Marian Rivera, super-iwas sa press para ‘di mainterbyu! – Alex Brosas

TALAGA NGA YATANG super-iwas na itong si Marian Rivera sa press ngayon.

Kasi ba naman, halata raw na iniiwasan ng dalaga ang mga manunulat na paminsan-minsan ay pumapasyal sa taping ng Show Me Da Manny. Kung anu-ano raw ang ginagawa nito huwag lamang siyang mainterbyu.

Hindi raw type ni Marianita na makaulayaw ang mga manunulat kaya naman kung anu-anong drama raw nito. Nariyang magmadali ito sa pagpasok sa kanyang dressing room para magkulong na lang doon at hintayin ang kanyang susunod na eksena. Madalas naman daw, during break ay super-telebabad sila sa cellphone ng kanyang dyowang si Dingdong Dantes.

May ganoon daw na drama si Marianita ngayon.

If this is true, masyado na pala talagang feeling superstar itong si Marian ngayon. Dapat ay magpasalamat siya dahil pinag-aaksayahan siya ng panahong interbyuhin ng mga reporter. Ano ang gusto niyang mangyari, dumating ang point na wala nang gustong makapanayam siya? Mas maganda nga na magpainterbyu siya nang sa ganoon ay masagot niya ang mga hindi magagandang issue sa kanya.

Lately ay natsismis na nakipagbangayan daw si Marian sa kanyang manager na si Popoy Caritativo. Ang gusto raw kasing mangyari ni Popoy ay gandahan ni Marian ang kanyang working relationship at huwag na siyang magmaldita. Kailangan daw, magkaroon ng kahit na konting PR ang dalaga. Hindi raw ito nagustuhan ni Marian kaya nagtalakan daw ang dalawa.

True ba ititch?

NAGSALITA NA RIN si Rambo Nuñez, ang guy na nali-link ngayon kay Maja Salvador.

“Halata naman na gusto ko ang mga qualities niya,” pag-amin ni Rambo.

Sabi naman ni Maja, gusto rin niya ang ilang qualities ng binata.

“Marunong kasi siyang makisama. Iyon naman ang importante sa akin, ‘yung may sense kausap. Alam niyang pakisamahan ang family o kung sino ang kasama mo,” say ni Maja.

“We’re getting there. Close naman kami. Basta okay naman ang closeness namin,” ang sabi ni Rambo nang matanong kung girlfriend na niya ang dalaga.

Si Maja rin, ayaw pang kumpirmahin kung dyowa na niya si Rambo.

“Tingnan na lang natin kung ano ang susunod na mangyayari,” say ng dalaga.

BLIND ITEM: MAY date dapat ang isang female TV host at ang kanyang dyowang aktor. Minsan lang silang mag-date kaya naman looking forward ang female TV host. All set na sana ang kanilang date kaya lang ay bigla raw nagkasakit ang kanyang dyowa.

Siyempre, worried ang TV host kaya sugod ito sa bahay ng kanyang dyowa.

But to her surprise, wala naman palang sakit ang kanyang dyowa. In fact, super-chika ito sa bisita niya noong araw na iyon na isang aktor rin. Siyempre, naloka ang female TV host. Nag-init ang kanyang ulo sa kasinungalingan ng kanyang dyowa.

At hindi nakatiis ang TV host at kinompronta niya ang aktor. Tinanong niya kung may relasyon silang dalawa. Siyempre, super-deny ang aktor at maging ang dyowa niya.

May kakaibang friendship yatang namamagitan between the TV host’s boyfriend and the actor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

17 thoughts on “Marian Rivera, super-iwas sa press para ‘di mainterbyu! – Alex Brosas

  1. OBVIOUS NAMAN NA WALANG KWENTANG WRITER TONG SI BROSAS! NAPAKAUNFAIR MO,BAGAY NA BAGAY SA PAGMUMUKHA MO YANS ASAL MO! TINDI NG GALIT MO KE MARIAN HA?BAKIT DAHIL HINDI KA NY NAABUTAN NG GRASYA,,SANA HINDI KUMALAT ANG MGA UNFAIR NA WRITER NA KAGAYA MO!

  2. Parang inulit lang ‘tong BI, ha? May ganito rin ditong blind item late last year.

  3. look at the picture. hampaslupang reporter. bagay napapakain sya ng paninira nya kay marian. why not. ang taong gutom. gagawin lahat.

    • my god lahat nlang ng magsulat kay marian sinasbi nyung patay gutm,binabayaran etc.

      in fairness if ever man true bkit kya lahat ng tao galit kay marianita?aber aber?
      for sure there must be a reason.

      panget kc ugali ng matandang darna na to yun na!

  4. Mas mabuti pa siguro iwasan na lang ng mga reporter si Marian kung ayaw niyang magpa-interview. Bakit pipilitin ang ayaw? Tutal pag dumating ang panahon na gusto niya magpa-interview e gagawa naman ng paraan yan. At bilang isang manonood sa TV, wala naman akong narinig na diretsang sagot mula kay Marian sa mga tinatanong sa kanya mula noon pa. Siguro masikreto talaga siya, kasi sa YES magazine naging very open naman siya sa relasyon nila ni Dingdong so malamang pinipili niya talaga kung kanino lang siya magpapa-interview.

  5. Inggit na inggit siguro itong chaprong na writer na ito kay Ms. Marian Rivera. Buti nga hindi ka binibigyan ng interview, masyado ka kasing sinungaling.
    Yung blind item mo? Sounds familiar, sana mo nakuha iyan
    sa STARTALK nuong Saturday?

    • hahaha…true nanood ng startalk den blind item nya
      tpos claim sya na sya nkaisip…

      bkit nga kya galit na galit to kay marian?? cguro dhl sa napahiya c so…so writer b4 sa balita nya na nagmaldita daw c marian sa japan (dnmn to2o) at dun sa may itinulak daw na bata c marian na ipinagtanggol nmn ni miss celia r.
      hehehe

      pasong paso kay marian kya gawa uli ng balitang ewan…

  6. oo true yan!
    may nangyari na kila zanjoe at piolo. at baka may nangyayari pa din, kaya nun star magic ball galit sila kasi umiyak si mariel nun malaman nya to. naging close si zanjoe at piolo sa set ng lovers in paris. may friend ako taga abs at super true ito! kawawa si mariel, martir

  7. BI: zanjoe marudo at mariel rodriguez. yung actor sino kaya itech? piolo pascual?

    butas, ikaw lang at ang mga reporters na mahilig magimbento ng tsismis ang iniiwasan ng mga artista binabayaran kasi kayo para manira lang! pinagpasa pasahan nyo lang naman ang mga recycled na balita!

Leave a Reply

Your email address will not be published.