Marian Rivera, sinisira ang career ni Dingdong Dantes?!

OLA CHIKKA!! MUKHANG busy’ng-busy itong si Marian Rivera ngayon, hindi dahil sa mga projects kundi dahil sa mga column sa mga tabloid. Hindi pa man kasi nalilinaw ang chikkang pag-aaway ni Bayani Agbayani at Dingdong Dantes dahil kay Marian, patok na patok naman ang bida ng Endless Love dahil sa pagmamaltrato niya umano sa baguhang artista na si Bela Padilla.

Napabalita kasing sinigawan at ini-lock ni Marian sa CR itong alaga ni Claire Dela Fuente dahil sa pandededma sa kanya, lalo na at baguhan lamang ito. Ang isa pang dahilan ay ang paglalandi umano nitong si Bela kay Dingdong, kaya ayun at lumabas ang pagiging maldita ni Marian at pinagpipiyestahan ngayon ang alitan nila.

Una pa lang ay alam na ng marami ang pagiging palengkera nitong jowa ni Dingdong. Ilang video na rin ang nagpatunay kung gaano siya kamaldita, kaya posible ring may katotohanan ang akusasyon ng kampo nila Bela. Iyon nga lang, mukhang na-exaggerate kaya lumalabas na ginagamit lang nitong baguhang artista ang kasikatan ni Marian para magkapangalan sa industriya. Talagang napakagaling ng kanyang manager at nagawang painitin ang pangalan ng kanyang alaga.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang tanong na kung si Karylle pa rin kaya ang jowa nitong si Dingdong, madadawit kaya ang pangalan ng aktor sa ganyang gulo at mapapabalita pa rin kayang nakikipag-away si Dingdong dahil sa girlfriend? Hmmmm…  tanong ko kaya kay Madam Zsa zsa?

Naku hindi magandang pangitain ‘yan! Dahil kapag patuloy na nadadawit ang pangalan ni Papa Dong sa mga kaguluhang kinasasangkutan ng jowa niya, magkakaroon ng bad image ang napakaguwapong aktor at may posibilidad na makasira sa kanyang career.

Tsk, tsk, tsk! Kapag nagtagal ay si Marian pa ang makasisira ng career ni Dingdong? Huwaaat?! Ayaw ng Ola Chikka

Productions ng ganyan. Ha-ha-ha!

ISANG NAPAKAGANDANG BALITA ang aking narinig lalung-lalo na sa mga haligi ng tahanan, dahil ang napakagaling na SHELBY GUTTER SEAL ng Century Chemical Corporation ay nagbaba na ng presyo upang mas maraming tao ang kanilang matulungan, dahil sa mura at mataas na kalidad ng kanilang produkto ay sulit na sulit na.

Ang Shelby Gutter Seal ay ideal for filling and sealing cracks and breaks ng ating mga roofs. At hindi lang iyan! Maaari mo rin siyang gamitin sa iba’t ibang parte ng bahay, appliances at iba pang gamit na kailangang takpan ang biyak at butas.

Bakit nga ba the best ang paggamit nitong Shelby? First, it protects and retains the capital investment of your home and building. Second, mura at magandang quality na! Third, easy to apply kaya no special skill require. Fourth, p’wede siyang gamitin kahit hot or cold temperature pa iyan at best for emergency and spot repairs ito. And fifth, it eliminates possible business interruptions and home disturbances.

Kaya ano pa’ng hinihintay n’yo? For cracks and breaks ng inyong home, office, school, hospital, factories and commercial complex… i-SHELBY GUTTER SEAL n’yo na! Siguradong Selyado! Available at your nearest hardware stores. Hatid sa atin ng Century Chemical Corporation.

Nami-miss n’yo na ba ang napakaiinit kong mga PITIK-BULAG? Subaybayan lamang ang aming programa sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn at makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleBea Alonzo, ginagamit si Zanjoe Marudo?!
Next articleWillie Revillame, babanggain ang 24 Oras at TV Patrol?!

No posts to display