Marian Rivera, tied upside-down for new show!

NAGBASA KAMI NG mga diyaryo kahapon. Kitam, tama kami. Ang laki nga ng in-improve ng hitsura ni Diether Ocampo. Ang ng kanyang iginandang lalaki.

Simple lang ang get up ni Diet. Nakapolo na pinatungan ng blazer at naka-tuck-in ang kanyang damit, kaya ‘yung kurba ng kanyang katawan mararamdaman mo. (Oo, me ganu’ng factor, hehehe!)

Pero ang hindi niya kinaya, nu’ng press ng Only You nila nia Angel Locsin, ay nu’ng tanungin namin siya kung sa aling prutas niya maihahalintulad ang kanyang sarili: sa sineguwelas o sa santol?

Nu’ng una ay parang na-puzzle si Diet. “Ha? Baket? Ano ‘yon? Para saan ‘yon?” Nagugulumihanan siya. Actually, baka kasi magkamali siya ng sagot, kaya think to death muna siya.

“Dito malalaman ang tunay na ugali ng isang tao,” sabi pa namin sa kanya para magkaroon siya ng idea kung alin ang dapat niyang piliin.

“O, sige… santol!” Tawanan ang mga reporter, lalo na ang mga bading, kaya lalong “nawala sa sarili” si Diet.

“Pakihawi naman ang blazer mo,” sabi namin sa kanya sa mic. At doon nagka-idea si Diet kung ano ang tinutukoy namin.

“Actually, kitang-kita nga namin na santol ka, Diet!”

Hahaha! Na-conscious ang aming kumpare (inaanak niya ang aming second daughter na si Godhie), kaya biglang dumekuwatro at pilit niyang tinatakpan ng blazer ang kanyang harapan.

In fairness, may nakapagsabi na sa amin, maganda raw ang “tubo” ng “santol” ni Diet. Hahaha!

HINDI NAMIN ALAM kumbakit kailangang ipapiktoryal si Marian Rivera nang nakabitin. Parang “forcing through” ang dating. Mas type namin ang kanyang pananahimik mula nang maintriga sila ni karylle at nu’ng isang fan na nakaengkuwentro niya.

Kaysa dito na ititiwarik siya para i-press release na ‘yun ang kaabang-abang sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Well, kung ang pagbitin nang patiwarik dito kay marina ay isang “career move” eh sana, hindi makawala ‘yon ng “kinang” sa kanyang “bituin.”

Paano ‘pag may nagalit kay Marian ulit? Baka may magdayalog ng, “Dapat sa babaeng ‘yan, ibitin talaga nang patiwarik!”

Hindi maganda, di ba?

“COOKING SHOW” BA ‘tong Only You? ‘Yan ang tanong ng ilang reporter, dahil bago nagsimula ang presscon, nag-cokking nang bonggang-bongga sina Angel at Diet.

Pero dito lang dumadaloy ang kuwento ng Only You. Kasi, sa naturang Koreanovela ay may cooking-cooking factor. At ‘yun ang iniutos ng ng may-ari ng rights na ‘wag aalisin ‘yung plot ng story, pero puwedeng ihalaw sa kultura ng mga Pinoy, kaya abangan ang love triangle na nina Sam Milby, Diet at Angel sa pagtatapos ng I Love Betty La Fea, na in fairness, mataas ang rating.
Kaya dapat ma-challenge nang bonggang-bongga ang Only You.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

26 thoughts on “Marian Rivera, tied upside-down for new show!

  1. sana si Maxene Magalona gawing Darna ksi bagay sa kanya may height, seksi liit ng bewang, kinis ng kutis, fresh ng face inosente…..magaling umarte, saka bagay sa kanya yung action…..pati tumingin astig din si Maxene
    tiyak pag siya gumanap na DARNA patok na patok ito and again GMA 7 will have a new Queen….sayang they dont know how to use their assets and its potential, paulit-ulit nalang sila….Si Angel din noon nobody expect it will be her pero talagang pumatok at lahat na hook….and the star is born kasi very fresh to the viewers….she has the making….sana si Maxene na lang sayang GMA sayang……just listen……

  2. Hoyyyyyyyyy.mga kanggaro ang article na too ay kay angel dun kayo kay marian magcomment wag dito……..shope.shpeppppppppppppppp…………

  3. Marian deserves it to play “The return of Darna” w/ new twist and version.
    More blessings, Marian!
    DongYan rocks!
    Stay humble, nice, loyal, thankful, and healthy. Hope 2 movies lang magawa mo this year para di ka masyadong mapagod, one w/ DD and Nieves( the better version sana). I’ve heard there are 2 more endorsements coming your way. Congrats and Good luck!

  4. wala n talaga Idol nla c Angel Bulucsin b un? hahahaha marian is the new DARNA mag laway kyong lahat jan…. wahahaha tapus n ang pag iilusyon nyo mag tyaga nlang kayo sa ZUMA hahahahaha ang kalaban ni DARNAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!1

  5. Bagay ky marian darna, xa ang pinakamagandang darna s knyang henerasyon. At ang totoong darna, lumalaban kpag inaapi.. Yn c marian idol

  6. Akala mo you find your day in court to stand on what you record ang write,and said may subphoena ulit kayong matatangap pasalamat ka hindi na lang nagfile ang atty.ng cause of delay sa mga duwag na reporter na tulad mo!

  7. ogie i lkie ur acting sa may bukas pa…..you and arlene made the scene on bit lighter mood kasi di ba iyakan dun….anyway sa kin lang to naging “remake queen” na ata si marian rivera halos lahat ng palabas nya remake di ba?….sayang naman yung acting nya sana mabigyan ng yung talagang tatatak sa mga manonood something original na hindi siya ikumpara sa ibang gumanap…..yung hindi fantasy more mature roles maganda cya eh…..ipinion ko lang to….

    • Okay lang ang remakes, lalo’t mga big time naman ang mga pino-portray na characters. Huwag masyadong ipokrita diyan, I’m sure kahit sinong artista babae sa generation ngayon ay gustong magampanan ang mga icon characters na DYESEBEL at DARNA, lalo’t bagay sa kanila. And kay Marian, bagay na bagay, beacause she’s hot…..

      • Si Ogie ano bang bago sayo kundi sumipsip lang,nasubphoena ka pa ngayon para magtestify sa mga naisulat mo kung matapang ka nga at may buto humarap ka sa korte wag kang mapadala lang ng voice tape naduduwag ka kay Annabelle no ting nan natin ang tapang mo kung may stand ka nga sa mga nasulat at nairecord mo !

      • well lets see when this show comes out…..that’s when you know if she’s so damn right for the role…..

  8. If I were u mga ampalaya mag halo-halo muna kayo.
    Para mabawasan ang kapaitan nyo sa life nyo sama ka na rin Ogie D.

  9. MARIAN DESERVES TO GET THE ROLE OF DARNA SHE’S PRETTY AND SEXY! AT MTAPANG ANG DATING SO DON’T BE SO BITTER MGA INGGITERAS

  10. I dont think marian deserves the darna role..I hope gma can get someone yung hindi cheap.. besides this is a pinoy superhero eh hindi naman pinoy and dating ni marian. kastila cya pati ugali..

    As of todays generation, si Angel lang talaga ang capable ng role at wala akong nakikitang iba..there’s something in her na kahit sexy cya hindi bastusin..and malakas ang charisma sa masa, yan ang tunay na DARNA.
    this is just my honest opinion!

    • Ay sus, para maisingit na lang ang idol niya sa DARNA! Kahit anong gawin mo, mainggit na lang kayo ng idol mo. MARIAN RIVERA is the NEW DARNA, at matuto kang tanggapin iyon. Hintayin mo, baka sa 22nd century, sa inyo na ang rights para maging DARNA.

    • Kailan p naging ingrata c darna pra sbhin mong c angel lng ang nbbgay n darna! Dpat ky angel, anak ni zuma kc tinuklaw nya ang istasyöng nagpasikat sknya!

  11. I heard that Only You is made for Judy Ann Santos. Why did Angel get the role? What happened? Also, Marian Rivera is practicing how to fly. She got the Darna role. Palagi siyang ibibitin. Sana patiwarik lagi.

    • Kahit patiwarik, patagilid, patalikod, paharap;walang problema iyan. Sa ganda at sexy ni MARIAN, kahit anong anggulo ang sarap tignan. Inggit ka lang kay MARIAN noh!!!!!

    • Ay sus, nainggit ka na naman. Galing sa kampon ng EBS ang nagsulat at gumawa ng article na ito, syempre, pintas ang mamumutawi. At sa mga Kapams (ampalaya naman), big deal na ang paqbitin-bitin at pagtiwarik ni MARIAN. Lagi kayong naaalog sa mga balita kay MARIAN, how insecured naman!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.