Maricar Reyes, palihim na sumusuporta kay Katrina Halili?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MARAMI ang naloka nang mawala sa telebisyon nang biglaan ang pang-umagang show nina Vhong Navarro at Anne Curtis, dahil sa medyo hindi magandang komento ng isang hurado. Naku, ha?! Ayaw ko nang banggitin ang namesung ng hurado na iyon, ‘no!

Pero nakatataba ng puso ang ginagawa nina Vhong at Anne, hindi lang sa akin. Dahil bukod sa marami silang napapasayang manonood sa pamamagitan ng kanilang programa, nagagawa pa ng mga kababayan na natin na ipakita sa buong mundo ang kanilang talento.

Siyempre, sobrang nakatataba ng puso ang pagbati sa akin palagi ni Vhong sa Showtime, dahil hindi niya pala ako nakalilimutan. Kung maaalala ng lahat, si Vhong ang gumanap na Tita Swarding sa aking life story sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Kaya ganu’n na lang ang palaging pagbanggit sa akin ng magaling na dancer-actor. Kahit paano, hindi niya nakalilimutan ang isang Tita Swarding. Kaya love ko si Vhong. Hahaha!

At hindi lang ‘yan, dahil ang Showtime ang nakapagpataob sa tibay ng programa ng kabilang istasyon, ang SiS nina Carmina Villaroel, Janice de Belen at kapatid nitong si Gellie de Belen. Marami nang itinapat na programa rito, ngunit hindi man lang naungos kahit isang numero sa SiS. Mula pa nga sa Kris & Korina, nasundan pa ng Boy & Kris na natsugi rin at pinalitan ng Ruffa & Ai, ngunit hindi natibag ang SiS. Ngunit nang umere ang Showtime, goodbye SiS! Kaloka, huh!

Malaking aabangan, dahil nagpapahiwatig na magiging hurado raw ang beauty ko sa Showtime. Hmm… bonggacious, huh! At malaking aabangan din ng lahat dahil may bago raw ipasasabog ang Showtime nina Vhong at Anne! Ano kaya ito?

Hmm… ano naman kaya ang ipangtatapat ng kabilang istasyon. Kalerke, huh! ‘Yun na!

PINUTAKTI ANG AKING e-mail sa dami ng nagpadala ng sulat dahil sa naisulat ko rito noong nakaraang linggo, tungkol sa asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.

Hindi lang pala isang beses diumano nagkikita ang guwapong actor-model na si Derek Ramsay at Jinkee, dahil nasundan pa raw ito. ‘Yan ang ibinulong sa akin ng aking Friday girl. O, ‘di ba? Meron akong Friday girl at meron din akong parazzi girl! Hahaha! Kaloka!

Noon pa man daw ay gusto na nga raw ni Jinkee ang bf ni Angelica Panganiban, at idol nga raw ni Jinkee ang actor. Hindi lang daw nagkikita ang dalawa, dahil pati rin daw sa text ay may kumustahan eklat pa diumano, huh!

Naloka ako sa aking Friday girl, huh! Alam kaya ito ni Manny Pacquiao, at ni Angelica?

Dagdag pa, ‘pag minsan daw, lumuluwas si Jinkee sa Manila nang hindi alam ng asawa nito. Kung sa bagay, may bahay sila rito sa Manila, at dito rin yata nag-aaral ang mga anak nila, ‘no?! Hehehe!

Ang isa pang ikinaloka ko, sa boutique daw ni Jinkee, pinag-iisipan nitong si Derek ang kunin niyang modelo, at hindi ang asawang si Manny.

Ngunit may nakapagsabi raw na dapat ang asawa nito ang maging modelo dahil halos mga gamit at mukha ni Manny ang makikita roon.

Naku, ha, Jinkee?! How true ang mga chikkang ito. Hmm… ‘yun na!

HINDI PALA NAG-IISA sa kanyang laban ang sexy-actress na si Katrina Halili. Bukod sa suportado siya ng dati nitong boyfriend na si Kris Lawrence laban sa ex-beauty doctor na si Hayden Kho, palihim palang sumusuporta ang isa ring biktima ni Hayden na si Maricar Reyes.

Ito ang nakarating sa beauty ko, dahil ayaw raw na ipagsigawan ni Maricar sa lahat na suportado niya si Katrina, at ayaw raw niyang pagpiyestahan siya ng lahat.

Dahil nga noon pa man, hindi siya nagsalita sa isyung kinasangkutan niya noon.

Alam daw ito ng sexy-actress dahil hindi lang sila minsan kung mag-text, at kung anuman daw ang laban  ni Katrina, suportado siya ni Maricar dahil laban din daw niya ito. Kaloka, ha?! ‘Yan ang ibinulong ng aking parazzi girl. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Maricar Reyes, palihim na sumusuporta kay Katrina Halili?! – Tita Swarding

  1. Aabanga kitang mag judge sa Showtime tita Swarding. But be nice ok? Wag mo na gayahin yun ibang mean spirited na naging judges doon, hehe… love u po! God bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published.