Marian Rivera will wear two-piece for new teleserye similar to Darna?

WILLING MAGING PARTY-MATE ni OMB Chairman Edu Manzano si Senator Bong Revilla kung sakaling tatakbo siya sa eleksiyon.

Malayu-layo pa naman ang May 2010 at so far, puro baka-sakali pa lang ang lahat ng interesado. Si Chairman, wala pa ring plano sa pagtakbo pero inamin niyang may natatangap siyang imbitasyon to run. Nakaka-flatter pa siyempre na sa random list of names na puwedeng maging senatoriable, inilabas recently ng isang survey company, ang Pulse Asia, nag number seven ang pangalan ng host ng Pilipinas Game KNB. To think na random ito ha? Walang naglagay ng pangalan niya.

Open naman si Chairman to talk about it pero not just yet kasi nga wala pa namang ganoong plano. May hawak pa siyang departamento, ang Optical Media Board nga plus his hosting shows sa ABS, ang Umagang Kay Ganda at Pilipinas Game KNB, his source of income. Pero we asked a theoretical question sa ama ni Luis Manzano, just in case na magkasama sila ni Senator Bong, ang former OMB chair na kung ilang beses na rin niyang nakasagutan in the past, is he willing? Isa lang ang sagot ni Chairman, as long as they have the same platform.

Politics invite strange bedfellow talaga promise.

HINDI ‘DARNA’ ANG titulo ng next project ni Marian Rivera.

Last two weeks na lang ang itatakbo ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian at Dingdong Dantes sa Telebabad.

Pagkatapos nito, paghihiwalayin na ang tambalang sumikat sa Marimar at Dyesebel, dahil magkaiba na ang magiging shows nila. Si Marian, nakausap namin, nasabi na raw sa kanyang manager ang magiging next soap niya at kung pagsasama-samahin daw ang tatlo niyang naunang primetime soaps, kasingbigat lang ito ng kanyang upcoming show.

Marami na ang nag-iisip na baka Darna na ang ialok kay Marian. Nagbago na rin kasi ang ihip ng hangin. Kung dati, tinatanggihan niya ito, ngayon okay na sa kanya. In fact, sa next soap niya, magtu-two piece siya kahit pambata ito. Does it mean Darna na nga? Kami na ang nagsasabi it won’t be Darna. Basta balikan n’yo kami once it’s announced, walang mali sa sinulat namin. Hindi rin Captain Barbell Meets Darna, ha? But yes we always like to play with words.

Basta one word lang din ang titulo nito, pero hindi nga Darna.

PATI PALA SA pagpu-produce ng magkasunod na awards-night, magkalaban pa rin sina Jobert Sucaldito at Rose Flaminiano.

Life is indeed a series of coincidence. Tuloy na sa korte ang giyera nina Jobert at Mrs. Flaminiano regarding Gabby Concepcion, so hindi na ito puwedeng pagusapan pa. Ang puwede naming pag-usapan, ang pagiging producers nilang dalawa sa awards night ng competing entertainment writers guild. Jobert and his Front Desk Entertainment Productions will produce the 6th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) this April 30 sa Metro Bar sa West Avenue. Masipag si Jobert. Tambak na agad ng sponsors ang awards night ng Enpress.

Si Rose naman ang producer ng PMPC Star Awards, just FYI.

Merese
by Dinno Erece

Previous articleAnabelle Rama, stopping JC de Vera from being successful like her son?
Next articleJolo Revilla threatens Lovi Poe’s guy friends?

No posts to display