Maricel Soriano, sinisiraan dahil sa paglipat ng istasyon?!

OLA CHIKKA! NAWINDANG na naman ang beauty ko nang mabasa ko ang chismis dito sa isang beteranang aktes na talaga namang napakahusay. Sino pa? Eh, ‘di itong Diamond Star na si Maricel Soriano! Bhuket?

Ang chikka kasi, nahihirapan daw makakuha ng guest ang mga staff ng kanyang show dahil sa masamang ugali ng aktres. Kung dati, sobrang professional daw. Ngayon ay laging late at wala na sa lugar ang kanyang pagtataray. Ganu’n?! Eh, primadonna naman pala siya.

Pero teka, huh! Matagal-tagal ko ring kakilala itong si Maricel, at masasabi kong malayo ang mga paratang na iyon sa kanya. Mataray kung mataray dahil sa mga pelikulang ginawa niya ay wala ka talagang masasabi sa pagtataray niya, na bonggacious namang talaga! Baka maihi ka pa sa shorts mo sa takot, ha-ha! Exagerrated ba?!

Sa totoong-totoo lang, huh, tuwing umaga ay nagpapadala pa siya ng text messages like bible verses sa kanyang mga kaibigan. Bakit siya mag-aaksaya ng panahon para sa mga ganu’n kung puro kalokohan lang din naman ang gagawin niya?!

At sa pagiging unprofessional niya? Baka nalilimutan ng sambayanang Pilipino na bata pa lang ay magaling na talaga siyang umarte. Ibig sabihin, sa tagal niya sa showbiz, tiyak na alam na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito.

Hindi kaya may kinalaman ang paglipat niya ng istasyon kaya naglalabasan ang mga negative chismis sa kanya? Naku, huh!
Bonggacious pala itong Diamond Star natin, bigatin talaga!

AT DAHIL USAPANG bongga na,  talagang bonggacious itong maybahay ni Mike Defensor na si Madam Julie Tactacan-Defensor! Bhuket?!

Dahil bukod sa kagandahan niya at napakatalino rin niya… at hindi lang iyan, huh, best supporting wife pa ang drama niya dahil kahit saan magpunta itong si Mike Defensor,  go rin siya as in hard support talaga! O, ano’ng say n’yo?!

Say ko? Walang dudang may K siyang maging first lady ng Quezon City. Hindi tulad ng iba na tinatago ang asawa nila, talagang dinamdam ang salitang “Maybahay”. Itago ba sa bahay ang drama o baka dahil naman chaka kaya minabuti na lang na wala sa eksena.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong pagkaganda-gandang aktres na mukhang unti-unti nang naliligaw ng landas? Bhuket?

Kung noon ay napakabuti ng kanyang imahe, ngayon ay nakikiuso na sa mga miyembro ng lasenggera club ng mga artista. Madalas raw itong naiispatan sa mga bar kasama raw ang manliligaw niya… teka lang!

Eh, ayon sa aking parazzi girl na kapit-bahay ng manliligaw niya, hindi lang daw alak ang kinaadikan nito kung hindi nakarating daw sa kanya umano na pati drugs, trip din nito. Kaya, naku! Mukhang kailangan mag-ingat nitong aktres na ito dahil baka sa mga susunod na araw ay hindi lang lasengga ang tawag sa kanya. Baka pati adik sa droga ay maibansag na. Tsk, tsk, tsk…

Gusto n’yo ng clue? Mukhang hindi n’yo na kailangan dahil alam na alam na ‘yan ng sambayanang Pilipino! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Maricel Soriano, sinisiraan dahil sa paglipat ng istasyon?!

  1. swarding ang pangit mo, ang pangit pa ng tabas ng kamay mo… sana lang next time mag bika eh ung totoo… sa totoo lang, yung mga article mo lang binabasa ko kasi naaliw ako sa style ng pagsulat mo..kaso sa bi mo na ito, super dis appointed ako dahil walang basis na matino. Ang pangit mo na nga, pangit pa ugali mo..

  2. npakahaup moh nman swarding … anoh vang utak meron ka ….never been drunk nga si angel tpos drugs nman ngaun .. ma3xtay kading haup ka !!! ksama tlaga ng ugali moh in and out..sarap mong huntingin .

  3. Gusto na sana kita lately Swarding kasi totoo na ang sinasabi mo. Ngayon swangit ka na uli. Sana get your facts right kahit mag BI ka pa. Panay kang nabobola ng lasenga at addict mong source. FYI, nasa bar si Angel lately bcoz of her movie with AGA na japayuki ang role nya. of course, sabi ni Angel hindi pa nya nagagawa ito at malayo sa talagang sya…so kelangan nyang mag-observe para sa role nya. excuse me!!!sa tinagal tagal ni Angel sa showbiz ngayon lang meron ganitong news noh?

  4. ano naman katakataka kung si angle locsin nga yun? ano ba tingin nyo kay angel? SANTA? haller! masama bang umino at mglaseng? karapatan ni angel un, lalot di naman sya busy ngayon noh…hayaan nyo sya! at di ako mgtataka kung totoo un dahil ang tropa ni angel ngyn e si anne curtis na laman ng mga bar sa pinas!!!!!!

  5. swarding, eto ka na naman sa blind item mo.
    di ba sinabi ng huwag mag-bi kung wala ka rin
    lang na maayos na “source”.
    ang hirap sau eh baka 3rd hand info na nakuha mo at
    gayong wala ka ng maisulat, pati eto eh ginawan mo
    pa ng bi.
    ilang araw ka ng maayos magsulat pero sa ginawa mo eto, eto ang sau – tang na mong bakla ka, tumigil ka na ng
    kaba-blind item na wala ka namang mapagkakatiwalaang source!

  6. funny ka swangit anu sabi mo nawindang ang “beauty mo” hahahahahaahahahha baka beast.

    kalungkot naman pangit kana nga masama pa takbo ng utak mo kaya mas lalong mabaho ang hininga mo, anu kaya misyon mo sa mundo?

  7. hayy wala ka talagang kwentang baklang mukhang bangkay ka… tinitira mo na naman si angel. Hindi totoo yan luma na yang balita mo dinagdagan mo pa kung anu anong kasinungalingan… panget

  8. Swarding wala n nman sa ayos blind item mo imbento!! Di mkatotohanan! Kaw kaya ngdrugs jan mukha kang adik na halimaw!!!

  9. Ang parazzi girl mo, inonse ka na naman. Pareho kayong tanga. Maliban sa huli ka na sa balita , mali mali pa ang dating nang balita sa iyo. Inutil ka na nga, wa utak ka pa.

    • swarding, mas ,mukha ka pa nga drug addict kesa b.i. mo eh. Tingnan mo muna yang mukha mo, kulang na lang ay whiskers at pusa ka na, bwahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.