Marian Rivera, sobrang sexy sa Ginebra San Miguel 2014 calendar

1 Marian Rivera MAS LALONG nakakabighani si Marian Rivera sa Ginebra San Miguel 2014 calendar na inihahandog para sa nalalapit na 180th na anibersaryo ng flagship brand ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) sa susunod na taon.

Unang nag-pose si Marian para sa Ginebra San Miguel calendar noong 2009. Para sa 2014 calendar, makikita ang kaseksihan ni Marian sa mga  kuha ng sikat na photographer na si Marc Nicdao kasama ang stylist na si Liz Uy sa Batangas, Boracay, at Palawan.

Tamang-tama ang pag-pose ni Marian dahil binoto siya bilang sexiest female celebrity sa FHM magazine. Lumabas din siya bilang lead star sa top-rating primetime soap ng GMA-7, ang Temptation Of Wife at pati na rin sa Kung Fu Divas ng Star Cinema at Reality Entertainment. Kaabang-abang din ang nalalapit na teleserye ni Marian na pinamagatang “One Day, Isang Araw: Ang Sikreto Ni Milette,” na ipapalabas din sa GMA-7.

2 Marian Rivera“Sobra po akong honored and I feel so blessed at nabigyan po ako ng opportunity na mag-pose para sa Ginebra San Miguel calendar sa ikalawang pagkakataon,” sabi ni Marian. “This time, mas confident ako sa pag-pose ko para sa brand. Very proud din po ako dahil very tastefully done ang lahat ng mga layouts.”

“Napaka-laking star po ni Marian at gusto po naming i-celebrate ang aming 180th na anibersaryo in a big way and with a bang. She exudes the sensuality and confidence ng ideal na Ginebra calendar girl at napaka-ligaya po namin to have her onboard bilang calendar girl namin for the second time,” ayon kay GSMI Vice President at Marketing Manager na si Nelson Elises.

Ang Ginebra San Miguel ang itinuturing na world’s largest selling gin. Ang iba pang mga produkto ng GSMI ay GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Light, Gran Matador Solera, Don Enrique Mixkila, Antonov Vodka at Antonov Vodka Mixed Drinks.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.