Marian Rivera, Will Not Survive The Desert!

KASADUNG-KASADO NA ANG Regal at GMA Films sa pagsisimula ng Temptation Island. Nagkaroon na sila ng story conference nung Martes at dumalo sina Ma-rian Rivera, Lovi Poe at Heart Evangelista.Wala lang sina Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto, pero nandoon din si John Lapus at ang lea-ding men nila na sina Aljur Abrenica, Joem Bascon at Tom Rodriguez.

Nakiusap na ang line producer nila na sana ay maging cooperative ang lahat ng mga artistang involved dahil kailangang matapos nila ang ilang araw na shooting sa isang disyerto sa Ilocos Sur.

Si Marian ang naloloka dahil straight na anim na araw sila sa Ilocos. Doon pala talaga sila mag-i-stay na wala pang signal ng cellphone. Kaya gusto sana ni Marian na mabawasan ang araw ng shooting at babalik na lang doon pagkatapos niyang gawin ang iba pa niyang tatapusin dito sa Maynila.

May regular taping pa si Ma-rian sa Show Me Da Manny at Amaya. Nagsimula na rin siya sa Panday 2 ni Sen. Bong Revilla, kaya hindi na raw niya alam kung paano niya ‘yon mapagkakasya sa sche-dule niya.

Basta bago mag-Holy week at kailangan bumalik na raw siya rito sa Maynila, wala naman daw trabaho sa linggong ‘yan. Bale ‘yon na ang bakasyon ni Marian at bonding na rin nila ni Dingdong Dantes.

Ayaw pang sabihin ni Dingdong kung ano ang plano nila ni Marian sa Holy Week, kung maaga raw pinaplano, hindi natutuloy. Kapag malapit na raw ay saka nila pag-uusapan ni Marian.

Naikuwento rin pala ni Marian na nag-enjoy siya sa first shooting niya sa Panday, nakaeksena na raw niya si Bong. Tuwang-tuwa raw siya dahil talagang alagang-alaga siya ng action star, at halos lahat naman daw na kasama niya sa pelikula ay katrabaho rin niya sa Amaya, kaya at home na at home kaagad siya sa set.

MALAMANG AY TULOY na rin ang project na pagsasamahan nina Dingdong at Kris Aquino. Nag-meeting na sila nu’ng kamakalawa, at so far, okay na raw ang napag-usapan nila. Hindi lang nila masasabi kung kailan sila magsisimula dahil pag-uusapan pa ang concept.

Tingin ko diyan, gagawin din nila ‘yang entry sa Metro Manila Film Festival. Okay lang naman daw kay Marian kung sakaling magtapat sila ni Dingdong sa filmfest. Mas masaya raw ‘yon.

Excited sa project nilang ito ni Kris dahil first venture rin niya ito sa pagpu-produce ng pelikula. Tingin ko horror film ‘yang gagawin nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Marian Rivera, Will Not Survive The Desert!

  1. mahadera: isa kng number one haters pero wala kang ginawa kundi subaybayan si marian ha ha ha ha ikaw ang pathetic at ang idol mong c heartless…talunan ka mahadera..

  2. yeah..im proud of my nick@solid-marian!how bout u?ur nick only shows how pathetic you are..harharhar!well, probably i dont know her, and ikw kilala mo din ba sya…ipagpptayo k b nya ng mansion kung mgkandalabas lbas tonsil mo at ngala ngala sa kakatanggol sa knya….poor solid marian…tsk!tsk!tsk!kulang na lang hugasan mo pwet nya..hahaha!wala k nmang mapapala….kawawa k nmn!kung ako sau asikasuhin mo sarili mo at maligo ka kaseh, yikes..ang baho mo :)hakhakhak!

  3. Mahadera bagay na bagay sayo name mo!…..Kaya pala ganyan din ugali mo kasi kayong mga nega pare-parehas lang!….Ni hindi mo nga sya kilala tapos ganyan ka kung makapang husga! Masyado kasing puno ng inggit ang katawan mo kaya ka nagkakaganyan!

  4. ba naman bakit ang daming tinanggap na trabaho kong halos wala na palng oras,pangit ang kalalabasan nito kong minamadali kc busy ang ibang artista,hay,

  5. masydo ka nmng apffected solid-marian…kya pla kc prehas kau ng ugali ng idol mo..hahahha!wla lang!i dont like marian though i know she will not like me either,hahahha kaseh nmn ang sama ng ugali nya…tamang tama din sa knya ang saying na “what is beauty if your brain is empty and “hndi bale ng panget bsta mgnda ang ugali dahil my belo na”herherherher!i will go for Karyle pa din, a decent and a smart lady, talented pa!hakhakhak!

  6. ceh: Wa ka pala paki eh! Bakit nag-aksaya ka pa ng oras para basahin at mag comment dito?!…….Pakipot ka pa teh!

  7. what?! 1 week silang magi-stay sa isang lugar na walang signal ang cellphone?! Mukhang tamang tama nga ang title ng article…Hinding hindi talaga makaka survive si Marian dahil hindi nya kaya na hindi matawagan o makausap si Daddy! :D:D:D

Leave a Reply

Your email address will not be published.