Maricel Soriano, muntik nang matulad sa ibang star na nawalan na ng career

MASUWERTE PA rin talaga ang Diamond Star na si Maricel Soriano, dahil muli na naman siyang nagbalik sa Kapamilya Network, dahil makakasama nga siya sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Ang Dos naman kasi ang matagal na naging tahanan ni Marya kung saan ipinalabas ang magaganda niya noong drama series na siya rin ang prodyuser. Nasa ABS din ang mga dating kaibigan ni Marya na kumportable siyang makatrabaho, kaya para sa kanya ay napakagaan ang pagbabalik na ito.

Nagkaroon naman kasi si Maricel ng marka sa showbiz bilang mahusay na aktres. Kaya nang mawindang ang kanyang showbiz career dahil sa ilang magkakasunod niyang problema sa buhay, marami ang nasabik at naghintay sa muli niyang pagbabalik. Pero klaro na hindi ang bakuran ng GMA-7 at TV5 ang nakapagbalik-sigla sa kanyang career. Bagkus, hinulaan pa nga na kung magtatagal ang pamamahinga ng career ni Marya ay makakahilera na niya si Claudine Barretto, na naglaho ang ningning ng career nang lumipat sa ibang network.

Iniintriga si Marya na hindi na raw niya panahon ngayon, kaya tinanggap na lang ang role sa bagong teleserye ng Dos at gaganap bilang mommy ni Gerald. Walang problema ‘yan kay Marya, dahil puwede naman niya na talagang maging anak ang kasing-edad ni Gerald sa totoong buhay. Hindi masasayang ang pagsasama nilang dalawa. Aminin n’yo, kahit panahon ngayon ng kasikatan ni Gerald, kailangan pa rin niya ang suporta ng magagaling na artistang katulad ni Maricel para kung ano pa ‘yung konting kakula-ngan niya bilang actor, si Marya ang sumalo upang magkatulungan sila sa magaganda nilang eksena sa teleserye.

 

HINAHABOL TALAGA lagi ng mga kontrobersiya si Jennylyn Mercado magmula nang pasukin niya ang showbiz, at kahit hanggang ngayon, hindi na talaga siya masasabing bagets na artista. Nadadamay na naman kasi ngayon ang kanyang pangalan sa naging hiwalayan ng dating mag-asawang sina Lian Paz at Paolo Contis. Nabanggit kasi na diumano’y nagkaroon dati ng ugnayan sina Jen at Paolo, na siyempre’y ikinagulat ng marami, dahil ang magandang aktres ay karelasyon ngayon ni Luis Manzano.

Marunong naman lagi si Jennylyn manahimik sa isyu kung ayaw pa niyang magsalita. Pero kapag nagdesisyon na si Jen magsalita ay tinatapos naman niya ang isyu dahil ayaw niya ng mga usapan na paulit-ulit niyang naeengkuwentro. Ang haba naman talaga ng hair ni Jennylyn, dahil ang dami-daming lalaki ang noon pa ay gustong mapalapit sa kanya, na ang iba siyempre ay hindi na lang niya ipinagmamakaingay, dahil hindi niya ugaling magbilang ng mga manliligaw.

Nagmamailap daw ngayon si Jennylyn sa press dahil sa bagong isyu na kanyang kinasasangkutan. Pero kung kilala natin si Jen, malalampasan niya rin ang bagong kontrobersiya. Ginagawang dahilan ngayon ng kanyang kampo na busy siyang masyado. Ayaw lang talaga ni Jen na sumabay sa mga pagsasalita ng ibang tao na nagda-damay sa kanya sa isyu ng hiwalayan nina Lian at Paolo. Masaya rin ngayon si Jen sa kanyang career at lovelife, kaya ayaw niyang maging magulo ang kanyang mundo.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

14 thoughts on “Maricel Soriano, muntik nang matulad sa ibang star na nawalan na ng career

  1. minsan kasi sa sobrang pagod dapat mag pahingan din. tama lang man din ang ginawa ni DIAMOND STAR. and now she is back fresh ang aura nya parang di tuman da dba??

  2. Di mo rin ba alam na mas mayaman na ang mga nagmamay -ari ng GMa 7 na sina Atty. Gozon at Mr Duavit kasi bonggang bonga ang rating ng GMA7 . Mas mayaman pa sila sa mga Lopez, magbasa ka kasi ng Forbes magazine di puro tabloid. Kaya nga maraming artista ang gustong makaranas ng haplos ng pagmamahal at yaman ng GMA 7. GMA mabuhay!!!

  3. Sina Aga, Sharon at Mang Dolphy mga laos na yan ng pumunta sa TV 5. Wala namang nagawa ang dos para isalba ang mga career nyan. Pagkatapos mag akyat ng milyun miyun sa dos yun at tinapon na bigla. Kaya nga masama ang loob ni Aga…

    • for ABS, employee is asset to the company, not a liability. business is business. unlike TV5, spending to much s mga laos n artista. resulta, lugi! 

  4. Ang magagaling na mga artista na katulad nila Maricel at Claudine ay kailan man hindi mawawalan ng kinang. Quality projects lang ang kailangan upang mamaintain ang kanilang kinang sa showbiz. Halos lahat talaga ng stars nakakaranas ng lowest pont in their career even Nora and Vilma.

  5. Maging leksion sana sa maraming artista sa ABS CBN na mga sikat na kapag lumipat sila sa GMA at TV5 siguradong babagsak ang kanilang career tulad nina Claudine Barreto, Sam Pinto etc. at sigurado na ang pagbagsak nang career nina Derek Ramsay sa paglipat sa TV5 at Rafael Rossel sa GMA..

  6. Maliban ke angel locsin at angelica panganiban si inang marya ang isa sa mga pinaka gusto ko at inirerespeto! WELCOME HOME INAY MARYA!!!! We miss and love you inay marya!!! :) can’t wait to watch you’re new teleserye with a power house cast! what a fabulous and grand comeback! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.