Maricel Soriano, ‘di nagpatalo kay Eugene Domingo sa pagpapatawa

SOBRANG RIOT sa katatawanan ang mga eksena nina Maricel Soriano at Eugene Domingo sa pelikulang Momzillas ni Direk Wenn Deramas ng Star Cinema at Viva Films. Nakakaloka ang bawat eksena ng dalawang mommies tuwing nagkikita, salpukan to the highest level. Walang pakialam na magsasabunutan at magpapagulong-gulong sa harap ng maraming tao. Hindi alam nina Billy Crawford at Andi Eigenmann na dating mag-best friend ang kanilang mommies bago sila naging mortal enemies nang dahil lang sa lalaki.

Sa actual shooting, natural ang acting nina Uge at Maria. Ibabato lang ni Direk Wenn sa kanila ang dialogue at isang malinis na rehearsal, take na agad. Perfect ang tandem ng dalawa, parehong magaling sa comedy. Hindi sila nagpipilit magpatawa, sila mismo ay matatawa ka na dahil sa anik-anik nilang reaction. After the take, magtatawanan ang buong production staff sa eksenang kinunan kina Uge at Maria. Maging sila ay natatawa sa kanilang ginawa.

As expected, magaling pa rin sa comedy si Maria. Nandu’n pa rin ‘yung husay niya bilang komedyana. Nasa timing kung magbitiw ng dialogue, walang ipinagbago. Sobrang nag-enjoy ang Diamond Star habang ginagawa niya ang Momzillas. Kahit tapos na ang kanyang mga eksena, nagbababad pa ito sa shooting para makipag-bonding sa kapwa niya artista at makipag-kuwentuhan kay Direk Wenn.

Maging si Uge, hindi matatawaran ang naiibang husay at galing nito sa larangan ng pagpapatawa. Sa outfit, movements at facial reaction, sasakit na ang tiyan mo sa katatawa. What more kapag nag-emote na ito at nagsimula nang magbitiw ng dialogue, maaaliw kang talaga kay Rough Diamond Star Eugene.

Idagdag-rekado mo pa sa Momzillas sina Joey Paras, Candy Pangilinan, Atak, Lazzy Marquez, Paul Jake Castillo, Charles Yulo at Mel Martinez, malilimutan ninyo ang inyong problema kahit panandalian lamang dahil sa sayang dulot nila.

Hindi naging madali para kay Direk Wenn ibalanse ang character nina Uge at Maria. Kailangan pantay lang ang bigat ng kani-kanilang role pati na rin ang exposure ng dalawang icon comedianne. Kahit first time dinirek ng award-winning director ang actress, happy ito sa kinalaban ng kanilang pelikula kaya’t may follow-up movie agad ito kay Mary, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy with Vice-Ganda under Viva Films at Star Cinema.

 

PALIBHASA MAY pelikulang ipalalabas sina Cristine Reyes at Derek Ramsay kaya pinagdududahan ang kanilang relationship. Kahit umamin na sila na ngayon, parang walang lang. Hindi interesado ang publiko maging ang media dahil nandu’n ‘yung pagdududa sa kanilang naging pahayag.

Tuloy, marami ang nag-iisip na gimik lang ito nina Cristine at Derek para pag-usapan, para panoorin ang kanilang pelikulang Trophy Wife ng Viva Films. Baka bukas makalawa sasabihin nila, naghiwalay na sila ng landas.

Walang masama kung totoo nga inlove sila sa isa’t isa. Pero para pasakayin at papaniwalain ang publiko, hindi yata tama ‘yun.

Maniniwala pa kaming totoo ngang mag-dyowa na sina Cristine at Derek kung pagkatapos ng pelikula nila saka nila inamin ang kanilang relasyon. Alam naman natin na hanggang ngayon, isinisigaw pa rin ng puso ng sexy star ang pangalan ni Dennis Trillo. Maging si Derek ay nabalita rin na may non-showbiz girlfriend. Tapos ngayon, bigla na lang silang mag-uusap nang masinsinan para aminin ang totoong status ng kanilang relationship kuno. Ewan ko lang kung maniniwala kayo….

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Maricel Soriano, ‘di nagpatalo kay Eugene Domingo sa pagpapatawa

  1. c maria pa….laging welcome….marami pa rin ang nagmamahal at naniniwala sa kanya…sa galing nia comedy….kailangan cia ng movie industry dahil ilan lang cla ang pwede sa drama at comedy na tanggap ng tao like uge domingo na sumusunod na rin sa mga linya nia……

Leave a Reply

Your email address will not be published.