MARICEL SORIANO, NASA BASEMENT NG ISANG OSPITAL?!

OLACHIKKA! NOW NA! Nakakaloka! Katapusan na naman ng buwan and don’t make your Monday a manic Monday!

Heto na ang mga nakakalokang chikka na nagsimula lang sa aking pitik-bulag na tungkol sa beteranong aktor na nababalitang wala na talaga sa sarili. ‘Eto na, pangalanan ko na, si Julio Diaz!

Wala na raw sa sarili at lagi na raw natutulala ang actor. Kawawa naman, ‘di ba? Bakit naman kasi nagkakaganito na siya at namumulot na nga lang daw ito ng mga bato at bigla na lang kakainin?!

Ano kayang dahilan? Ano kaya ang masasabi mo sa isyu na ito? Ito talaga ang dapat na pinagtutuunan ng pansin.

SUMUNOD NAMAN ITONG aktres na talaga naman daw na hinahanap-hanap na ng kanyang fans. Nasaan na raw si Maricel Soriano?

May mga balitang nasa basement daw siya ng isang hospital at naka-confine doon. Nakakaloka naman talaga! Ano naman kaya ang masasabi mo rito, kaparazzi?

SINO NAMAN KAYA itong young actress na pumupunta sa Hong Kong para doon magkalat ng lagim? Ay, hindi na pala blind item ito. Dahil sadyang wildest ever lang itong si Lovi Poe!

Talagang pumupunta pa siya sa Hong Kong para sa hearing ng kanyang dyowang si Ronald Singson. Super PDA daw ang dalawa kapag nagkikita? Sabi nga ng dyowa ni Lovi, ito raw ang nagpapalakas ng kanyang loob.

Naku, kung nabubuhay lang siguro ang tatay nitong si Lovi na si Fernando Poe Jr., hindi niya kukunsintihin ang kalokohan ng anak niya! Nakakasira kasi ng image niya, ‘no!

PARA NAMAN SA IBA pa na-ting pitik-bulag, makinig na lang kayo sa walang kinaka-takutan kong programa sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali kasama ang aking anak na si Lady Camille. Subaybayan din ninyo ako tuwing linggo sa DZRH 666khz, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “MARICEL SORIANO, NASA BASEMENT NG ISANG OSPITAL?!

  1. Nagbigay na ng statement si Malou Choa-Fagar last week pa. It is not true. She just had a meeting with Maricel at Manila Pen last Feb 12 at nakita pa ito nila Annabelle Rama and Eddie Gutierrez. She also was seen at Roxanne Guinoo's wedding last Jan 23. She also just celebrated her birthday and according to a family friend they had a simple birthday dinner with her.

  2. …tit swarding umiwas ka at baka batuhin ka .
    …ang pagkakasabi ni jobert s.e nasa bahay lang daw si maricel at namamahinga.may problema ba sa health nya??
    …lovi,full support parin….anu ba?gumising ka nga?naiimbyerna nako sa taong ito e,o baka naman join ka rin sa kanya dati, kaya di mo sya maiwan…..hmmm kaloka ka…lavo mo….

Leave a Reply

Your email address will not be published.