Marian Rivera, walang hatak sa TV viewers ang morning show

Marian Rivera

Marian Rivera

Pag-aaksaya lang yata ng kuryente ang panonood sa morning show ni Marian Something.

Why?

It is because kahit na anong gawing pakulo ng show ay butata pa rin sila sa rating. Kung noong isang linggo ay naka-8% sila, aba, parang spaghetting pababa nang pababa ang rating nila dahil naka-6.9% na lang ito.

Talagang palaos na si Marian. Wala na siyang appeal. Ni hindi nakatulong ang mga guests niya para mapalakas ang show. Kasi naman, puro starlets lang ang karaniwang bisita niya sa show.

What do you expect, eh, home of starletitas naman ang GMA-7, the number two network in the country.

 

WALANG DUDA na ang “Magandang Buhay” ang pinag-uusapan at kinagigiliwang morning show sa Philippine television ngayon. Barely 2 months sa ere, marami nang celebrity guests ang napanood sa nasabing morning show. Bukod sa araw-araw na nagti-trend, bawat episode ay nagtatala ng mataas na rating.

Ilan sa pinag-usapang episode ng “Magandang Buhay” ay ang episode kung saan first time na napanood si KC Concepcion kasama ang mga kapatid na sina Miel, Frankie and Miguel. Nakita sa nasabing episode ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng kanyang mga kapatid.

Sa Magandang Buhay din unang napanood sina Billy Crawford at Coleen Garcia na nagkwento ng kanilang love story at mga plano nila. Dito rin nagsimula ang kinakikiligang love team na KarJo nina Karla Estrada at daddy ni Coleen na si Jose na nauwi sa isang movie date.

Mataas din ang naitalang rating ng episode nina Senator Sonny Angara at bagong Senator Joel Villanueva kasama ang kani-kanilang pamilya. Dito naman sa nasabing episode nabuo ang KarWin loveteam nina Karla Estrada at Win Gatchalian.

First time din na nakita ng tao ang guwapong binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny. Marami ang  nagsabi na isang potential star itong si Donny. Nag-top trending sa Twitter ang nasabing episode na yon.

Kapansin-pansin ang kakaibang giliw at sigla ng mga momshies/hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal. Kita-kita ang enjoyment nila bilang hosts ng programa.

“Nakatutuwa lang ‘ yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil ‘yung other side nila e nakita ng tao,” sabi ni Jolina Magdangal.

Next week ay papasok na ang Magandang Buhay sa kanilang 2nd monthsary. Isang pasabog at exciting na line up of guests and topics ang nakahanda sa viewers ng number one morning show ngayon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Marian Rivera, walang hatak sa TV viewers ang morning show

  1. hahaha!! kahit kailan basura ka talga alex brosas….napag aksayahan mo nang panahon n banggitin ang ratings ng YAM pero ang Mapait n buhay n walang wenta nde mo binanggit bagkus nilagay mo lng ng trending palagai….tama trending sya parati dahil s mga pindot agents ng brand x mo bakla hahaha!! pero ang ratings ayun tinalo pa ng cartoons at nag mamakaawa n 4-5 percent lng parati baklang bayaran hahahahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.