Maricel Soriano at Cesar Montano, Kapuso na rin?!

MUKHANG MATUTULOY NA yata ang paglipat ni Cesar Montano sa GMA-7! Nakita ko itong nakipag-meeting sa ilang GMA executives sa Mario’s sa Tomas Morato nu’ng nakaraang linggo at sabi ng ilang nakausap namin, maganda ang kanilang pag-uusap.

Bale, si Cesar ang ipinalit nila kay Robin Padilla? Bumalik naman si Robin sa ABS-CBN, eh!

Hindi pa naman puwedeng i-announce ‘yan ng GMA-7 dahil hindi pa talaga sila nagkasarahan. May alok din ang TV5 kay Cesar pero siyempre kung ako, sa GMA-7 na, ‘di ba?

Tinitingnan din daw nito kung ano ang alok ng ABS-CBN pero so far, mas lamang ngayon ang sa GMA-7. Isa sa mga araw na ito ay malalaman din natin iyan kung tuloy ang contract-signing.

Ang isa pang pinag-uusapang posibleng maging Kapuso ay si Maricel Soriano.

Guesting lang muna siya ngayon sa GMA-7. Magsisimula na siya sa Pilyang Kerubin at sabi nga niya, enjoy na enjoy siya sa mga bagets na kasama niya.

Ang alam ko, maggi-guest din siya sa Party Pilipinas pero ewan ko lang kung sa Linggo na ito.

Sabi naman ni Malou Fagar na manager niya, wala pa naman daw inu-offer ang GMA-7. Pero kung matutuloy si Cesar sa Kapuso, may mga nagsa-suggest na sana ibalik ang tandem nila ni Maria. Maganda nga siguro ‘yun dahil iba talaga ang comedy nilang dalawa.

Abangan na lang natin!

MAGKAKASABAY NA NAG-PROMOTE sa Startalk nu’ng nakaraaang Sabado ang mga reyna ng GMA Telebabad na sina Marian Rivera, Regine Velasquez at Heart Evangelista. Kasama rin nila si Angelika dela Cruz para naman sa Pilyang Kerubin dahil hindi pumuwede si Barbie Forteza.

Na-phone patch namin si Dingdong Dantes para kay Marian at siyempre binuking-buking ko du’n na nag-order na ang aktor ng bonggang singsing para kay Marian.

Itinanggi ito ni Dingdong dahil siyempre hindi niya muna puwedeng sabihin dahil dapat surprise ‘yun kay Marian.

Natawa na lang si Marian dahil feeling ko, alam na rin niya iyan. Mukhang malalim na talaga ang relasyon ng dalawa at malalaman din natin kung kailan ang engagement nilang dalawa.

May mga isyu ring dapat na sagutin si Angelika dela Cruz, pero ayaw na niya itong pag-usapan pa dahil problema ito ng pamilya nila.

May mga pinag-uusapan kasing marami raw problemang naiwan ang nasirang kapatid niyang si Edward, pero ayaw na itong pag-usapan ni Angelika dahil sa pamilya na lang dapat nila ito at hindi na kailangan pag-usapan pa sa publiko.

Mukhang si Angelika kasi ngayon ang nagdadala ng mga problema ng pamilya lalo na’t may sakit din ngayon ang Daddy niya pati ang isa rin niyang kapatid.

Nu’ng Sabado nga, nagkaroon ng fund-raising project na binuo ang bestfriend niyang si Jodi Sta. Maria na ginanap sa Barrakz.

Sa palagay ko, marami ang nagbigay ng tulong dahil marami namang close friends si Angelika na willing tumulong para malutas ang pinagdaraanan nila ngayon.

Anyway, todo ang promote ngayon ng GMA Telebabad dahil siyempre matindi rin ang katapat.

Magsisimula ang GMA Telebabad sa Langit sa Piling Mo bago mag-24 Oras, at pagkatapos nu’n ay ang Pilyang Kerubin, susundan ng Endless Love at ang Diva.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Maricel Soriano at Cesar Montano, Kapuso na rin?!

  1. an artist is always an artist, that’s their work…. wether may nanonood o wala as long as may producer, hehehehe…

  2. umarangkada nanaman ung isa dito, ” di dw nya kahit kailan magustuhan si marian” dont wprry teh, di ka din dw feel ni marian! *LMAO*

  3. kahit kailan di ko magustuhan si marian. atat na atat kasi siya ka dingdong. halatang kilig na kilig si babae sa lalaki. nagmumukha tuloy siyang cheap. malayong malayo kay karylle na napakaganda ng breeding. sa pagsasalita na lamang at pagsagot-sagot sa press para siyang hindi gaanong nakapag-aral.

  4. hindi nga nag-rate ang comedy nitong dalawang ito, kaya wala ng gana ang ABS-CBN na kunin sila. nalaos na ang mga ito. Di rin naman kahusayan mag host si cesar kaya maaaring di na sila kunin. Ang talo sa huli dito ay ang GMA. di na sila nadala sa nangyari sa kanila kay Claudine. mga laos ng ABS ang kinukuha ng GMA.

  5. cge hala sugod ang mga losian deep dyan.. bagay nga kayo sa channel na yan, gudluck kung may fans pa kayong 2.

  6. ang tanong kung kagatin uli si maria at buboy. kung gawing host pa si buboy pwede. si maria, drama lang wag bigyan ng comedy kasi she sucks as a comedianne.

  7. Dora and sp0ngebob katapat nina buboy at maria? Haha kung sa bagay, bigger ang negrang dora at aBn0y na sP0ngebob kaya okay lang haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.