Marian Rivera, tuluy-tuloy ang endorsements kahit buntis

Marian-RiveraKAPAG MAY Heart, siyempre itsika ko na rin si Marian Rivera na tuluy-tuloy pa rin ang endorsement kahit buntis na buntis.

Nu’ng nakaraang linggo lang ay nagpa-presscon ang Mario D’ Boro na sapatos para i-launch na siya ang bagong endorser.

Kahit buntis na hindi puwedeng mag-heels, talagang pinag-endorse pa rin si Marian, ha!

Kahapon naman renewal ng matagal na niyang endorsement na Maxi Peel.

Siyempre, ang ganda-ganda naman niya ngayon. Kaya kahit dyontis ever, endorse pa rin ng Maxi Peel.

Sabi naman ni Marian, malaking bagay sa kanya itong pagbubuntis dahil marami raw siyang na-realize.

Sabi niya, “Sinabi ko sa sarili ko na nagpapasalamat ako sa Panginoon na malaki ang respeto at pagmamahal ko sa Mama ko. Ngayong naranasan ko na buntis ako, sabi ko hindi pala biro ang mabuntis.

“Tapos, siyempre isisilang mo ang anak, alagaan mo. Sabi ko nga ni katiting wala akong karapatan na… siyempre dati parang nagtatampo ako kay Mama na iniwan niya ako, nag-abroad, tapos nagtrabaho.

“Sabi ko, buti na lang nandiyan ang lola ko para ipaliwanag lahat, kasi ni katiting walang karapatan ‘yung anak na kuwestiyunin ang pagmamahal ng isang ina.

“Kasi ngayon na naranasan ko siya, sabi ko ang hirap.

“Hindi biro ang maging isang buntis at maging isang ina,” salaysay ni Marian.

Kaya naging positive ang lahat, at wala nang panahon ang GMA Primetime Queen na pansinin ang mga negang isyu.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleVice Ganda, pinatuyan ng Smart Araneta na sold out ang concert
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 66 May 27- 28, 2015

No posts to display