Marian Rivera, wala nang bago sa istilo ng pag-arte

HINDI NAMAN nagpapaapekto si Marian Rivera sa parang hate campaign na naglalabasan tungkol sa kanya sa tuwing magtatapos ang taon, dahil lagi siyang inookray na papatapos na raw ang kanyang kasikatan.

Dahil sa totoo lang naman, hawak pa rin ng alaga ni Popoy Caritativo ang korona bilang reyna ng GMA-7, dahil pinagtitiwalaan pa rin siya ng Siyete. Kung popularity kasi ang pag-uusapan, siya lang ang pupuwedeng ipantapat ng Kapuso Network sa kasikatan ng mga artistang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Pero dapat ding pag-isipan ng kampo ni Marian ang mga pang-ookray sa kanya. Una, pansinin n’yo ang acting ability ni Marian, dahil huminto na ang kanyang improvement. Ang huling ginawa niya na magaling siya ay ang teleseryeng Amaya dahil maganda ang project at bumagay sa kanya ang role niya roon. Pero rito sa Temptation Of Wife, wala nang bago sa istilo ng acting niya. Pero mararamdaman mo, na may ibibigay pang lalim si Marian sa atake ng kanyang pag-arte.

Sa personal man o sa rehistro ni Marian sa telebisyon at pelikula, bukod sa seksi ay napakaganda ng kanyang mukha.  Sumugal ang GMA na mapasikat si Marian, at big star na siya, kaya hindi siya puwedeng basta bitiwan ng Siyete kung hindi na masyadong nagre-rate ang kanyang teleserye o hindi masyadong pumapatok sa takilya ang kanyang mga pelikula.

Minsan lang talaga, may lamlam sa kasikatan ng isang artista. Pero ang panalo si Marian na alam niya, ay ang dami-dami talaga niyang fans na wala sa ibang artista ng Kapuso network, kaya siya pa rin talaga ang reyna roon.

 

CONSISTENT NAMAN na mabait si Daniel Padilla sa pag-uugali, dahil marunong siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali. Kahit ang bagets actor ay nalulungkot din sa nangyayari ngayon, na lumaki na talaga ang tungkol sa isyu ng pagtataray ni Jed Madela dahil lang sa hindi sinasadyang naging kapabayaan nila ni Kathryn Bernardo sa kanilang basura. Hindi pasaway si Daniel, dahil ang naisipan nga niya ay mag-sorry kay Jed.

Bilang nakatatanda ay nasa katuwiran din naman talaga si Jed kung punahin niya ang mga bagay-bagay na hindi kanais-nais sa kanyang paligid kung hindi niya iyon nakasanayan. Bilang kabataan naman, marahil ay alam din ni Daniel na ang mga katulad niya ay mayroon din talagang mga puwedeng makalimutan nang hindi niya sinasadya. Nangyari man iyon, napunta lahat ang simpatiya ng mga tao kay Daniel, dahil nagmistula siyang bata na pinagalitan ng nakatatanda.

Kaawa-awa si Jed, dahil kahit mabait siyang tao ay hindi siya ‘yung tipo ng personalidad sa showbiz na friendly talaga ang dating. Nakalalamang si Daniel, dahil ang kampo niya, lalo na ang mommy niya na si Karla Estrada ay mapakisama sa showbiz, ganu’n din ang mga tiyuhin ni DJ na sina Robin Padilla at ang dating Rustom Padilla. Sinesentruhan na kasing kuwestiyunin ulit si Jed tungkol sa kanyang gender ngayong nagkaroon sila ng gap ni Daniel.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Marian Rivera, wala nang bago sa istilo ng pag-arte

  1. hahahaha, dinala ni marian kamalasan nya sa laban ni pacman, nung man0od cla nung laban ke bradley natalo c pacman, nit0ng kay marquez nan0od ulit, talo nanaman! wahahahahahahahahaha!! grabe sa malas!

    • talaga laos na siya, bakit may dalawa siyang shows ngayon, na humahataw sa rating, bakit may mga naka hilerang pictorial sa magazine at may mga gagawing movies next year, laos ba yun, kalaka ka naman, mahirap talaga ang sikat, binabato palagi ng mga taong ingit, balik yan  sa idol mo, yak yak yak

  2. Laos na si marian,hindi xa karapat dapat na tawaging primetime queen kasi mga shows nya puro flop,.mas karapatdapat si heart sa totoo lang.

  3. hindi pa sila tapos kumain at nagkataon na tinawag sila sa stage para sa rehearsal kaya hindi pa nila nililigpit yun at babalikan pa sana kaso lang ang baklitang mahilig magsuot ng daster na polka dots na post na pala sa instagram NAGKATAON PA NA FOLLOWER NYA SI DJ KAYA NAKITA NYA AGAD.

  4. BAKLA NMN TLGA C JED MADILA! MAGTARAY BA NMN AT I-POST AGAD UN PIX N KINUHA NYA PARA SIRAAN C DJ AT KATH???? BAKLAUSH KA JED TARUSH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.