Maricel Soriano gives blessing to Edu-Pinky wedding

KUMPIRMADO NA ANG planong pagpapakasal ni Optical Media Board Chairman at Ako Mismo advocate na si Edu Manzano sa kasintahan at kasamahan niyang host sa Umagang Kay Ganda na si  Pinky Webb. Napag-alaman namin from a reliable source na “hiningi na niya ang basbas” ng ex-wife niyang si Maricel Soriano para sa plano niyang pagpapakasal muli.

Si Edu mismo ang tumawag at nagyaya kay Maricel para mag-usap sila nang personal. Kaya nag-lunch sila sa Le Souffle sa Rockwell sa Makati kung saan ginanap ang post-wedding reception nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Inabot ng ilang oras ang pag-uusap ng dating mag-asawa at du’n inihain ni Edu kay Maricel ang planong pagpapakasal ulit. Naging masaya naman daw ang pag-uusap nina Edu at Diamond Star. Katunayan, walang humpay daw ang tawanan nu’ng dalawa. Wala namang problema kay Maricel dahil okey sa kanya si Pinky. Pagkatapos, sinabihan ni Maricel si Edu na this time mag-behave na sa relasyon.

Nagkausap ang dalawa bago pumunta sa U.S .si Maricel para sa international premiere ng T2. As of this writing, nasa U.S. pa si Maricel. Pero babalik siya any time now dahil she will be hosting the 25th Star Awards for Movies sa Ateneo de Manila University  with his “former husband” also na si Cesar Montano and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

After kausapin ni Chairman Edu si Maricel, we wonder kung nakausap o kakausapin din niya ang Star For All Seasons and ex-wife rin niya na si Batangas Governor Vilma Santos  para sa pagpapakasal niya kay Pinky Webb.

OVERWHELMING NAMAN ANG feeling ng veteran actress at movie queen na si Ms. Helen Gamboa sa success ng teleserye nilang Tayong Dalawa. It’s all worth it daw ang Tayong Dalawa as her comeback vehicle on TV. Last time she appeared on a teleserye was on Sa Dulo Ng Walang Hanggan.

Epidemic is the term na ginamit ni Ms. Helen sa tagumpay na teleserye nila. Nagugulat na lang si Ms. Helen kapag may mga taong lumalapit sa kanya at tinatawag siya sa karakter niya sa Tayong Dalawa.

First time nakatrabaho ni Ms. Helen ang mga bagong breed of actors na sina Gerald Anderson at Jake Cuenca. “Okey naman sila. They do their job. Kumbaga, s’yempre kapag ano na, nai-insipire, ganu’n. Just like what happened to me. I got inspired by my role kaya I really give my all, ganu’n.  Ganu’n naman ang artista kapag na-inspire ka,” sey ni Ms. Helen.

Marami rin ang nakapansin ng mga outfits ni Ms. Helen sa show. May damit daw naman na provided ng production, pero most of the time ‘yung mga damit na binili niya two years ago pa ang ibang ginagamit niya. Sandamakmak pa pala ang mga damit ni Ms. Helen sa kanyang closet na binili niya abroad, ang hindi pa niya nasusuot and all of them are signature clothes, huh, like Stella McCartney and Emilio Pucci.

May tatlong malaking Hermes Birkin bags din si Ms. Helen at isang Kelly’s bag na binase ang name sa fashion icon na nagging prinsesa ng Monacco na si Grace Kelly. Isa raw sa Birkin Hermes na kulay beige ni Ms. Helen ay katulad ng gamit ng dating Spice Girls member at asawa ng sikat na football player na si Victoria Beckham. And of course, kung naglalakihan at napakaraming diamond jewelries ni Megastar Sharon Cuneta, mas malalaki pa raw ang meron nito si Ms. Helen.

Bongga!

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

2 thoughts on “Maricel Soriano gives blessing to Edu-Pinky wedding

  1. Weddings are considered to be always significant for people who are inlove with each other.Accesories like cufflinks on weddings are considered add-ons to the art of the event. To get wed is one of the most memorable happenings in one’s life.

  2. gandat talaga ni Mamita………. she deserve talaga yung role na yan, lastnite ang ganda ng binitiwan nyang words……. Goodluck Po Tayong Dalawa rocks…………….

Leave a Reply

Your email address will not be published.