Maricar Reyes, malakas na ang loob na lumantad!

OLA CHIKA! MARAMING tao talaga ang nag-aabang at gustong malaman kung sino itong si Maricar Reyes. Hindi nga kasi ganoong sikat, at nakilala lang at uminit ang pangalan nang maugnay sa isang malaking eskandalo na kinasasangkutan niya at ng celebrity doctor na si Hayden Kho.

Marami ang nakisimpatiya sa mga babaeng nadamay sa eskandalo, lalo na nga kay Katrina Halili. Samantalang itong si Maricar, never itong nagpakita at kahit ni isang interview, wala itong pinaunlakan. May sumulpot pa ngang balita na nasa Amerika na ito. At mukha namang totoo, na para bang nagpalamig siya roon pansamantala, huh!

Ngunit laking gulat ng mga tao nang makita ito sa telebisyon, kung saan malaki pa ang pangalan na ipinagsisigawan. Kelerke, ha?!

Marami ang nag-iisip na nu’ng pumutok ang eskandalo, ikalulugmok na iyon ng career ni Maricar, pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo lang nga kasing umingay ang kanyang pangalan at nagka-raket pa. Nakakaloka, ha?!

Ngayon nga, aabangan na rin ito ng mga tao, dahil guest rin pala ito sa Primetime Bida ng ABS-CBN na May Bukas Pa. Nakakaloka, ha?! Ayaw ni Bro ng ganyan. Hahaha! Kung hindi ako nagkakamali, gaganap itong baliw.

Naku, taas-noo pa at pikit mata na lang si Maricar sa isyung kanyang kinasasangkutan. Ang lakas ng loob mo, ‘Day! ‘Yun na!

NAKAKALOKA, HA?! IMBIYERNA raw. ‘Yan ang nakarating sa aking chika mula sa aking Parazzi girl. Hindi pa rin daw pala humupa ang galit ng madir ni Ruffa at Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa editor ng isang magazine. Hmm… kahit nagsampa ng kaso ang kampo ni Richard laban sa nasabing editor, tila hindi pa rin kuntento itong si Bisaya. Kaloka, ha?!

Kaya nang may naglabasang chika na hindi raw nakasali ang mga anak nito sa isang award na ibinigay ng magazine, rumesbak ang madir nina Ruffa at Richard, na hindi nga raw credible ang award na ipinamimigay. Dahil mas bongga nga ang award na nakuha ng mga anak niya, kaysa sa isang ek-ek lamang daw na award. May ganu’?!

‘Yan ang nakarating sa akin. Hindi ko pa nakakausap ang pamilya Gutierrez, at ang mismong ina na si Annabelle. Naku, parang manok pa naman ‘yang si Annabelle kung pumutak. Hahaha!

Isa pa, kaya hindi siya bilib sa award-award na ‘yan, eh, dahil sa mas naniniwala siya sa rating-rating. Nakakaloka, ha?! Dahil si Richard pa rin daw ang no.1 sa primetime.

In fairness naman, ngiti pa lang ni Richard, ulam na! hahaha! Nakakaloka! Kung akala ng lahat, okey na ang relasyon ni Annabelle at ng editor ng isang magazine, naku nagkakamali kayo! Dahil malaking hindi pa. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Maricar Reyes, malakas na ang loob na lumantad!

  1. Pingback: Maricar Reyes Showbiz News : Maricar Reyes

  2. tong swarding na to – pangit na nga, pangit pa ugali!.sobrang judgemental, akala mo kung sino! sino ba sya kung di isang linta na naninira sa ibang tao para magkapera. makakarma ka rin, and when its ur turn – big time karma yan im sure!

  3. napaka judgmental mo naman tita swarding…wag kang ganayan…mas di yan type ni bro…. everybody deserves a second chance…. wala naman cgurong kasalanan si maricar if she has done it in the name of love…ikaw ba wala ring nagawang mali dahil sa pag-ibig…. u must look at urself first kung talagang malinis ka nga bago ka manghusga ng tao…buti nga at may mga taong hindi makitid ag utak na nagbibigay ng chance sa mga biktimang katulad ni maricar…. check ur fingers, u might be pointing back to urself ang mga inimply mo…
    god bless u

  4. ang pangit mo swarding..nkakalito yung artclemo dapat sayo matigok…mg ala michael jackson ka na rin..chucky!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.