Marian Rivera, proud na proud dahil napansin na naman ang kaguwapuhan ni Dingdong Dantes

PROUD NA proud si Marian Rivera sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes dahil napansin na naman sa ibang bansa ang kaguwapuhan nito, ha!

Meron nga raw lumabas na survey ang Traveller’s Digest ng 10 Cities with Most Good Looking Men na kung saan napabilang doon ang Quezon City, Philippines.

Number 7 ang Quezon City at ang kinuhang pinakaguwapo du’n na sinasabing doon nakatira ay si Dingdong na minsan na ngang napasama ito sa Sexiest Men in the World ng ETC.

Nagulat si Dingdong nang ibinalita ito sa kanya ng Startalk, at sinabi niya siyempre na natutuwa siya at proud siya na siya ang nag-represent ng lungsod na sinilangan niya at kinalakihan, lalo na’t dito rin ang GMA-7.

Hiningan din ng reaksyon si Marian at sabi nga niya, masaya siya para kay Dingdong dahil napapansin nga ito.

Siyempre, marami talagang guwapo sa Quezon City dahil nandito nga raw ang mga artista at nandito ang tatlong malalaking TV network na kinalulugaran ng mga artista.

Sa totoo lang, habang nagma-mature si Dingdong, lalo itong gumuguwapo. Iniingatan naman kasi talaga niya at inaalagaan ang sarili lalo na ‘pag may bagong projects ito.

Malapit na itong Genesis niya na magsisimula na sa October 7, at pinaghandaan ito nang husto ng aktor dahil may mga action scene siya rito.

Masaya lang ang magkasintahan dahil ang daming blessings daw na dumarating sa kanila.

“Parang ang saya lang dahil sunud-sunod ang mga magagandang bagay na dumarating sa amin. Ang saya lang talaga,” sabi ni Marian.

Abangan n’yo bukas sa Startalk dahil special guests namin sina Marian at Ai-Ai delas Alas na magpu-promote ng Kung Fu Divas.

Sa October 2 na pala ito magsu-showing. Bagay sana talaga ito sa Metro Manila Film Festival, ‘di ba?

 

AT LEAST diretsahang inamin ni Heart Evangelista ang pagkaka-link nila noon ni Sid Lucero na ikinagulat pa nga ng aktor sa presscon ng bagong afternoon drama nilang Magkano Ba ang Pag-ibig?.

Hindi nga lang daw natuloy sa seryosong relasyon at mabuti naman na naging friends sila.

Hindi rin daw ito isyu kay Sen. Chiz Escudero dahil hindi naman ito nangingialam sa acting career ng aktres.

Ang hindi lang masagot ni Heart ay kung okay na ba sila ng Mommy niya. Nakikita naman kasi sa mga post niya sa Instagram account nito na kasama niya ang Daddy niya, pero wale ang madir!

Sabi naman ni Heart, okay sila ng Mommy niya pero mas mabuting huwag na lang daw pag-usapan. Dahil pagdating sa pamilya, mas gusto niyang nasa pribadong bahagi ito ng buhay niya at hindi na kailangang pag-usapan pa.

Nawawala raw ang sincerity kapag lagi na lang pinag-uusapan kaya tama na raw malaman ng mga tao na okay na siya sa pamilya niya.

Pero si Heart na ngayong ang humahawak ng career niya at pati mga finances nito ay siya na ang nag-aayos.

Sa September 30 na pala magsisimula ang Magkano Ba ang Pag-ibig? Kaya puspusan ang promo ngayon ni Heart.

Kaya lang, bakit laging nasa afternoon block si Heart? Bakit wala na siyang pang-primetime?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Marian Rivera, proud na proud dahil napansin na naman ang kaguwapuhan ni Dingdong Dantes

  1. dapat ilublob itong si Lolit sa barrel na puno ng pork…at kelan pa naging guwapo si Dingdong Dantes? Manipis ang lips at hindi pantay ang dalawa nyang mata…katamtaman din lang naman ang kanyang katawan at “chicken leg” and mga hita…aaaano ba yan!!!

  2. Hoy Manghaharbat Lolit!!! Ibalik mo ang pera ng bayan— magkano ba ang ibinigay sa yo ni BONG at LANI…. Pera ng bayan yung ipinang Europe mo at ipinag StemCell mo galing sa maduduming kambing ng Alemanya. No wonder!

  3. NGAYON SIGURO EH PROUD SI MARIAN DAHIL MARAMING NAGAGWAPUHAN KAY DINGDONG. HINTAYIN NIYANG PAGSAWAAN SYA AT PALITAN AT SIGURADO AKONG AATUNGAL SYANG PARANG BAKA. LOL!

  4. Angel Locsin hates this. Bukod sa laos na ang jowa niyang Briton, hinuhuthutan pa siya! Sugarmommy tuloy ang peg ni Ngiwe. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.