Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian Ramos

BIGLA AT walang kaabug-abog na dumating raw si Marian Rivera sa taping ng bagong serye nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Natensyon daw si Dingdong sa pagdating ng girlfriend lalo’t nang batiin daw ni Rhian si Marian ay ‘di nito pinansin. Kung hindi pa raw sinabihan ni Dong ang girlfriend na binati siya ng kanyang leading lady sa bagong serye ginagawa sa GMA 7, ang Genesis, saka pa lang daw nag-hello din si Marian.

Dahil sa biglang pagdating ni Marian, na-delay raw ang taping ng serye ng ilang oras.

Niyaya raw ni Dong si Marian sa kotse at doon sila nag-usap. Hindi naman daw makakilos ang production para sabihan si Dong na magsisimula na sila ng taping.

Pagkaalis daw ni Marian, saka lang nakapagsimula ng taping ang buong cast, kung saan kukunan ang eksena nina Rhian at Dong.

Ikalawang beses na itong ginawa ni Marian na biglang darating sa set ng taping. Una ay sa Stairway To Heaven, kung saan magka-partner din sina Dong at Rhian.

‘Di nga ba nabalitang pinagselosan ni Marian si Rhian noon? At ngayon ay tila naulit ito sa taping ng Genesis. Dahil sa nangyari, tila nagkaroon ng part 2 ang isyu sa pagitan nina Marian at Rhian nang dahil kay Dingdong.

Ayon pa sa nakarating sa amin, may ilang eksena tuloy na hindi na nakunan magkasama sina Rhian at Dong dahil sa pagkaantala ng oras sa pagdating ni Marian.

Base pa sa nakarating sa amin, naabutan daw ni Marian sina Dingdong at Rhian na magkatabi, kung saan may ipinapakita raw si Rhian ng mga photos sa kanyang cellphone kay Dingdong.

Pero nasa set daw sina Dong at Rhian nang mga sandaling ‘yung habang naghihintay sa kukunan nilang eksena.

Walang makapagsabi kung selos ba ang dahilan ng pagdating ni Marian sa set ng serye.

 

PINASINUNGALINGAN NI Ellen Adarna na magbababu na siya sa showbiz. Ngayon pa raw na nabigyan siya ng pagkakataong gumanap sa isang mapaghamong character sa isang indie film, kung saan tinanggihan ni Kris Bernal dahil sa mga daring scene na hindi kayang gawin ng young star.

Sabi ni Ellen, hindi raw niya iiwan ang showbiz lalo’t nag-e-enjoy siya sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7, kasama ng mga iginagalang niyang comedian at kaibigang actress sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto, atbp.

Ayon pa sa mestisang Cebuana, nagkaayos na sila ng kanyang father at nagtatrabaho siya para sa business ng kanilang pamilya na nagmamay-ari ng mga motel.

“I’ll work for my family again. Marketing. I guess, since we’re building condominiums now, I’m more of a corporate girl. I am the type who wants an 8 to 5 job.

“But I will still continue with my showbiz work. I’m still with Bubble Gang. And kung may ibang project, okey rin na gawin ko.

“Not quiting showbiz. But going back and forth to work for my family part-time. Let me make that clear,” pahayag ni Ellen.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

27 thoughts on “Marian Rivera, sinugod si Dingdong Dantes sa taping ng serye nila ni Rhian Ramos

  1. Gosh supalpal ang mga hater reporters na kung anik anik lang ang source sa mismong director at staff ng GENESIS. May maipintas lang talaga ang mga desperadang bakla kay Yanyan. hakhakhak!

  2. PAULIT ULIT LANG? SINONG SOURCE MO? YONG CREW NG GENESIS DISPROVED THIS. PERO YONG SOURCE MO, WALANG NAME WALANG MUKHA PARA TAYUAN NYA YANG SINASABI NYA. MAKAPANIRA LANG ITONG WRITER AT HALATANG TSISMIS KASI ANG GINAGAMIT NYA AY “DAW” DAHIL TSISMIS NGA?

  3. Pinagseselosan ni palengkera si abortionista??? Baka mas magaling sa kama tong si rhian kaya takot ang bruhang si Marian. tsk tsk

    • Pag-usapang kama, Angel Locsin ang expert diyan. Tinuhog ba naman ang magpinsan at pati supot na Briton, hindi pinalagpas. wahaha!

  4. YAN ANG KASABIHANG ” WHAT GOES AROUND COMES AROUND” – REMEMBER WHEN SHE DID THAT TO KARYLE. BUTI NGA!!! SHE WILL ALWAYS WATCH HER BACK!!!

    • Ang MANANG at LOSYANG naman kasi ni Karylle. Hanggang ngayon pinagpapantasyahan pa rin niyan si Dongdong. Halatang di makamove-on. Kahit nakailang sample na ng boylet. hakhakhak!

  5. posible ba yun?papayag kaya ang director at producer na maantala ang shoot dahil lang may sumugod na gf to the extent na may mga eksenang hindi nakunan gawa pagka antala ?tanong lang ha

  6. hays..no changes at all ang mga haters…marian rivera lagi ang topic ng mga mapanirang articles and columns..magbago na kau oy…bitter parin kau..kasi si marian madaming nagmamahal lalo ngaung pingtatanggol na sya ng manager nya sa mga hindi totoong issues against her…Godbless bitter haters….

    • Pag sikat talaga, kahit anong gawin mo in public, pag-uusapan. Unlike si Anghit na magbabad na ng boobs sa at lahat sa mga laro ng Azkals, wa paki ang media. Laos na kasi. hakhakhak!

  7. according to the director of genesis eh ka close daw ni Marian halos lahat ng staff ng genesis at  nakatrabaho na ni Marian ang iba diito at kinantyawan si Marian na dalhan sila ng pizza.at si Marian namang mabait ayon pumunta at binati  at bineso lahat pati syempre si Rhian.hmm sino kaya ang nagtsisimis at inggit kay Marian.

  8. as usual, what’s new…knowing sa mga haters ni MARIAN, baliktaran na naman ng balita. We from GMA7 are all grown -up already. so sad lang na ang Dos are regressing!!!

  9. ..haters of her will say bad things,of course….but the thing is we should give respect na lang…it’s not because prangka siya eh ganoon n lng ntin cya ijujudge…we don’t know her personally….so don’t drag her whole personality as if napakasama niya..ang sinumang nagsasabing napakasama niya,malamang napakaPERFECT nyang tao…tingin2 muna sa salamin before magsabi ng masama ang isang tao dahil sa ipnakikita nito…mas mag-ingat tayo sa mga taong tatahitahimik pero nasa loob namn ang kulo…

  10. This has been clarified by the director…Everybody loved Marian’s visit on the set…they even posted pictures. This is nothing but a vicious hate campaign against Marian. When will you sleezy pioyparazzi bloggers learn? Mahiya kayo.

  11. These people are so sick of spreading hate campaigns against Marian Rivera. When will they ever stop? It was already belied by the Direk M. Reyes himself & several other staffs and yet the rumors continue to spread like a killer disease. Grow up people. What Marian has done to you for you to hate her this much? Writers – if you cant validate ur news dont publish. Rule of thumb – accurate news or no news at all. Geisssh.

  12. Ano pa bang aasahan sa isang palengkerang gaya ni Inday?? Hndi na bago yan! Natural idedeny yan ng cast and crew kasi makakasira yan sa serye pero ung mga sources ng reporters, tahimik lng yan para kunyari walang spies sa production.

    • Bakit napaka nega mo kay Marian?isa syang modelong artista,prangka at d plastikada na katulad ng iba dyan.marami ang humanga sa kaprangkahan nya kya sorry na lang syo bitter at inngit na inggit ka kay Marian,wala ka ng sinabing maganda kay Marian,puro na lang bitterness ang laman ng mga comments mo sa kanya.

    • Bitterness ka Day!! Pero tyaga mo basahin articles about Marian… hehe.. being beautiful & famous is not a crime… God bless you!

  13. inulit na naman tong article ni rey p…na clarify na yan pati staff ng genesis na hindi totoo tong tsismis na yan.kahit si rhian sabi niya very untrue dahil nagbatian silang dalawa at nag ba bye pa sa isat sa..so there you go..God Bless na lang sa inyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.