sundot pa ng aming kausap kaugnay sa intrigang baka maligawan siya sa Kongreso dahil maraming congressman ang guwapo.

AYOS AT PLANTSADO na ang programa ni Willie Revillame na mapapanood sa Kapatid Station. Hindi mawawala ang mga segment na unang napanood sa Wowowee, pero mas pinaganda iyon kumpara sa una bukod pa sa milyon talaga ang mga papremyong ipamimigay ng nasabing show na may titulong Wiling Willie Kami.

Bilang paghahanda, ang tatlong studio ng Channel 5 ay pinag-isa na lang, kung kaya’t sobrang laki ng magiging studio ng Wiling Willie Kami, at maraming studio audience ang mabibigayan ng chance na makapanood nang live.

Base sa impormante na aming nakausap, gulat na gulat daw si Willie sa bago niyang tahanan dahil damang-dama nito ang respeto at pagmamahal.

“Hanggang ngayon, malakas pa rin si Willie sa mga tao, dahil hindi pa nga nagsisimula ang show niya, ang dami dami nang nagpapa-sked na gustong maging audience,” sabi ng aming kausap.

At dahil magsisimula na ang bagong show ni Willie, nabigyan naman ng sakit ng ulo ang Dos dahil bukod sa katapat ng Pilipinas Win na Win ang bagong show ni Willie, nagsipag-resign ang maraming empleyado ng Dos at sumama kay Willie sa Singko. 95 % ng staff ng Pilipinas Win na Win ay nasa Channel 5 na ngayon.

“Mahal na mahal namin si Willie, kaya kahit matagal na kami sa ABS, umalis kami dahil mabuting tao si Willie.” Sabi ng aming kausap na isang wardrobe assistant na 14 years nang employee ng Channel 2, at kamakailan ay isa sa maraming nag-resign sa Dos para lang sumama kay Willie.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

16 thoughts on “Mariel at Robin, ‘di ipagdadamot sa publiko ang church wedding sa Disyembre

  1. grabe talaga ang tindi ng agimat or gayuma ni robin kahit sino hindi maka say Nay sa kanya. ung sinabi ni mariel na..u cannot not fall for robin padilla is not just mere babbling…hayy kaya kahit sinong type ni binoe nakukuha. admit it he aint that goodlooking. i mean he’s cool but come on…. lahat na lang talaga walang nag NO kahit isa…ano un

    anyways i feel bad for mariel. kasalanan mo to willie! nag guest host tuloy si robin lol..kidding aside. kawawa si mariel. ang ganda na sana ng career nya…

  2. weh sa december kasal ni robin at mariel eh wala na aabangan sa kanila eh d kagaya ng ibang ikakasal ka sabik sabik eh sa kanilang dalawa wala na ata kasasabikan kasi naka sisinungaling naman kasi.
    mga pa deny deny pa totoo nman lahat naku robin initerview ka may pa deny deny kapa ta s sa huli aamin ka din pala.. ikaw naman mariel napaka feeling mo kaloka ka muka na nga lang puhunan mo sinira mopa kasi kung ako sayo yang muka kong yan hindi ko na maihaharap napaka sinungaling nyo kasi para kaung mga teen ager na pinagbabawalan ng magulang at kelangan pa mag deny hayzzz

  3. alam nyo sa totoo lang pare pareho yung mga pangalan ng nag cocomments dito , wala na ba kayong ginawa sa buhay nyo kundi hagilapin ang lahat ng may issue tungkol kay mariel at mag comments , yan ba ang ginagawa nyo sa araw araw …mag trabaho naman kayo hahahha!!!!

    • For your info goes by “mga tsismoso” alias,I goes by my real name unlike you. So please,knock it off !!,whatever I commented are my own opinion not anyone & certainly not yours. You have the nerve to tell me…..duh!!!!! I like Mariel & Robin,so what’s your problem? I have the same right as anyone else, to like & dislike as I pleases. No one not you..not anyone can tell me otherwise….got it !!!!!!!!

  4. Pumunta kayo sa blog site ni Jojo Gabinete “Cabinet Files”, i google search lang ninyo and you will read that Mariel and Robin’s marriage in India did not exist, sabi ni Jojo sa kanyang blog, tinawagan daw nila ang Indian Embassy to confirm if there was ever a record of the marriage and the embassy daw nagsabi na hinki daw allowed magpakasal sa Taj Mahal, iwan ko kong tutoo itong news but go and read for yourself in that blog site. I had to look for it and click many links before i could get into the Cabinet files.

  5. ISA PA, SI MARIEL, KA-LEVEL NA NI KEANNA REAVES. KADIRI NA. GALING NI BOY ABUNDANG’ MAG MANAGE.

  6. Pakiusap kay Robin at Mariel- IPAGDAMOT SANA NILA . . .PLEASE. . . HUWAG NILANG SAYANGIN ANG AIRTIME . . NAKAKAUMAY NA. . . .

  7. Parang kumuha ng bato si Mariel at pinukpok nya sa ulo nya. Gud luck nalang kay Mariel. Sana tama ang naging decision nya. Hope for the best.

    • Parang kumuha ng bato si Mariel at pinukpok nya sa ulo nya. Gud luck na lang kay Mariel sana naging tama ang desisyon mo. Talagang na head over heels ka kay Robin feeling mo naka jackpot ka. Haaay! Pray hard and hope for the best.

      • parang ganuun na nga! Na bad publicity tuloy, tsaka yong mga tao na nega tuloy ang tingin nila kay Mariel, kasi di ba sa Filipino culture, supposed to be parang a little hard to get naman sana and siya pa yong sumunod kay Robin sa India, di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.