Maricel Soriano,’di pa tanggap ang pagkawala ng ina – Cristy Fermin

SUMAKABILANG-BUHAY SI Mommy Linda Martinez nu’ng nakaraang Hulyo, ilang linggo bago namayapa si dating Pangulong Cory Aquino. Mula noon, literal na araw-araw na nagpupunta sa Heritage Park Columbarium ang magkakapatid.

Pagkatapos nilang magsimba, nasa pinaglagakan na ng mga abo ni Mommy Linda ang magkakapatid na Beck-Beck, Maricel, Mike, Mel at ilan nilang malalapit na kaibigan, sinasamahan si Mommy Linda hanggang hatinggabi.

“Napakaganda ng place, parang garden siya, meron pang lagoon. Araw-araw kaming dumadalaw sa kanya, as in, everyday talaga,” kuwento ni Mel na bunso sa magkakapatid.

Sa huli naming pagkikita ng mga anak ni Mommy Linda, halatang hindi pa rin sila nakababawi sa matinding lungkot, nagpapakiramdaman lang silang magkakapatid. Pero ang totoo , puro pretensiyon ang nangyayari kapag magkakaharap na sila.

Kunwari’y matatapang sila, ayaw nilang magpakita sa isa’t isa na umiiyak. Pero sa kanilang pag-iisa, hindi lang iyak kundi hagulgol pa nga ang nagaganap.

Naaalala nila ang pagiging masayahin ni Mommy Linda, ang pagiging baklang-bakla kapag nagkakausap sila. Pati ang malutong na pagmumura bilang lambing ng kanilang ina, umaalingawngaw pa rin sa magkabilang tenga nila hanggang ngayon.

“Napakahirap mag-move on, bawat galaw mo, siya ang maaalala mo. Kapag nagkakausap kaming magkakapatid, may mga times na napapahinto kami sa pagsasalita, alam naming pare-pareho na si Mommy ang reason nu’n.

“Everyday, nandu’n kami sa Heritage, nagsisimba muna kami, pagkatapos, pumupunta na kami kay Mommy. Du’n na kami nagpapalipas ng gabi, merong coffee shop du’n, walang palya ang pagdalaw namin kay Mommy.

“Si Marya, nakakasama namin kapag Sunday o kapag wala siyang masyadong trabaho. Pare-pareho pa kaming hirap ngayon, napakahirap,” kuwento ng panganay na si Beck-Beck.

Dumating sa lamay si Willie Revillame, hindi maaaring tablahin ng TV host ang kaisa-isang babaeng nakamura sa kanya mula ulo hanggang paa, anak nina Willie at Beck-Beck si Meryll Soriano.

NU’NG KUMUSTAHIN NAMIN si Maricel Soriano, isang malalim na buntong-hininga lang ang kanyang isinagot sabay-iling. Napakahirap, sabi ni Maricel, dahil kahit ano ang gawin niya ngayon, naaalala niya si Mommy Linda.

Walang bumabagabag sa kanyang isip dahil alam ni Marya sa kanyang sarili na naibigay niya ang lahat-lahat kay Mommy Linda. Mula sa kanyang pagkabata ay nag-artista na siya, hindi sinarili lang ni Maricel ang mga biyaya dahil palagi niyang kasama sa kanyang plano ang pamilya nila.

Nakatatuwa nga ang magkakapatid na ito, sila-sila lang ang magkakabarkada. Kung saan nandu’n ang isa, para silang kuyog na magkakasama. Si Beck-Beck ang tumatayong sekretarya ni Marya, si Mike naman ang namamahala sa kanyang mga personal na kagamitan. Palagi rin nilang kasama si Mel na inaalalayan ng magkakapatid dahil hindi pa nagbubulalas ng pagluluksa ang bunso nilang kapatid hanggang ngayon.

“Wala pa ‘yung iyak talaga, lumuluha lang siya, kaya ‘yun ang inaalala namin kay Mel. Nasa tabi siya ni Mommy nu’ng mamatay, tinawag siya ni mommy, paglapit niya, ‘yun na ang paghugot niya ng last breath.

“Gusto namin siyang makitang umiiyak talaga para mailabas niya ang emotion niya. Bunso pa naman si Mel, laking-mommy talaga,” pag-aalala naman ni Mike.

Bago kami naghiwa-hiwalay ay sinabi sa amin ni Maricel, “Napakabigat sa dibdib. Hanggang ngayon, napakasakit pa rin. Wala akong pakialam sa ibang bagay, ang mommy ko lang ang laman ng puso ko ngayon.”

Kitang-kita namin ang gusto niyang tumbukin, hanggang ngayo’y wala pa ring ningning ang kanyang mga mata, nangangapa pa rin ang magaling na aktres sa buhay na kailangan niyang harapin at tanggapin ngayong wala na ang kanyang mahal na ina.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

2 thoughts on “Maricel Soriano,’di pa tanggap ang pagkawala ng ina – Cristy Fermin

  1. ITO PA ANG isa sa nakakaloka dahil confirmed ito. Kung nu’ng ilang mga araw na nagpupunta ako sa ABS-CBN at dumadaan pa ako roon, wala akong nakitang nagra-rally. Ngayon chika ng isa kong matalik na kaibigang nagtatrabaho sa loob ng istasyon na kailan lang ay may nag-rally sa ABS-CBN. Ngunit ang nakakaloka ay ito. Ang mga tao pala na nagra-rally sa labas ng istasyon upang maipabalik ang kuning-kuning na TV host na si Willie Revillame sa kanyang programang Wowowee ay lahat puro bayad. Yes, true nga raw ito mga kafatid! Bayad lahat ang mga mga tao na nag-rally sa labas ng Wowowee. At ang nakakaloka ay ito: libre ang tanghalian nang bongang-bonga at hindi lang ‘yan, pati ang meryenda ay libre. Hmm…. Ito pa ang isa sa nakakaloka, sa halagang P200 ay ayun, nag-rally na ang mga tao. Hmm…. Sabagay, lahat ngayon ay wala nang libre, lahat ay bayad. Mag-isip ka nga kung may magra-rally na walang bayad. Magpapagod ka ba, magsisigaw at magdadala ka ng placard kung walang ibibigay na datung at walang mapapala? Hindi ba nakakaloka? Ang maganda lang sa rally na ‘yan, libre ang tsibugan. Ha! Ha! Ha! Kaya, siyempre, sa hirap ng buhay lalo na ‘yung iba na walang-wala talaga, kakapit na nga at tatangapin ang mga ganyang offer lalo na ‘pag libreng tsibog. Ha! Ha! Ha! Pati nga mga politiko, nagbabayad, ‘yan pa kaya? Sigaw ng maraming tao, ‘wag nang ibalik ang kuning-kuning na host na si Willie. Tsk! Tsk. Tsk. Kalerke nga naman. ‘Yun na!

  2. hay.. parang matagal ng namatay yung ina nila di ba?????bkit ngayun lang yata nya naalala.. hehehheheeh.. nawiwindang sa masasamang comment tungkol kay papi kaya nag iba.. kaya lang yung issue medyo matagal na yata……

Leave a Reply

Your email address will not be published.