Maricar Reyes, lalantad na?!

AND SPEAKING OF sex video scandal ni Hayden, may follow-up report kami regarding sa naisulat namin na nasa Pilipinas pa si Maricar Reyes. Si Maricar ang isa sa mga babaeng nakasama ni Hayden sa kanyang sex videos.

Ayon sa aming source, halos buto’t balat na lang daw ngayon si Maricar sa sobrang depression na umatake sa kanya dahil sa paglabas ng sex video  nila ni Hayden. Kung nakita ng marami si Maricar na payat, ngayon daw, ten times ang ipinayat nito.

Malalim na pinag-iisipan daw ngayon ni Maricar kung lalantad siya o tuluyan nang magtatago sa publiko sa kahihiyang inabot niya. Payo naman sa kanya ng naming source, kapag lumantad siya ngayon at binigay ang kanyang pahayag, after two to three months hindi na siya pag-iinteresan ng publiko. But if she plans to continue na mag-hybernate, she may live miserable all her life.

Kaya abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng final decision ni Maricar.

SUCCESSFUL ANG 1st Wowowee All-Star Olympics sa Araneta Coliseum nu’ng Sabado. Mahigit 13,000 ang mga nanood at umabot sa P763,400 ang ticket sales. Plano ng host ng Wowowee at may pakana ng  palaro na si Willie Revillame na i-donate ang kinita sa Wowoweelympics.

Dinagsa rin ng mga artista ang naturang event mula sa volleyball game hanggang sa main event na basketball. Winner sa volleyball ang Wowowee girls na binubuo ng mga dancers with Valerie Concepcion and RR Herrera. Kalaban nila ang girls naman ng Star Magic headed by Kim Chui and Angelica Panganiban.

Nalula naman ang mga manonood sa dami ng nagguguwapuhan at mahuhusay na basketball player ang Star Magic, huh! Mahusay maglaro si Gerald Anderson at si Zanjoe Marudo. May pagkabuwaya nga lang si Gerald sa loob ng court, pero malaking bagay siya sa team.

Grabe naman ang paghiyaw, pagtalon at pagpalakpak ni Mariel Rodriguez sa tuwing makaka-shoot ang boyfriend niyang si Zanjoe. Si Mariel din ang nagsilbing official photographer ni Zanjoe that night gamit ang camera na iniregalo niya sa kanyang boyfriend.

Naglaro para sa Star Magic ang star ng Only You na si Diether Ocampo, kasama sina Matt Evans, Jason Abalos,  Xian Lim, Jose Zarasola at Angelo Patrimonio na itinapat  sa kanyang ama na si Alvin Patrimonio na nasa Wowowee team. In fairness, one point lang ang lamang ng nanalong team nina Willie sa Star Magic.

All-out naman ang support ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano kasama ang kanilang mga anak sa Big Dome. Hindi naman namin nakita si John Estrada na naglaro last Saturday. Pero nakita pa namin si John nu’ng praktis last Tuesday. Isa marahil si John sa mga punong-abala sa pag-aasikaso sa burol ng kanyang manager at ama sa showbiz na si Douglas Quijano.

Nagbigay-suporta naman ang controversial star ngayon na si Bea Alonzo sa kanyang Star Magic family. Pagdating pa lang ni Bea sa Big Dome, binati na niya kami at nagpasalamat sa mga inilabas naming intebryu niya tungkol sa pagkakadawit niya sa sex video scandal ni Hayden Kho.

“Dahil doon na-clear ‘yung side ko,” sabi ni Bea sa amin.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Previous articleCharacter actor, tagasalo ng binubugaw na bagets actor na umaatras sa booking!
Next articlePaalam, Douglas Quijano!

No posts to display