Marian’s Will on the Catwalk

Sina Will Devaugn at Marian Rivera ang endorsers ng Jag Jeans dito sa Pilipinas. Matatandaang nakuha ni Will ang endorsement sa nasabing clothing line ng piliin siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season II. Naging kontrobersyal naman ang pagpirma ni Marian bilang endorser dahil ang pinalitan nito ay si Angel Locsin, ang kanyang karibal sa kasikatan.

Inilunsad ang mga print ad at billboards nina Will at Marian noong nakaraang taon. Tila magkasundo rin ang dalawa dahil nagsama na rin sila sa Desperadas 1 & 2 bilang mag-asawa. Madami rin ang nagsasabing may chemistry sila both onscreen and on pictures. Bonggacious!

Inirampa ng dalawang bituin ang mga bagong disenyo ng Jag Jeans sa kakatapos lang na Philippine Fashion Week kasama ang iba pang nagseseksihang mga modelo. Enjoy na enjoy naman ang ating parazzi photographer sa kakaclick habang rampa ng rampa ang dalawang hotties natin. Kung wala lang Dingdong si Marian at Riza si Will, mukhang may pag-asa din ang dalawang ito. Yun na!

Premiere Shots
by Mica Rodriguez, Photos By Mark Atienza

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.