Maricel Soriano, ayaw sa mas bata sa kanya

Maricel-SorianoSA JUNE 2, 2014 na magsisimula ang pinaka-kontrobersyal na drama sa telebisyon, ang Ang Dalawang Mrs. Real na handog ng GMA 7 at siyang hudyat ng muling pagbabalik ni Diamond Star Ms. Maricel Soriano sa primetime TV katambal sa unang pagkakataon ang Primetime King na si Dingdong Dantes, kasama ang Primetime Actress na si Lovi Poe  sa direksyon ni Andoy Ranay.

Nasa mood si Maricel during the presscon at masaya itong nakipagtsikahan sa press. Since sa story ay may edad siya kay Dingdong, tinanong namin siya kung nainlab na siya sa mas bata sa kanya?

“Ay, hindi ko kaya! Hindiiii!” sagot ni Maria. “Pero si Millet, (karakter niya sa teleserye) kinaya niya. Pero si Maria, parang mahirap. Hindi pumasok sa utak ko iyan.”

Binalikan namin ang mga naging past BF ni Maria from William Martinez, Ronnie Ricketts, Edu Manzano, at iba pa at never nga siyang nagkaroon ng BF na mas bata sa kanya.

“Hayyyyy… me ganu’n talaga? Erase na iyan!” tili pa ng aktres.

Pagkatapos na hindi matuloy ‘yung project niya sa ABS-CBN 2 ay nagpahinga si Maricel pero agad na inoperan siya ng GMA 7. Bakit ang bilis yata niyang tinanggap ang offer ng Kapuso network, wala bang ibang offer ang Kapamilya sa kanya?

“Ibalik pa ba ang mga past? Move on na tayo. ‘Eto na nga, o, nakalagay na d’yan (turo sa press kit), ayan na, sa June 2 na nga, noh!” taray na sagot ni Maria pero naka-smile ito. “Actually, si Shirley Kwan (manager ng aktres) at si Boss Vic del Rosario, sinabi nila na may offer nga ang Siyete at maganda raw ‘yung story. Sabi ko, sige! Ayun, nagtuluy-tuloy na. ‘Eto na.”

Kumusta naman si Dingdong bilang bagong katrabaho at asawa pa niya ang role?

“Ay! Yaya ba ako na araw-araw eh, alam ko kung anong nangyayari sa kanya? Hahahahaha! Kayo talaga! ” hirit uling patawang-taray na sagot ni Maria. “Maginoo si Dingdong at magaling, huh! Guwapo! Mabango!” paikot-ikot na mga mata at pataas-taas ng kilay na sagot ni Maria.

“Okey naman siya, eh. Marunong. Magalang pa. Edukadong tao! Sobra!” dagdag pa niya.

Na-starstruck at na-intimidate daw si Dingdong sa kanya. Sa mga eksenang sisigawan siya nito at hahawakan ay ilang na ilang ang aktor at hindi alam kung paano gagawin.

“Pero nagawa niya? Hindi ba? Ayun, o… sa trailer kanina, ‘di ba? Sinigawan niya ako. Ako naman martir na asawa na sunod lang nang sunod sa kanya kasi mahal ko siya! O, ‘di ba…ang drama?” hirit pa ni Maria.

Eh, si Lovi naman, kumusta naman silang dalawa?

“Ay, ang gandang bata at ang sexy! Ayun, o! (turo ni Maria sa kinarorooonan ni Lovi). Nagkasama na kami dati kaya lang hindi kami nagkasama sa eksena. Dito may mga scenes kami together at ‘yun ang aabangan n’yo since pareho nga kaming Mrs Real, ‘di ba?” sabi pa ng aktres.

May sampalan at sabunutan bang magaganap kapag nagharap na sila ni Lovi?

“Ay hindi ko alam! Alam n’yo ba?” balik-tanong ni Maria sa press. “Malayo pa ‘yun, eh. Magsisimula pa nga lang, o… bakit parang ang bilis naman yata? Basta panoorin n’yo muna at suportahan. Kayo talaga!” say pa ni Maria sa super nakakalokang tsikahan namin sa kanya.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Related Post

loading...

2 thoughts on “Maricel Soriano, ayaw sa mas bata sa kanya

  1. chusera ka maricel. eh inlababong inlababo ka kay gerald anderson dati, yun ang totoong rason kung bakit mo sha shinorayan ng bonggang bongga nung taping nyo dati davah? dahil di mo matake na nireject ka? Tanong nyo pa kay Eric John Salut.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.