Maricel Soriano, not threatened by the complaints of two househelps?

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday! Dahil hanggang ngayon, hindi pa matapus-tapos ang isyu kay Maricel Soriano na talaga namang ayaw tigilan ng mga kaparazzi natin.

Pa’no ba naman titigilan, eh ayaw ring tapusin ni Maricel. Hindi nga kasi siya sumipot sa hearing sa barangay, at iniismol lang niya ang mga katulong, at ina-underestimate na kaya hindi niya sinisipot ay wala naman daw pera ang dalawang ‘yun at walang pang-sampa sa korte.

Kaya kahit ‘yung dalawang katulong ay kung kani-kanino nagpapa-interbyu, hindi pa rin pinapansin ni Maricel. Pero bakit naman ang mga ahensiya ng gobyerno natin, tulad ng Commission on Human Rights at DSWD, maging ang Gabriela, ay dinededma lang din ang pang-aabusong ginawa umano ni Maricel?

Dapat isa ‘yan sa tutukan ng pansin, dahil buong mundo ay nakatutok sa atin. Hindi ‘yung kung anu-ano ang pumapasok sa utak n’yo, at kung anu-ano ang pinapansin n’yo. Kaya tuloy dinededma lang ng aktres ang dalawa, dahil kahit mismo ang gobyerno natin ay walang ginagawang aksiyon!

 

AT HETO PA ang pasabog na chikka na ikasisira ng araw n’yo. Hahaha! Dahil talaga namang tuluy na tuloy na ang kasal ni Dra. Vicki Belo at ng kanyang dyowa na si Hayden Kho. Talaga naman daw na tinututulan ito ng anak ni Dra. Belo na si Direk Quark Henares.

Kasi nga raw, dinedma lang ng kanyang madir ang sex video ni Hayden kay Katrina Halili, at mukhang hindi naman daw seseryosohin ni Hayden si Vicki.

‘Di ba, nakakaloka?! Kaya siguro, it’s time na kailangang mamili ni Vicki, ang kanyang love affair o ang kanyang anak na talagang kapuso niya? Pak! Napakahirap na sitwasyon ‘yan, ‘te… pag-isipan mong mabuti.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong aktres na ito na talaga namang niloloko lang ang kanyang asawa noon, at napabalitang kung kani-kanino nakikipag-date?

Ayan at mukhang hindi yata nakayanan ng kanyang asawa kaya nakipaghiwalay na ito. Pak! Sino kaya ang mag-asawang klarong-klarong hiwalay na? Nakakaloka, ‘di ba?!

Talaga namang ang Lunes n’yo ay mawiwindang kapag nahulaan n’yo ito. Another pak! na naman ‘yan!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Maricel Soriano, not threatened by the complaints of two househelps?

  1. Malalampasan ni Maricel Soriano yan. Being quiet for the time being is a wise move. Kahit kelan di naman siya pumapatol sa mga reporters, lalo na yung mga mukhang bayaran.

  2. @eye of the tiger kung may evidence ang maids ng pananakit, hinde na nila kailangan ng media or ni Mon Tulfo. Dapat dumiretso na sila sa POLICE. kahit sa police lang to ginawa ay mapapansin kaagad for the simple reason that Maricel Soriano is a well-knowned Filipino movie star. Pero ang impression ko sa mga maids based don sa mga accusations nila against maricel ay puro lang “hearsay”. Tsismis lang. In two weeks time ang dami nilang accusations agad. How come? Contradicting ito sa statements nung isang katulong sa sinabi niang “Naospltal recently si Maricel pero hinde nila alam kung anong dahilan”. So, paano nila nalamang drug user si Maricel kung sa situation na naospital ito ay hinde nila alam kung anong naging dahilan? Wala silang access kumbaga.

  3. BAKIT SI PRINCESS REVILLA NA HALOS PINATAY NA YUNG KATULONG HINDI NAMAN NAPARUSAHAN.QUIET LANG SILANG LAHAT TAKOT KASI KAY BONG REVILLA.BIGYAN NINYO NG CHANCE MAGSALITA SI MARIA.NGAYON LANG NAMAN NAGKAROON NG ISSUE SA KANYA NG PANANAKIT.KUNG MALUPIT TALAGA IYAN DAPAT NOON PA MAY NAGANAP KAGAYA NI PRINCESS ILANG BESES NANGYARI.

  4. Me ebidensya ang dalawang katulong sa pananakit sa kanila ni Maricel at yung pangyayaring sa araw na nakatakas sila sa condo ni Maricel at mismong si TIEN pa mismo ang nagpa cleared sa kanila sa security. Kung ang amo ay walang tumatagal na mga Kasambahay ibig sabihin malupit ang amo, meron kami 2 na kasambahay galing sa Bicol at 9 years na sila sa amin. Hindi lang iyan ang reklamo ke Maricel dahil meron siya katulong dati na nagreklamo rin sa kanya.

  5. Swarding have a life look @ Shalala he is always happy thats why he is receiving lots of graces from God.It’s Maricel choice if she dont want to speak up or if she didnt show up ,it’s her decision not ours

  6. ganyan naman ang natural na ugali ng pinoy – akusasyon pa lang, totoo na para sa kanila. mga mapanghusga at dalahira to the max. palibhasa karamihan walang makain kaya nakulta na ang mga utak.

  7. Regarding maricel soriano’s case. I don’t think ‘deadma’ is the right word sa hinde niya pagsipot sa Barangay. LEGAL MOVE ang tawag doon. Meron siyang lawyer for sure na nagsasabi kung ano ang tama at nararapat niyang gawin. Maricel is misjudged already kahit hinde pa naririnig ang story nia. At yung accusations ng katulong sa kanya, matinde iyon esp. yung user siya ng drugs. Dapat iyong patunayan ng mga maids at hinde puro daw lang ang alam nilang sabihin. Eh ni wala nga silang maipakitang medico legal na magpapatunay na BINUGBOG sila ni Maricel. You have to remember na nung una silang magpakita, they keep on saying na BINUGBOG sila kaya nagpunta sila kay Tulfo. Tatapusin yan ni Maricel in due time but in the RIGHT PLACE and at the RIGHT TIME.

Leave a Reply

Your email address will not be published.