Maricel Soriano, nakipagkasundo na sa 2 kasambahay na nagdemanda!

NAGPADALA PALA sa Startalk ng press statement ang tanggapan ni Boss Vic del Rosario at Shirley Kuan, kung saan nagkaayos na raw sina Maricel Soriano at ang dalawang kasambahay nitong nagdemanda sa kanya.

Bahagi ng statement na ‘yun: “Sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina ng ALE Partylist, ang mga partido ay nabigyan ang bawa’t isa ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang mga saloobin sa pangyayari sa isa’t isa.

“Dito natanto ng lahat na ang naganap na insidente ay isa lamang hindi pagkakaintindihan ng mga partido dahil sa bugso ng kani-kanilang damdamin.

“Matapos ang mapayapa at maayos na pag-uusap ng mga partido, minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila. Pinili ng mga partido na makipagkasundo sa isa’t isa at kalimutan na lamang ang kung anumang nangyari at bigyan halaga ang matiwasay na muling pagkakasundo nila.

“Nagpapasalamat sina Gng. Soriano, Bb. Acojedo at Bb. Cachuela sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina sa pagkakataong ibinigay sa kanila para matapos na ang kanilang hidwaan at magkabati na muli.”

Hanggang du’n na lang ‘yun at hindi na magsasalita si Maricel tungkol sa isyung ito.

Sa totoo lang, hindi naman talaga nagsalita si Maricel tungkol dito at talagang iniiwas-iwasan niyang pag-usapan ito sa press.

Siguro naisip ng dalawang dating kasambahay nito na mukhang matatagalan lang ito at sila lang ang mahirapan, kaya nakipag-ayos na lang sila kay Maricel.

Wala kayang datung na involved diyan? Sasabihin ba nila ‘yun? Siyempre hindi, ‘di ba?

Pero mabuti na rin ‘yan dahil naayos na kaya sana tapos na nga.

 

NAPANOOD N’YO ba ang Startalk namin nu’ng nakaraang Sabado?

Lumabas nga du’n ang interview namin kina Iwa Moto at ng dating boyfriend nitong si Mickey Ablan.

Kasama pa ni Mickey roon ang girlfriend niyang si Janna Dominguez na malaki na ang tiyan dahil sa susunod na buwan na ito naka-takdang manganak. Hindi na nila ito ngayon itinatago dahil mahirap na nga namang itago.

Sabi ni Mickey, kaya ayaw lang daw nilang magsalita noon dahil iniiwasan nilang ma-stress pa si Janna dahil mga unang buwan pa lamang ito ng pagbubuntis niya.

Gusto ni Mickey kalmado lang si Janna, para walang stress daw sa panganganak nito.

Mabuti at nagkaayos na rin sila nina Iwa, at iniimbitahan na nga raw sila ni Iwa na lumabas sila at magkausap.

Ayaw raw niya kasing magkasalubong sila at hindi pa nila alam kung ano ang iri-react.

Sobrang nakapag-move na raw sila sa mga isyu nila noon kaya mabuting magkaibigan na raw sila.

Okay rin naman daw sina Mickey at Janna, kaya lang hindi pa raw sila nagkakatugma sa schedule. Pero magkakaroon din daw sila ng oras na magkita-kita sila at seryosong magkausap.

Meron pa nga raw silang dapat ayusin, na tingin ko tungkol ‘yan sa annulment nina Iwa at Mickey.

Hindi pa rin naman nila inaaming matagal na silang kasal, pero kailangan na nilang magkausap para maayos nila ito.

Ang dinig ko kasi, si Mickey na raw ang nag-aayos ng mga papeles para pareho na silang malaya. Kapag tinatanong ito ng mga reporters, sinasabi nitong tungkol lang daw sa citizenship ni Iwa.

Ayaw na lang magsalita ni Iwa, dahil mabuting sa kanila na lang daw muna ito at hindi na kailangan ilabas pa sa publiko.

Tingin ko riyan, maaayos nila ito hanggang sa hindi na mapapag-usapan ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Maricel Soriano, nakipagkasundo na sa 2 kasambahay na nagdemanda!

  1. LAOS na ang Soriano na yan.kahit ano pang gawing pag retoke sa mukha nya at pagbayad sa katulong lugmok na yan. wala na yang pag asang makabalik sa pag-aartista.Magtinda na lang sya ng shabu.

  2. nabayaran lang kaya nagkasundo, pero kudos sa kasambahay nila nabayaran sila para manahimik nalang atleast may nakuha silang pera.

  3. pera lang nagpapaikot sa buhay ng tao importanti pa ito kahit kay fucking godd dahil nagsasalsal sya sa heaven

  4. nagkabayan yan kaya biglang nabusalan ang mga bibig ng mga tsimay, dahil kailangang pabanguhin ni maria ang kanyang imahe sa gagawing pagmake-over sa kanyang career sa tv5

  5. walang perang involved? sobra naman itong si Lolit Solis at pinalalabas pang si maricel ay nagbayad sa 2 katulong when in fact ang grupo ni maricel ang nagsalita noon na hinde siya mapeperahan. wala silang maikakaso kay maricel at si maricel pa ang puedeng manalo sa korte kung itutuloy ang case na yan. bakit hinde kaya tanungin ni Lolit Solis ang alaga niyang si Bong Revilla kung magkano ang binayad ng pamilya nito sa bugbog saradong katulong ni Princess Revilla.

  6. nakipagsundo sya dahil nabayaran nya ung dalawang chimayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy  pera pera lang yang lolita kagaya ikaw kung bayaran ka ni pacman o bong revilla na iiyotin ka nila d payag ka kasi its all about money money pera lang nagpapaikot sa buhay ng tao importanti pa ito kahit kay fucking godd dahil nagsasalsal sya sa heaven

Leave a Reply

Your email address will not be published.