Maricar Reyes flies to US after sex video scandal

DR. HAYDEN KHO, masdan mo ang ginawa mo at ng mga sex videos mo!

Ang impormasyong lumutang, umalis na ng bansa si Maricar Reyes, sa sobrang eskandalo at kahihiyan daw ng pamilya ng dalaga. Paglabas na paglabas pa lang ng mga sex videos na pinagbibidahan ni Dr. Hayden, lumipad na agad sila papuntang Amerika.

Hindi kinaya ng pamilya ni Maricar ang pagkakabuyangyang ng katawan ng dalaga sa sex videos nila ni Dr. Hayden. Hindi lang naman kasi ang hubad-hubad na katawan ni Maricar ang ipinakikita sa video na tumagal nang apatnapung minuto, ipinakita rin du’n ang mainit nilang pagtatalik ng doktor kung saan tampok ang pagiging “hinete” ni Maricar.

Sa tantiya nga namin, sadyang ginawa ng doktor na ito ang magmistulang tagatanggap lang ng mga aksiyon ni Maricar. Mula sa umpisa kasi ng video hanggang sa malapit nang matapos ay isang tamad na kabayo ang kahalintulad ni Dr. Hayden.

Si Maricar talaga ang napakasipag na hinete sa sex video. Grabe ang kanyang pagtatrabaho, tagatanggap lang ang makasaysayang doctor.

Nu’ng bandang huli na lang sinipag ang kabayo, siguro’y napansin nito na pagod na pagod na ang hinete. Kaya bilang premyo sa magandang performance, nakipagsabayan na sa aksiyon ang doktor.

Sa lahat ng sex video na pinagbibigahan ng doktor, ang sa kanila ni Maricar ang pinakamalinaw, nagbukas pa kasi ng lampshade si Dr. Hayden bago nagsimula ang kanilang pagtatalik, talagang inayos ng doktor pati ang tamang lighting sa kanyang kuwarto.

KUNG NAGULANTANG ANG ating mga kababayan nu’ng mapanood nila ang sex video nina Maricar at Dr. Hayden Kho, pagkawindang naman ang naramdaman ng mga taga-showbiz.

Ilang artistang nakatrabaho ni Maricar sa I Love Betty La Fea ang nakausap namin. Bukod sa panlalaki ng mga mata, malalakas na pag-iling ang napansin namin sa kanilang reaksiyon.

Isa lang ang kanilang emosyon, napakababoy naman ng nag-record ng naturang sex video, bakit daw kailangang kunan pa ang dapat sana’y lihim nilang pagtatalik sa apat na sulok ng kuwarto ng doktor?

Pero may isang nagkomento sa amin, “Alam mo, nagimbal ako nu’ng mapanood ko ang sex video, gimbal na gimbal ako sa napanood ko, dahil kung titingnan mo lang si Maricar, parang ang layo niya du’n sa babae sa video!

“Parang hindi siya ‘yun, parang hindi niya kayang gawin ‘yun, parang hindi ganu’n ang image niyang nakatatak sa utak ko. Grabe ang napanood ko, parang siya pa ang lalaki, parang siya pa ang nagtrabaho talaga nang husto, nagimbal talaga ako!” Sabi ng aming kausap.

Ganu’n din ang komento ng mga production staff na nakakilala kay Maricar. Gulantang na gulantang din ang mga ito, hindi raw kasi nila akalain na kayang-kaya palang gawin ng magandang dalaga ang ganu’n.

Nakikisimpatya ang marami sa sinapit ni Maricar, sayang lang dahil hindi kasinglakas ng loob ni Katrina Halili ang dalaga. Kaya sa halip na lumabas para kundenahin ang ginawa ng doktor, nagpakalayu-layo na lang siya at ang kanyang pamilya.

SA ISANG UMPUKAN sa showbiz, natutukan ang mga kaganapan sa klinika ni Dra. Vicki Belo. May himig ng katotohanan ang komento ng ilang kasama, kung babalikan nga naman natin ang nakaraan. Bakit palaging sa klinika ng doktorang ito nagaganap ang maraming milagro?

‘Yung isyu kina James Yap at Hope Centeno, kaladkad du’n ang klinika ng doktora. Du’n sa binanggit ni Manay Lolit Solis na pagkamatay ng isang pasyenteng nagpa-liposuction, damay na naman ang klinika ni Dra. Belo.

Heto na naman ang isyu ng mga sex videos ng doktor, damay na naman si Dra. Vicki, mukhang malapit talaga sa indulto ang klinika ng doktorang ito?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Previous articleMinor’s case on Aljur Abrenica, questioned
Next articleSex video ng sexy star with Hayden, napanood na ng tsikboy na mambabatas!

No posts to display