Maricel Soriano is tight-lipped about the issue of beating her two househelps

“NOT TRUE” ANG reply ng ma-nager ni Maricel Soriano na si Malou Choa-Fagar, executive rin ng long-running noontime variety show ng GMA-7, Eat Bulaga, tungkol sa text message naming ipinadala personally sa kanya.

Ang tanong namin kay Tita Malou ay kung true bang hindi niya alam ang ginawang guesting ni Marya na pagsayaw sa Party Pilipinas nu’ng mag-birthday ang dancing legend na si Geleen Eugenio, na panahon pa ng Rico Mambo days ni Maricel, eh siya na niyang dance choreographer.
Meaning, may blessing ni Tita Malou ang nasabing Party Pilipinas guesting ng Diamond Star, hindi tulad nang nasulat recently. Ayon pa sa chika, sa dance number na ‘yun ni Marya ay mataas ang rating, mas mataas sa ASAP Rocks that Sunday.

“Ang ganda  ng aura   ni   Marya  sa

show!” iisang chika ng l hat ng nakapanood. Pero ilang araw lang ang lumipas, heto ang mga kasambahay ni Maricel (two months pa lang umano sa kanya) at may inirereklamo sa kanilang amo sa pagtrato sa kanila.

Nang i-text naming muli ang ma-nager ni Maricel kung may statement na sila tungkol sa isyu na ito ng pagsusumbong sa media ng mga kasambahay ng aktres, “Wala pa,” ang maikling tugon ni Tita Malou, at hindi na kami nag-follow up question pa.

Sa Facebook, mga diehard Maricelians ang nagpaparating ng kanilang lungkot at depression – kung totoo man ang mga nangyayaring ito kay Maricel. Iilan lamang sila sa mga Maricel solid fans, na we’re very sure, eh handang ipagtanggol ang mahal nilang idolo.

Ang said “silent” fans ang dumurugo ang puso sa kinasasangkutang ito ng kanilang idol, na handang maghintay ng pagkakataong magsalita na ang kampo ng mahal nilang si Inay Marya.
Tulad ng Maricelians, buong showbiz ay naghihintay ng panig ni Marya. At ng katotohanan. ‘Wag naman sana!

THERE’S NO DOUBT na  talagang “made” na nga ang isang Vice Ganda, dahil sa pangalawang pagpuno niya ng mga tao sa napakalaking Araneta Coliseum concert nitong Vice Ganda: Todo Sample sa Araneta noong July 1.
Saksi ang inyong lingkod kung papaano punuin ni Vice ang Big Dome that time, to the point na kahit na ‘yung upper and lower box sections na dati’y “pinapatay” o hindi pinapaupuan ng tao, ay “binuhay” – para lang ma-accomodate ang mga nagsisipagbilihan ng tickets.

Ito ‘yung part ng magkabilang gilid ng coliseum, na literally eh “side” lang ng mukha ni Vice – at ng kanyang guests – ang makikita dahil nakagilid nga ang seats, o halos batok na lang ng performers ang mapapanood. Pero sumugod pa rin ang fans, huh!
Nasa 11 thousand, kung hindi kami nagkakamali, ang dumagsang utaw sa Big Dome para maging jampacked ito, dahilan upang magka-traffic literally sa parteng ‘yun ng Araneta Center before and after the concert sa dami ng mga may sasakyan.

Kahit na ang 3,700 pesos worth na VIP seats ay nagpadagdag ang Viva Concerts ng 80 seats, at kinailangang bawasan ang size ng stage in front to accomodate nga ang additional seats dahil up to the last minute ay ang daming nagba-buy ng tickets, huh!
Aliw pa rin, as usual, ang mga banat at kuwelang hirit ni Vice na tanging siya lang talaga ang epektibong makaka-deliver, na natural at hindi pilit ang pagpapatawa – sa mga segments niya with his guests Toni Gonzaga, Billy Crawford, Enchong Dee, at Cristine Reyes.
Congratulations are in order, of course, to Vice for a job well done (dahil alam mong pinaghandaan niya ang gabing ‘yun), to Viva Concerts, sa producer ng Showtime Productions na si Joed Serrano, Cora Rod-rigo, at sa manager nitong si Ogie Diaz.
Sabi nga ni Tita Crispina Belen, “Suwerte ni Vice kay Ogie dahil pinagtiyagaan at pinush talaga siya ni Ogie!”

So there.

For feed-back, please email us at mell_navarro@yahoo.com.ph.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

13 thoughts on “Maricel Soriano is tight-lipped about the issue of beating her two househelps

  1. HALA KA MARICEL,  DI KO AKALAIN MAGAWA MO YAN, AT DI MAGSUSUMBONG MGA TAO PAG WALANG NANGYARI. HALA KA  LUMUHOD KA SA HARAP NILA KASI ALAM MO BA MAS MAHIRAP MAMATAY KAY SA NABUHAY KA, MAGANDA MAN BUHAY MO SA MUNDO AT MATATAKPAN MO MGA DI MO MAGANDANG NAGAWA SA KAPWA D2 SA MUNDO PERO PAG NAMATAY KA DI KA MAKAKALIGTAS SA TAAS, MAGDASAL MAN LIBO-LIBONG TAO  PARA SYO PERO PAG DI MO NAITUWID MGA GINAWA MO MGA KASALANAN SA HELL PA RIN BAGSAK MO. MANIWALA KA MAN O HINDI PERO MALALAMAN MO YAN PAG NAMATAY KA MAHIRAP EXPLAIN PERO YON ANG TOTOO KAHIT SI POPE NGA NASA HELL PA NGAYUN AT KAHIT MGA BATA MARAMI ANG NASA HELL. KUNG AKO NASA KALAGAYAN NG MGA NAGSILBI SYO AY IBITAY KITANG PATIWARIK DAHIL KAHIT KASAMBAHAY O ARTISTA WALA KANG KARAPATAN KAHIT SIGAWAN KAHIT SINONG TAO D2 SA MUNDO. IDOL PA NAMAN KITA, NAKU SORRY PAG NAKIT KITA SIGAWAN KITA PARA DUN SA MGA INAPI MO AT BATUHIN PA KITA, I SWEAR! ALAM MO PRESIDENTE KA, O SENADOR O NASA CONGRESS O MAYOR OR COUNCILOT O ARTISTA PAGDATING O LABAS NYO SA TRABAHO ORDINARYONG TAO LNG KAYO LAGI NYO YAN ILAGAY SA TUTOK NG UTAK NYO KUNG ME UTAK KAYO. KC AKALA NG IBA DYAN SINO NA SILA. AY SA AKIN DI YAN PWEDE KAHIT NOYNOY SIGAWAN KO YAN KC DI DAPAT SYA ANG NANALO DAPAT SI VILLAR DAHIL WALA SYANG KWENTA AT WALA PA NAGAWA SA BAYAN .

  2. kung adik nga edi magparehab..ehh pano kung hindi naman talaga adik?!..ba’t mo pipilitin magparehab!!!..gets?!.

  3. eye of the tiger..sobra naman yung conclusion mo na addict sya..wala man lang apostrophe or raw..sure na sure..ehh hindi pa nga naipo-prove kung totoo nga yung mga accusation kanya ehh…kaya wag kang judgmental

  4. MARICEL IS ONE OF THE FINEST ACTRESS IN PHILIPPINE MOVIE AND TV HISTORY, SHE’S A GREAT LOSS IF SHE WILL NOT RECOVER FROM THIS. UNLIKE PRETENDERS/ACTRESSES TODAY SUCH AS ANGHIT POKSIN, KIM BANGKAY, MAJA BLANCA AND OTHER PINAMILYA NO TALENTS……….SANA ITONG MGA ITO NA LANG ANG MGA ADDICT HAHAHA

  5. well, am not sure if this is true but better be true para mamulat na mga makikitid na utak ng ibang fans jan na kung tratuhin mga artista ay parang diyos. FYI most of them (artists) are PLASTIC! we never knew, after you give a hug to these bitches they bathe themselves with alcohol!

  6. Habang maaga pa MAG PA REHAB na siya , isa siyang addict. Walang makakatulong sa kanya kundi ang sarili niya. Malala na siya dahil nanunutok na ng baril. Wala naman masama kung magpa rehab siya nakakatulong pa sa kanya yun.

  7. korek kasi. kaya tahimik ang gagah! naghihirap na siguro at hindi na mabayaran ang mga katulong niya. siya na may utang siya pa galit pag siningil na utang niya! punyemas!!!

  8. Avid fan of Marya since Kaluskos Musmos. Kung tutuo ang accusation sa kanya, I’m not on her side. People are waiting for you to talk. If you did this, you need a therapist. Behavioral disorder? manic depression, panic attack, manic depression or even bipolar is the cause. Still, if they are tellin’ the truth na tinutukan mo sila ng baril, That’s attempted murder. You still need to have a fair trial. Goodluck to both side.

    Idol pa rin kita, in acting. But not on this matter.

  9. Simula bata ako up until now. I have not idolized any one as much as I idolized the Diamond Star. I still think she’s the country’s if not the best one of the best actresses. Nalulungkot ako sa balita Im sure ganun din ung ibang mga fans ni Maria. Kung totoo man I hope magbago pa sya. kung hindi man sana lumabas ang totoo

  10. sana nga hindi totoo. ang hirap lang talaga paniwalaan na magagawa nya lahat yun. pero kung totoo man, i still like her, she’s still my favorite actress. i will just pray na kung ano man pinagdadaanan nya eh malampasan nya at malaman nya na marami ang nagmamahal sa kanya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.