MARIE DIGBY, ITATAMBAL KAY SAM MILBY?

MAHIGIT ISANG TAON na rin ang usap-usapan na ang international acoustic singing sensation na si Marie Digby raw ang real-life girlfriend ni Sam Milby. Nag-umpisa sa Twitter ang communication ng dalawa hanggang sa mag-date sila sa Boracay at Japan. Nagsama pa nga sila sa isang show na talagang kinakiligan ng mga fans.

May balitang mamamalagi raw muna sa Pilipinas si Marie Digby at gagawa ng proyekto sa Kapamilya Network. Sasabak na raw sa aktingan ang YouTube superstar at si Sam Milby nga ang kanyang makakatambal. Sure na kakikiligan ito ng loyal fans ng dalawa. Sa katunayan nga, puwede pa silang gumawa ng duets album!

Ano kayang masasabi ni Toni Gonzaga rito?

BELA PADILLA, PINAGSESELOSAN ANG ANAK NI BINOE?

Kalat na kalat ngayon sa showbizlandia ang umano’y pagmamabutihan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ilang beses nang naispatan ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang pagkakataon. May mga nagsasabi pa nga na real-life sweethearts na ang dalawa.

How true naman kaya na nagseselos ang leading lady ni Aljur sa Machete na si Bela Padilla? May ‘hidden desire’ daw ang dalaga sa Kapuso actor at hoping ito na magiging sila din in the future.

Naku, ang lakas talaga ng sex appeal ni Machete kung totoo nga na pinag-aagawan siya ng dalawang bebot na ito. Magpinsan ba naman ang magkandarapa sa ‘yo, ‘di ba?!

PRINCESS VELASCO,  NAKA-TATLONG ALBUM NA!

Parang kailan lang nang lumabas ang pa-ngalan ni Princess Velasco sa mga pahayagan dahil sa pagkakadawit nito sa Hayden Kho scandal dalawang taon na ang nakararaan. Ngayon ay bumobongga ang kanyang singing career bilang isang Acoustic Princess.

Ito rin ang title ng kanyang bagong album sa ilalim ng Ivory Records. Sa ngayon ay hindi na nababanggit ang pangalan ng singer kapag pinag-uusapan si Hayden dahil madali nitong nalihis ang kanyang pa-ngalan sa naturang iskandalo. Katulad ng inaasahan, sandamakmak na revival songs ang ginawa ni Princess sa album na ito.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “MARIE DIGBY, ITATAMBAL KAY SAM MILBY?

  1. Sino ang bumibili ng album ni Prncess? Si Hayden Kho? Wala akong nababalitaas na meron siyang album…meron pala. sino producer? Si Vicky Belo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.