Maricar Reyes, tinakasan ang press

Maricar-ReyesIKINAGULAT NG press ang ginawa raw pagtakas ni Maricar Reyes sa ginanap na presscon ng serye nito sa ABS-CBN.

Umasa kasi ang karamihan ng press na makakausap na nila si Maricar pagkatapos ng presscon proper, dahil nang tanungin daw kasi ang buong cast ay nagpahayag ang dating controversial actress na sasagutin ang tanong pagkatapos ng presscon. So, asa ang mga reporter na makaka-one-on-one din nila sa wakas si Maricar.

‘Eto na, nang matapos ang question and answer, tumayo raw si Maricar at dumiretso sa isang function area ng pinagdausan presscon pero hindi na raw ito lumabas.

Sabi tuloy ng ilang press na gusto siyang makausap, ‘di napangatawanan ni Maricar ang ipinangako na sasagutin ang mga tanong kung personal itong itatanong sa kanya. Binansagang tuloy siya ng ilan na “Puslit Queen” dahil sa ginawa raw nitong pagtakas sa presscon.

Gusto sana ng press na kumustahin ang tungkol sa pag-iisang dibdib nila ni Richard Poon na buong ningning at ipinagmamalaki ang maganda at maayos nilang pagsasama.

Sa interview kasi kay Richard sa nakaraang PMPC Star Awards For Music sa Solaire Hotel & Casino, super saya at proud si Richard kung gaano kalaki ang respeto at pagmamahal niya kay Maricar.

Gusto sanang hingan ng press si Maricar kung ano ang nararamdaman nito sa labis na pagmamahal na iniukol sa kanya ni Richard. Pero sad to say, walang comment na nakuha ang press sa actress dahil tumakas nga ito at tila hanggang ngayon, hindi pa rin ito nakatatakas sa anino ng nangyaring sex video controversy nila ni Hayden Kho. Samantalang matapang namang sinasagot ng mister niya ang anumang katanungang may kaugnayan dito.

Maricar-ReyesWell, kahit hindi nakausap ng press si Maricar, hindi maitatwa ng mga dumalo na super seksi at super ganda pa rin ng actress kahit na wala itong make-up.

Sang-ayon kami sa sinabi ni Richard sa backstage ng Solaire Hotel nang makausap ng ilang press na masuwerte siya dahil siya ang napiling pakasalan ng isang Maricar Reyes.

Would you believe na kapag hindi nakita at nakasama ni Richard ng kahit tatlong araw dahil may taping si Maricar ay hindi na raw mapalagay ang sikat na singer/husband ng actress.

 

FIRST TIME naming nakausap nang masinsinan ang dalagang anak ni Willie Revillame at ayon kay Meryll Soriano, ‘di pa rin sila nag-uusap mag-ama dahil sa ‘di pagkakasundo na manatili na lang sa ‘Pinas si Meryll at tumigil na sa pag-aaral sa London.

Gusto kasi ni Willie na si Meryll na ang mag-asikaso ng mga business ng sikat na TV host na ‘di sinunod ng anak dahil gusto nitong makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili at sa kanyang nag-iisang anak na si Elijah na 6 years old na ngayon.

Dapat ay isang taon na lang, magtatapos na si Meryll ng kursong Industrial Design sa London, pero nahinto siya nang isang taon nang magbakasyon ng ‘Pinas.

Pero ‘di naman nasayang ang isang taong pagtigil sa pag-aaral dahil nakagawa siya ng indie film na Sapi na idinirek ni Brillante Mendoza.

Ask kung mawawala rin ba ang tampuhan nilang mag-ama? Kaagad na sagot ni Meryll, “Naku! Tampuhang kulangot lang ‘yun.”

Hindi rin naniniwala si Meryll na titigil na sa pagbibigay-kasiyahan ang kanyang ama na si Willie sa televiewers. “Kilala ko ang tatay ko. Hindi titigil ‘yan sa pagbibigay-kasiyahan sa kapwa. Gagawa at gagawa ‘yan ng paraan para makapagpasaya uli,” say ni Meryll.

Tungkol naman sa lovelife? Okey at masaya naman daw si Meryll. Katunayan ay isang Italian ang boyfriend niya ngayon na classmate niya sa London. Pero noong una raw ay pinagdudahan niya ang gender ng boyfriend. “Akala ko noong una ay bakla! Natatawang pahayag ni Meryll. “Kasi naman pormang-porma kapag lumalabas kami. ‘Di ba kasi sa atin dito, kapag todo-porma at malinis na malinis ang porma ay bakla. Kapag lalaki kasi, ‘di ba magaslaw, bruko at ‘di pormadong-pormado manamit. Nakalimutan ko nga pala, nasa London ako at wala sa ‘Pinas,” natatawang say pa ni Meryll.

When ask kung sigurado ba siyang lalaki nga ang Italian boyfriend? “Siguradong-sigurado ako.”

Sabi pa ni Meryll, pagkatapos niya ng pag-aaral, lahat ng gusto ng tatay niya ay susundin at tutuparin na niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Maricar Reyes, tinakasan ang press

  1. ano ba ‘tong mga reporter na ‘to mahilig sa sex scandal hahahaha! bakit hindi na lang kayo ang gumawa ng sarili nyong scandal? hahahahahaha

  2. At ano naman ba ang gusto niyong itanong mga taga media? Sex scandal ulit? leave her alone. Pag may sinabi ang tao sa media may violent reaction kayo, pag wala naman o di kaya umiwas sa inyo, mas masamang reaction din kayo. I think she made the right decision here.

    • korek,,,,past is past na yan,,,,nanahimik na yung ale,,,,may asawa na nga,,,,bigyan na ng tuldok ang usaping yan,,,patahimikan na si maricar sa isyung yan,,,,

      • Ngayon lang kita napuri kristd sa comment mo. Alam ko kasi na basta talent ng Dos ay tinitira mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.