Marian Rivera, pregnant?

Tahasan nang itinanggi ni Marian Rivera na buntis siya. Umiyak pa nga ang aktres sa presscon ng pelikulang entry ng Regal Films sa 2008 Metro Manila Film Festival para ipahayag ang kanyang pagkadisgusto at pagkairita sa naturang isyu. Sa kasikatan nga naman ngayon ni Marian, hindi nga naman niya papayagang mawala na lang iyon ng basta-basta dahil sa ‘buntis’ siya.

‘Yun nga lang sa halip na simpatiya sa press ang makuha ni Marian, tila nega pa ang naging dating ng kanyang pag-iyak. Na kesyo gimik lang niya ang pagpatol sa isyu, at isa pa ngang miyembro ng press ang nagsabing tila ‘plastikada’ raw ang prime property ngayon ng Kapuso Network.

Nagsimula lang naman ang isyu nang patulan ni Marian ang naging reaksiyon ni Karylle sa tanong ni Boy Abunda sa talk show nito tuwing Linggo, na kung naniniwala ba raw si Karylle na buntis si Marian at si Dingdong Dantes ang ama. Ngiti nga lang kasi ang isinagot ni Karylle, sa halip na um-oo o humindi.

Kaya naman ngayong lumabas ang isyu ng ‘buntis’ nagduda pa tuloy ang ilan na ‘gimik’ lang din ang ‘pagkapilay’ ni Marian. Diumano nga raw, baka raw nagpa-abort ito para ‘di nga maapektuhan ang career. At dahil maselan pa ang kundisyon, idinaan na lang sa pagiging ‘pilay’ para hindi magawa ang mabibigat na commitments. ‘Yun ang haka-haka.

Tiyak na lalaki ang isyung ito, at magsanga-sanga. Panahon na lang din ang magsasabi kung ano nga ba ang totoo. Isang bagay lang ang malinaw. Ang isang punong hitik sa bunga, pinupukol. Pero dapat ding tandaan na walang usok kung walang apoy. ‘Yun na!

by Parazzi News Service
PHOTOS BY LUZ CANDABA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.