Marian Rivera, todo-suporta sa project for a cause ni Dingdong Dantes!

CONGRATULATIONS KAY DINGDONG Dantes at successful ang kanyang Book Run na project ng kanyang Yes Pinoy Foundation. Sa tulong ng National Bookstore ay nabuo ni Dingdong itong run for a cause niya na ginanap sa Bonifacio High Street sa Taguig kahapon ng umaga.

Ang drama sa Book Run niyang ito ay kung sino ang mga interesadong sumali ay magdala ng kahit anong libro nila para i-donate sa mga eskuwelahang sponsor ng Yes Pinoy Foundation. Sabi nga ni Dingdong, mapupunta ang malilikom na funds dito at ang mga na-donate na libro sa mga batang mag-aaral sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Kaya tuwang-tuwa ito kahapon dahil sa bilang daw nito, mahigit dalawang libong libro ang nakalap nila sa event na ‘yun at maraming mga sumali. Malaki ang nalikom na salapi sa kanilang registration fee.

Gusto nga ni Dingdong na maulit uli ito dahil maganda raw ang feedback at malaki ang maitutulong nito sa kanyang foundation.

Ang bongga pang sidelight dito ay ang pagdalo ni Marian Rivera at talagang nakitakbo pa ito kahit puyat-puyatan pa sa taping ng Darna.

Sobra ang suporta niya kay Dingdong kaya happy naman ang aktor at masaya na rin sila dahil natapos na rin ni Marian ang taping niya sa Darna kaya matutuloy na rin ang pagpunta niya sa Madrid, Spain para dalawin doon ang kanyang ama.

Ngayon daw malalaman kung makasasama si Dingdong dahil ngayon pa lang niya makukuha ang visa nito.

Sabi naman ni Dingdong, hindi niya ia-allow si Marian na umalis pa-Madrid kung hindi siya makakasama dahil ayaw niyang magbiyahe itong mag-isa.

Bago sila mag-Madrid ay sa Dubai muna sila dahil guest sila roon sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Nangako naman si Marian at Dingdong na kung matutuloy sila sa Madrid, bibigyan niya tayo ng mga pictures nila, kung saan kasama ang kanyang ama.

TALAGANG LUMALABAS ANG pagka-dignified ni Jinkee Pacquiao bilang asawa ni Manny dahil hindi nito pinatulan ang mga kumakalat na isyung nagkita raw doon sa Amerika sina Krista Ranillo at ang asawa niya.

Kasi naman pagkatapos umalis ni Manny pa-Amerika para simulan ang training niya roon, umalis din itong Krista dahil dadalawin naman daw ang kapatid niyang inoperahan doon.

Bongga, ‘di ba? Kaya lang ang dami pa ring nagpi-feed ng mga isyu rito at isa na nga rito ay nagkikita raw sila roon at nakikita pa nga raw na nagu-grocery.

Nang tinanong si Jinkee ng Startalk tungkol sa intrigang iyan, dedma lang siya. Pagod na raw siya sa ganu’ng intriga at alam naman daw ni Manny kung ano ang mangyayari kung hindi ito mag-behave. Kaya hindi na nagpapaapekto si Jinkee at hindi na pinapatulan ang mga ganu’ng intriga.

Naniniwala raw siyang naka-concentrate si Manny si pagti-training doon at susunod naman siya sa Amerika kaya malalaman din nito kung ano ang totoo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleStars Candid: Xian Lim, Amboy Hottie!
Next articleAljur Abrenica, tinikman ng sexy comedianne at sexy actress?!

No posts to display