Maricel Soriano, kakasuhan ang doktor na nag-opera sa ina?! – Alex Brosas

Totoo bang binabalak ni Maricel Soriano na idemanda ang doktor na nag-opera sa kanyang inang si mommy Rosalinda Dador Martinez o mas kilala sa bansag na Linda Carter?

Ang tsika sa amin, duda raw ang aktres sa biglaang pagkamatay ng kanyang ina na inoperahan sa myoma. Namatay si Mommy Linda noong July 19, 10:30  ng umaga sanhi ng pulmonary embolism leading to cardiac arrest. She was 65 when she died. Ikrinemate ang labi ni Mommy Linda noong July 23 sa Heritage Park Crematorium sa Taguig City.

Devastated daw ngayon si Marya at talagang hindi raw nito matanggap ang biglang pagpanaw ng kanyang butihing ina. Ayaw nga raw nitong makakita ng press. Hanggang ngayon daw ay in deep mourning pa ang aktres sa sinapit ng kanyang mother dear. Sa paniwala nga ng taong malalapit sa aktres, matatagalan pa bago maka-move on si Marya sa nangyari sa kanyang ina.

Para kay Vilma Santos, mas magaling na actor si Luis Manzano kaysa sa ex-husband niyang si Edu Manzano.

Natanong si Ate Vi kung sino ang better actor between Edu and Luis sa presscon ng In My Life. Wala namang keber na sinagot ito ng premyadong aktres.

“Need I say more? ‘Yung movie kasi namin ni Eduardo ay romansa. Hindi ko pa siya nakakaeksena na really, really heavy drama. It’s my first time with my son at may moment na nadala ako bilang nanay niya. Magaling si Eduardo, pero mas magaling si Lucky,” say ni Ate Vi na pinalakpakan ng press.

Winner din ang sagot niya kung matatanggap niya kung sakaling magkaroon siya ng anak na bakla.

“It doesn’t matter kung gay o hindi ang anak ko. At the end of the day, anak ko pa rin siya, sa akin siya nanggaling,” say ng aktres.

Mag-ina sina Ate Vi at Luis sa In My Life. Bading si Luis dito at librarian naman si Ate Vi. The movie, though, is not a gay film.

Gusto pala ni Jomari Yllana na maka-duet ang kanyang ex-girlfriends.

“Sa maniwala kayo’t sa hindi, Aiko (Melendez), Ara (Mina) and Pops (Fernandez),” sabi niya sa  presscon  Celebrity Duets. “Kaya lang hindi ko sila matawagan, nahihiya ako,” he added.

Ipinaliwanag ni Jom kung bakit ang ex-GF’s niya ang nais niyang maka-duet sa nasabing contest.

“Siguro iniisip ninyo kung bakit sila. Kasi, ‘yong mga partner ko, sila lang ‘yong kinakantahan ko. Hindi ako kumakanta sa iba. Kumakanta ako sa kanila ‘pag masama ang pakiramdam. Minsan, pag naglalambing ako.”

Sabi ni Pops sa interview ni Gorgy, pag-iisipan daw niya kung sakaling alukin siya ni Jom na maka-duet.

Wala naming violent reaction si Jom dito.

“Okay lang sa akin. Kung sino ang pipiliin niya kasi marami siyang kaibigan dito Celebrity Duets. Kung hindi naman, okay lang,” Jom explained.

What about Aiko?

“Si Aiko nakakausap ko, eh. Parang okay lang sa kanya.”

Mataba na pala ang isang actor na medyo hindi na active ngayon sa showbiz. Duda ng marami, tumigil na ito sa kanyang bisyo.

Pero, mali daw ang nag-aakalang hindi na ito nagda-drugs. Tuloy pa rin ito sa kanyang bisyo, ‘yun nga lang, marijuana na ang tinitira nito. This is the reason kung bakit siya tumataba. Tamang food trip daw kasi ang dulot ng paghithit ng marijuana.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Maricel Soriano, kakasuhan ang doktor na nag-opera sa ina?! – Alex Brosas

Leave a Reply

Your email address will not be published.