Maricel Soriano, ‘di basta-basta naibabagsak ng intriga

BIG STAR si Maricel Soriano sa buong showbiz, kaya hindi siya basta na lang maibabagsak ng pangyayaring hindi siya natuloy na maging parte ng teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN. Marami naman siyang proyekto na noon pa’y nailapit na sa kanya para gawin, kaya lang ay nagkakaroon lang ng kontIng aberya kaya hindi nagkakatuluyan.  Isang teleserye lang ang nawala, at magsisimula na rin siya ng bagong pelikula, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Consistent pa rin talaga si Marya, na kapag mayroong maiinit na isyu tungkol sa kanya ay hindi na lang siya nagbibigay ng komento para huwag na lang lalong humaba pa ang isyu. May record din kasi ang mataray na aktres, na kapag sinimulan niyang magsalita ay tatapusin niya iyon at marami na lang ang magugulat sa kanyang pasabog. Pero dahil nga mailap si Marya na magsalita tungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, naiipon ang mga kuwento na dapat niyang bigyang-linaw.

Katulad na lamang ng lovelife ngayon ni Maricel. Itaas na lang kaya niya ang kanyang mga kilay kapag pinag-react siya tungkol sa kuwentong nagkaroon ng kakaibang paramdam sa kanya ng pakikipaglapit sina Gerald Anderson at Coco Martin. Nakaaaliw nga ang kuwento, na kung dati raw at si Marya ang tatanungin, kapag pinag-usapan ang dalawang sikat na aktor ng Kapamilya Network, mas malapit daw ang loob ng magaling na aktres kay Gerald kesa kay Coco. Okey raw kay Marya si Gerald bago sila nagkaintrigahan.

 

MAINGAT NA ngayon si Rufa Mae Quinto sa pagkukuwento tungkol sa kanyang mga plano para sa kanyang dream wedding. Hindi na kasi siya naaaliw sa mga kantiyaw at intriga na kanyang natatanggap dahil sa hindi pagkakatu-luyan ng ilang beses niyang ipinangalandakan na magpapakasal na siya. Kasi nga, nagmukha siyang katawa-tawa na nagbigay siya ng eksaktong taon kung kailan magaganap ang kasalan, pero wala namang kasalan na nangyayari.

Udlot Queen tuloy ang bansag ngayon kay Rufa Mae. Kaya mas pinili na lang niya ngayon na sobrang matahimik ang kanyang mundo. Pakiramdam kasi niya, pagkatapos ng ilang mahahabang taon ng kanyang mga pakikipagrelasyon sa mga lalaking inisip niyang kanyang makakatuluyan, parang hindi pa rin pala dumarating ang tamang lalaki na kanyang pakakasalan na pupuwedeng kung huminto na siya sa pag-aartista ay kanyang masasandalan, at kaya siyang buhayin.

Hindi naman kasi mayabang si Rufa Mae. Pero sa totoo lang, isa siya sa pinakamasipag na aktres sa showbiz, na talagang ang mga kinikita sa pag-aartista ay iniipon talaga. Kaya nga, mortal sin din para sa kanya na makatagpo siya ng isang lalaki na mapapa-ngasawa, kung ang kakalabasan naman ay siya pa pala ang bubuhay sa nasabing lalaki, dahil sa pangyayari nga na si Rufa Mae ay nakapag-ipon talaga ng pera mula sa kanyang pagsisikap.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Maricel Soriano, ‘di basta-basta naibabagsak ng intriga

  1. Thank you Melchor for this nice article. Okay lang din na punahin mo si Maricel kung kinakailangan, basta fair lang ang pagkakalahad at may basis. Or may concrete sources, at hindi basta magsusulat lang ng kung ano-ano na parang imbento kasi wala naman source.

    Yes, totoong SURVIVOR si Maricel. 1980’s pa lang inintriga na siya ng katakot-takot nung time nila ni Ronnie Ricketts until her much-publicized relationship with Edu, yet nandidito pa rin siya at nagmamarka dahil totoong MAY TALENT SIYA PARA TUMAGAL SA INDUSTRIYA. Sige nga, sa mga ka-contemporaries or kahit yung mga nauna sa kanya, sino ang kayang-kaya na mag-drama in a flick of a fnger then magco-comedy the next moment? Then lumulutang din siya sa horror movies at susepense-drama. Siguro ang action-comedy ang hindi na niya kayang gawin ng bonggang-bongga kasi very physical na yun at 48 na si Marya this year. But at her age and seemingly ageless looks, marami pang pwedeng gawin si Marya sa TV at pelikula. And this is her biggest advantage sa mga ka-henerasayon niya.

    About Coco, sana gumawa na lang sila ng isang maganda at makabuluhang pelikula. Kung mainstream, sana si Chito Rono or Olivia Lamasan ang director. Kung indie film, definitely si Brillante Mendoza ang magdidirek, or pwede din si Jeffrey Jeturian. Explosive sigurado ang acting collaboration nila. Huwag naman sana sa totoong buhay.

    As for that ham actor na nag-inarte sa teleserye kaya napagalitan ni Marya sa pagiging unprofessional niya, mag-workshop muna siya ng dalawang taon bago makipagsabayan sa isang REAL ARTIST like Marya.

    Once again, thank you, Melchor, in behalf of the global Maricelians!:)

    • AY GALING MO JOJO. LOVE KO RIN SI MARIA. PANAHON PA LANG NG REGAL MOVIES NYA NOON, PEBORIT KO NA SYA. WELL, ANG BUHAY NAMAN AY MARAMING PAGSUBOK. KAYA NYA YAN.

  2. matutuwa ang mga maricelian sau….dahil iba ka sa kanila,di mo sinisiraan c inay maria….at proven yung gd write up mo kay inay…..at di ka isang bayaran ng isang network.tnx so much…..

    • Ang babaw nmn ng pgktao mo teh danica…dhil may magandang write up eh d bayaran kpg me bad publicity  about her eh binayaran un writer? D kya the other way around teh danica? Db kya lng nmn may mgandang article s isang artista khit d totoo dhil nabayaran ito? At kya maraming bad publicity kung di napagbigyan o naabutan ng envelop un writer  tulad ni alfie at lolit na sisiraan k todomaxa!?

      • excuse me kahit kailan di niya gawain ni inay maria ang mag bayad ng press para isulat lang cia ng maganda o purihin….in the first place may talent c inay kahit di na nia kailangan yan  para isulat lang cia…kaya  hangaang ngayon nanjan pa rin cia.di ka tatagal sa showbiz kung di ka magaling, la ciang paki as long na malinis ang konsensiya nia at wala ciang ina apakang tao…get mo ba?…..ibang artista jan konting intrega lang tatawag ka agad ng press at ide depend agad ang saliri nila.c inay never…..never ciang sumakay o sumasaw sa mga intrega…di cia mahilig pumatol hannggang ngayon….kaya jan humahanga ang mga maricelian s kanya……

  3. d2 sa reporter na’to believe ako dahil di cia bayaran…hehehe…in fairness.di gaya ng iba jan ok lang kahit bayaran ang kaluluwa nila basta siraan lang nila ang isang artista….may mga writter pa pala katulad ni melhor bautista di bayaran…mabuhay ka.

      • Binabayaran sila ng publishing company sa mga item na isinusulat nila.  Kung PRO sila ng isang artista or movie company, dagdag din yon sa income nila…. Pero may mga artista  na di nagbabayad para sila maisulat…kadalasan sila ang hinahanap para may maisulat ang mga reporters…

  4. Her 42 years in the industry in providing high quality entertainment and performance ay di basta basta maitatapon ng bawat isang nakanood at napasaya niya sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula.  She grew up before our eyes in the industry – whatever intrigues, scandals she has gone through kahit dati pa would surely not erase her importance sa industriya.  Life goes and and the important thing is she moves forward keeping those lessons in her heart. Iba na ang panahon ngayon and times have changed on how stars are MADE. But natural TALENTs and superstars like her  would last for a long long time.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.