Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye

NGAYONG ARAW na magsisimula ang bagong pang-GMA Telebabad ni Marian Rivera na Temptation of Wife na mapapanood na mamayang gabi.

Malaki ang expectations kay Marian dahil maganda ang feedback sa Amaya, at okay na rin naman sa My Beloved. Pero ito raw, ibang-iba ang drama sa kanya lalo na api-apihan siya rito nang husto.

Dito natitiyak ni Marian na walang intrigang mangyayari dahil close friends sila ni Glaiza de Castro na kontrabida niya rito.

Naging close sila sa Amaya, kaya hanggang ngayon nga ay Ba-i pa rin ang tawag ni Marian kaya Glaiza na karakter niya sa Amaya.

Nang mag-guest si Marian sa Startalk nu’ng Sabado, nakikita ko na sa kanya na ang saya-saya niya na at hindi na siya nadadala sa mga intriga.

Kuntento na ito sa relasyon nila ni Dingdong Dantes kahit may mga sumisingit na intriga.

Kaya nang tinanong ito ng mga reporter kung kasalan na ba next year, wala pa raw ang sagot niya. Pero nakikita naming may plano na sila.

Kahit anong deny nila tungkol sa engagement, feeling ko talaga, engaged na sila, pero pinaghahandaan na ang kasalan at ang future nilang dalawa.

Kaya todo ipon silang dalawa, lalo na si Marian na araw-araw mapapanood na siya sa GMA 7.

Gabi-gabi siya sa Temptation of Wife at tuwing Sabado at Linggo naman ay sa Extra Challenge.

Sisimulan na rin yata ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na My Lady Boss.

 

MARAMI ANG nakapansin sa dedmahan ngayon nina Barbie Forteza at Bea Binene.

Akala ko guest namin si Barbie sa Startalk nu’ng Sabado para i-promote ang Paroa nila ni Derrick Monasterio, hindi pa pala.

Gusto ko sanang itanong kung totoong matindi na raw ang away nila na hindi mo nga raw sila mapagtabi sa Party Pilipinas.

May mga ilang numbers daw na kailangan nilang mapagtabi, pero halatang meron talagang gap dahil hindi sila nagbabatian at ang talas daw nang tingin ni Bea kay Barbie.

Ang tingin ng ibang nag-obserba sa kanila, may matinding pinag-awayan na maaaring kasalanan ni Barbie.

Ewan ko lang, ha? Kasi wala namang may nagsasalita sa kanilang dalawa. Kalkalin ko nga ‘yan!

 

TINUPAD NAMAN pala ni Aljur Abrenica ang pangako niya sa kapatid niyang si Vin Abrenica na dadalo siya sa awards night ng Artista Academy sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Sabado.

Masuwerte pa dahil panalo si Vin kasama ang kamag-anak ni Kris Aquino na si Sophie Albert.

Sila naman daw talaga ang deserving sa award, kaya walang nagkuwestiyong sa pagkapanalo nila.

Kaya lang tiyak na maikukumpara na sina Vin at Aljur kung sino ang mas magaling at kung sino na ang mas sikat.

Meron pa silang isyung sasagutin tungkol sa problema ng kanilang magulang na nagkaka-labuan nga raw.

Sana mapasikat din ng TV 5 si Vin para bongga ang mga Abrenica, ‘di ba?

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

30 thoughts on “Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye

  1. sabay kong pinanood ang pilot episode ng A Beautiful Affair at Temptation Of Wife, in all fairness may future ang dalawa pero quality wise, ABA ang mas angat. dahil na rin siguro sa original at pinagisipan talaga ang ABA whereas ang TOW eh remake na naman. magaling ang performances nina john loyd at bea, magaling din sina marianita at dennis pero pag nagsalita na si marian, parang nasisira yung moment, parang galit yung pagsasalita nya. obviously, pang pelikula ang ABA while TOW eh parang yung typical kapuso seryes, may kulang, hindi masyado pinag isipan. WOW tv review ba toh?!

    • di nga? sino naman ang may sabi sa yong original ang a beautiful affair, remake lang kaya ng movie ito ni kirstine hermosa at jericho iyan.

    • parang katwiran yan ng isang bayarang writer na member ng pmpc,nag re review daw siya, pero ang ni re review ay yung lang kapamilya serye, hindi tumitingin sa iba, baliw talaga ang baklang yun, na sa abs cbn na nakatira, kaya nung botohan sa pmpc awards puro kapamilya ang pinanalo,

  2. Plastikadang Remake Queen. Hahaha! Selosang mang-aagaw naman. Okay na rin na gampanan nya ang role na Angeline/Chantal nang kahit papaano maramdaman nya ang naramdaman ni Karylle nung inagaw nya si Dingdong.

      • Marianita isang malaking ahas. Wag nang ijustify pa. Wag anang mag sawsaw pa ng ibang tao. Aminin na isa syang jologs na ahas.

      • Ang losyang kasi tingnan ni Karylle noh! Mukhang walang manang lagi. Kaya ayun, iniwan ng bf niya! Karma sa pagsulot niya dati kay Dingdong from Antoinette. hakhakhak!

    • hindi ka pa pala nakaka recover sa isyung yan, naka ilang BF na nga si karylle, hangang ngayon yan pa rin ang binabato kay Marian, baka naman tsalam na tsalam ka kay Marian,

  3. gagawa yan ng intriga para mapansin. Syempre, flop na naman tong walang kwentang telenovela ni Marianita. Pati yung extra challenge nila. Nagsama ba naman ang dalawang artistang banong umarte at maghost.

      • Anu namang kinalaman ni Angel dito. Malala ang tama ng mga fans ni Marianita Demonyita. Lagi kasali si Angel. Pwede mababang klase ng artista si marinita para ikumpara kay Angel.

      • saan na ngayon si Angel, yun naloloko sa papa niyang dating supot, nauubos na kabuhayan, dahil sa lalaki, kala ko ba gagawin siyang Reyna ng Dos nung lumipat siya, bakit, parang saling pusa lang ang tingin sa kanya, 

      • LOL Oo nga! Ginawa na lang dakilang EXTRA lagi si Anghit. Kung si Marian PRIMETIME QUEEN, si Anghit naman, EXTRA QUEEN. hakhakhak!

    • ang abs cbn ba hindi nag re remake o nang gagaya, marami rin silang ginayang teleserye, sila nga ang walang originality sa concept, kung may original man sila, yun na yun lang ang style, tulad ng john lloyd-Bea series,,nakakasawa na 

  4. Dapat lang talagang tiyakin nya na walang intriga sa teleserye nya dahil sya lang naman ang nang aaway sa co-starlets nya. 

    • siya pala ang nang aaway, kaya pala isa siya sa mga ninang ng anak ni katrina halili. si sid lucero hayung tinanggal sa kanyang soap, very unprofessional daw kasi. sino ngayon ang may mga diprensiya sa utak?

  5. Pingback: Marian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.