Marian Rivera, sinisisi ni Mother Lily sa kawalan ng entry sa MMFF!

NAGKAHARAP NA pala sina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang sa korte nu’ng kamakalawa lang ng umaga.

Nangyari ito sa Quezon City Hall of Justice, at nagkagulo nga raw du’n dahil sa dami ng mga nakiusyuso. At ang nakakaloka, ang daming military back-up daw ni Ai-Ai.

Ito ‘yung Permanent Protection Order na hiningi ni Ai-Ai sa korte laban kay Jed.

Ang pagkakaalam ko, nagsampa na rin siya roon ng kasong Violation of Rep. Act 1962 o Anti-Violence Against Women and Children, pero hindi nagkomento si Ai-Ai, pati ang abogado nito, dahil meron pala silang gag order.

Kinagabihan, umalis na si Ai-Ai kasama ang anak niyang si Sancho Vito patungong Amerika para magbakasyon.

Isang buwan daw sila roon para maka-bonding ang mga anak niya. Nandu’n na kasi sina Sophia at Nicolo kaya magkikita na lang sila roon at talagang uubusin daw muna niya ang oras niya sa mga anak niya.

Nakunan ng Startalk ang pag-alis ni Ai-Ai at sandaling nakausap ito. Since may gag order, pawang “no comment” ang sagot niya kapag may kinalaman sa kaso ang mga tanong.

Hindi rin niya sinagot ang tanong ng Startalk kung magpa-file na ba siya roon ng divorce dahil kelan lang sila nagpakasal, ‘di ba? Sabi ni Ai-Ai, mas mabuting move on na lang daw at dasal na lang daw siya nang dasal.

Ang hitad nga, parang diring-diri kapag tinatanong kung handa na ba siyang ma-in love muli. Parang na-trauma nga siya talaga sa relasyon niya kay Jed kaya kahit daw pa-date date, wa raw talaga.

Mas mabuting mag-concentrate na lang daw siya sa mga anak niya. Parang magkabarkada na lang nga raw sila ng mga anak niya na sobra ang suporta sa kanya.

Ang latest pa pala, meron daw nakakita kay Jed sa The Fort na may kasamang girl na sa mga kilos nila, parang meron daw talaga silang relasyon. May nagkuha nga ng litrato at ipinadala ‘yun kay Ai-Ai.

Sabi naman ni Aiai, kung iisipin, mag-asawa pa rin sila ni Jed. Pero mas mabuting hayaan na lang daw siya.

Basta abangan n’yo na lang ang exclusive interview namin kay Ai-Ai tungkol diyan.

 

SA JULY 3 na pala ang showing ng My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Kontrobersyal ngayon ang dalawa kaya pag-uusapan na naman sila kasabay sa promo ng pelikula nila.

Kaya lang ewan ko kung sasagutin ni Richard ang tungkol kay Sarah Lahbati na hindi pa rin mamatay-matay ang isyung buntis.

Si Marian naman, may tampo raw sa kanya si Mother Lily dahil sa kanya bumagsak ang sisi kaya hindi raw nakasali ang Regal sa Metro Manila Film Festival.

Tumawag nga sa akin si Mother Lily, pati si Rams David na nagha-handle kay Marian.

Hindi ko naman sineseryoso ang tampuhan nila dahil alam ko naman madaling mapaamo si Mother at makakalimutan din niya ‘yan. I’m sure, sa presscon nito kahapon, nagkabati na sila at love na naman nila ang isa’t isa.

Kasi naman, bakit walang sinabmit na script ang Regal sa MMFF. Kaya nakakapanibago talagang walang entry ang Regal sa MMFF ngayong taon. Nag-co-produce lang daw sila sa isang pelikula ng ABS-CBN Productions.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Marian Rivera, sinisisi ni Mother Lily sa kawalan ng entry sa MMFF!

  1. hahaha i love you marian at sa mga naiinggit sayo ngisay ngisay na lang dahil ams mayaman mas sikat at mas maganda sya sa inyo mga baklush!

    • BAKIT NAMAN KAMI MAIINGGIT KAY MARINAITA ABER? UNANG UNA, ANO BA IPINAGMAMALAKI NYA? YUNG AWARD NIYA SA EMPRESS NA BINILI NAMAN? BAKIT, MAY SUPER HIT MOVIE NA BA ANG BRUHAHANG YAN? ANG PWEDE LANG NIYA IPAGMALAKI AY YUNG COVER NIYA SA MAGAZINE NA MUKHA NAMANG EWAN LANG HAHAHAHAHA! DAMI LANG SIYANG PALA NA KATULAD MO NA MAMATAY-MATAY SA HITAD NA YAN WALA NAMAN DIN KAYO NAPAPALA HAHAHAHA! EH, DI MAGSAMA KAYO KUNG GUSTO MO, SA KANGKUNGAN HAHAHAHAHAHA! 

  2. DYUSKO EWAN KO BA DITO MAY MADERA KUNG BAKIT PARATING KINUKUHA SA PELIKULA SI MARIANITA EH PURO FLOPSINA NAMAN ANG PELIKULA NIYANG BRUHAHAHA NA YAN HAHAHAHAHAHA!

  3. Ma Barker AkA Mother Lily wag mo ng sisihin si Marian”Bogli” Rivera.. Habol pa, gawin mong starrer sina Bimby, Ryzza Mae at Inigo Pascualing ang title ay ” Ang Butiki, Kutong Lupa at Badiday” pag di pumatok yan isara mona yang Regal Production mo. Sa post ko ang Mapikon talo……..Di ba mother superiora.

Leave a Reply

Your email address will not be published.