Marian Rivera, pinataob ang mga magagaling na aktres!

Marian-RiveraLUTANG NA lutang ang ganda ni Marian Rivera nang dumalo siya sa 27th PMPC Star Awards For Television na ginanap noong November 24 sa AFP Theater. Siya ang nanalong Best Drama Actress para sa pinagbidahan niyang primetime series ng GMA 7 na Temptation Of Wife.

Ang iba pang nominado para sa nasabing kategorya ay sina Carla Abellana (My Husband’s Lover), Janice de Belen (Ina, Kapatid, Anak), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart), Judy Anne Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Kim Chiu (Ina, Kapatid, Anak), Maja Salvador (Ina, Kapatid, Anak), at Nora Aunor (Never Say Goodbye).

Bago tawagin ang winner, hindi umano kaba kundi excitement ang mas nangibabaw kay Marian.

“Siyempre sa mga ganitong pagkakataon eh, mas do’n ako sa nai-excite ako,” sabi nga niya nang makausap namin after the awards night.

Pangalawang beses nang manalo ng acting award ni Marian. Ang una ay sa Silver Screen Awards For TV sa Entertainment Press Society last year para sa mahusay rin niyang pagganap sa epic seryeng Amaya na pinagbidahan din niya sa GMA 7.

Masarap daw sa pakiramdam kapag sa pinaghihirapang trabaho ay may nagiging magandang bunga gaya nga ng natatanggap niyang recognition ngayon para sa kanyang husay as an actress.

Marian-Rivera“Actually lahat naman ng artista eh, pinaghihirapan ang trabaho nila. Sa lahat po ng pagod ng mga artista, napapawi iyon kapag nakatatanggap ng mga ganitong karangalan.”

Wala si Dingdong Dantes para maging escort niya sa Star Awards For TV. Nasa Macau kasi ito at nananood ng katatapos na laban doon ni Manny Pacquiao laban kay Rios. Pero bago ang awards night, nagkausap naman daw sila ng aktor.

“Sabi niya goodluck.  Siyempre nando’n siya kay Kuya Manny ngayon na… nanalo tayo! Kaya ang saya-saya ko rin.”

‘Yun na!

 

SI KC Concepcion ang nanalong Best Drama Supporting Actress sa 27th PMPC Star Awards For Television na ginanap sa AFP Theater kagabi, Sunday, November 24. First acting award niya ito para sa unang pagganap din niya sa role na medyo may pagka-kontrabida sa Huwag Ka Lang Mawawala kung saan pangunahing tampok si Judy Ann Santos.

Masaya raw siya sa natanggap niyang recognition na ito. Noong bata pa siya, binibitbit lang daw siya ng Mom niyang si Sharon Cuneta sa mga taping o shooting nito. Naging inspirasyon daw niya ang Megastar nang naengganyo siyang pumasok na rin sa pag-aartista.

“Ngayon, may award na rin ako!” masiglang sabi ni KC. “Siguro minsan, nasa dugo po talaga ang pag-aartista. But I’d like to thank everyone who helped me sa aking craft bilang isang aktres.

“Sa lahat ng mga naging director ko, ito ang pagkakataon ko na pasalamatan sila. And also my Mom. My family. At si Ate Juday,” banggit din niya kay Judy Ann Santos na naging co-star niya sa nasabing primetime series ng ABS-CBN. “Na tinuruan niya akong maging mabuting tao. Mabuting artist. Big sister ko po siya. Parte na po siya ng pamilya ko.”

“Parang kahapon lang, kinakabahan ako na sampalin siya sa eksena,” tawa pa niya. “Pero nagawa ko dahil she believes in me more than I believe in myself.”

Abut-abot din ang pasasalamat ni KC sa ABS-CBN at sa lahat ng bumubuo ng production team ng Huwag Ka Lang Mawawala.

“Natutuwa ako sa one hundred percent na suporta nila sa akin. So, thank you for creating a character na hindi ko ever iniisip na magagampanan ko sa buong buhay ko. First time kong ma-nominate for an acting award. Tapos nanalo ako. That’s why this is so special.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

33 thoughts on “Marian Rivera, pinataob ang mga magagaling na aktres!

  1. Ang lakas lang talaga ni Tony Tuviera sa press people. Si Gozon naman ang gagapang sa Asian Television Awards. Ano pa at naging Advisory Board member siya dun. Sana magawa nila ng paraan ang movie career naman ni Marian. Mahihirapan ang powers nila na mabigyan ng box office hit movie ang alaga nila. Unlike si Angel, box office superstar at multi-awarded movie actress.

  2. Indeed, napakaquestionable ng mga awardees ng PMPC except for my idol Marian kasi nominated na xa sa ATA. Tsaka top rated ang drama niya, solid cast at malakas ang syndication sa Vietnam kaya tama lang talaga na sa kanya ang award……Yung ibang awards, like best show nga pero yung mga nananalong host eh sa ibang show. Ano yun? KALOKA! Tsaka yung Star of the Night, kay Kim…a big LOL…Kai Marian dapat yun…She was wearing the Alexander McQueen dress, fab na fab…..And si Sir Chief? Best Actor? Anyways, my Papa Dennis doesn’t need this award…Bow!

  3. Hanggang Star Awards lang ang kaya ng sobre ng ABSCBN. Di nila kaya sumuhol sa mga tulad ng Urian, Cinemalaya at International Awards. Hakhakhak!

  4. sa totoo lang bukod kay marianita, bet ko ring manalo si carla abellana, galing kaya ng gaga sa my husband’s lover lalo na yung nahuli niyang naglalampungan sina tom at dennis…

  5. Nakaka awa naman itong mga taga kamuning pinipilit at pinipilit talaga ang mga jologs nilang mga artista at ang mga jologs ng fans na nangangamoy sardinas na sumusobaybay sa mga jologs nalang palabas diba Sunday all stars nganga at suboan ko kayo ng sardinas hahaha

    • nyahahahahah ang ASAPerya nga ang NGANGA…hahahahha, unti unti na ngang nag re repormat,,nagdagdag ng mga bagong pakulo,,hahahahah Scoop, malapit na palang i repormat uli ang The Buz ng Bayan,,,nyahahahha, walang kalatoy latoy,,,anyare kaya?,,,,ibabalik ba uli o titigukin t magbabago na hahahhaa

    • Susme! Mas JOLOGS ang mga artista ng Mabahong Ignacia na hindi na kilala ng mga tao sa labas ng Pilipinas. Buti pa ang GMA stars, kilala ng ibang lahi. Like Regine Velasquez na inimbitahan pa ni Alicia Keys makipagduet sa kanya, Manny Pacquiao na dinayo pa ni Paris Hilton at David Beckham sa Macau, Marian Rivera na superstar sa Vietnam, Cambodia at Malaysia. Kahit sina Carla at Dennis, inimbitahan din ng Vietnam Today TV para sa anniversary nila. May ganyan bang gananap ang mga taga-Ignacia?? Hakhakhak!

  6. Hahaha mga galunggong sino mga nololuko nyo eh international award e si gozon din member dun hahaha syepre igapang si Marian para nmn magkapangalan

    • nyahahahahha magagapamg ba ang Asian awards hahahahha sa Singapore yun TUNGAW,,,,hindi mga korap ang tao doon,,,hahahahha

    • Asus! Link please na may kakayahan si Gozon magnominate at magpanalo. International na yan day. Hindi papayag ang mga first world countries like Singapore and SoKor na magpaimpluwensya sa 3rd world Philippines. But PINOY PRIDE pa rin dahil nandyan si Gozon at hindi si tandang Oscar Lopez o si Charo Pakantot-Concio.

  7. Syempre pinanalo si Marian remember last
    May Plano ang kaputik na e boycott ang star award kasi d nakakakuha ng award ang kaputik oh ayan pinagbigyan na kayo mga taga kamuning. Kahit d naman talaga deserving. At yan ang totoo

    • Naku, for sure kung hindi nominated si Marian sa AsianTV malamang sa kasemilya ibibigay ang award, especially since ang manager ni Anghet Poksin ang nag-head sa PMPC at puro mga palamunin ng Ignacia ang mga press na nandiyan. Nahiya lang sila sa ATA dahil sa lahat ng nominees nila, si Marian lang ang nominated pa sa international level for the same role. Kung di pa nila ibigay yan kay Yan Yan ay sobrang wasak na ang credibility nila. Hakhakhak!

    • Anong di deserving eh uulitin ko: AMONG ALL THE NOMINEES, SI MARIAN LANG DIYAN ANG MAY INTERNATIONAL NOMINATION PARA SA PAREHONG ROLE NA NANOMINATE SIYA SA P.M.P.C. aka PERA MONEY PERA CASH. Hakhakhak!

  8. May article na naman ang Pinoy Parazzi about Marian. Syempre lahat ng kaganapan sa buhay ni Marian, may article ang Pinoy Parazzi dahil siguradong andaming views and comments. Good for business ika nga. Hindi sila malulugi hanggat may article sila about Marian. Hakhakhak!

  9. Finally a Kapuso won, it’s about there is competition in this business because ABS-CBN always rules!!! Go Kapamilya…. Who really watches her soaps probably only people in Metro Manila but here in California we only watch ABS-CBN programs.

    • Hoy ateng, ayusin mo muna ang English mo bago ka mag-ambisyon na nasa California ka! Pa-Calicalifornia ka pa. Baka Calinga Apayao! Hakhakhak!

    • Congrats to ASIA’S PRIMETIME QUEEN and ASIAN SUPERSTAR Marian Rivera. Hello Anghet na hanggang Bulacan lang at NEVER HEARD sa ibang bansa! Hakhakhak!

    • nyahahahahah talaga,,,wow,,,ang dami na ngang nagpa unscribe diyan sa TFC…hahahahha lalo pang dumami ng masira ang..image diyan ni Korina,,,bwahahahha damay ang Abs cbn….

    • nyahahahahah baka naman tinablan na sila ng kahihiyan bwahahaha,,,remember,,,palamunin ng abs cbn ang halos voting member ng PMPC,,,,he he,,ang nakakatawa,,,,,marami ang nag….tie…..nyahahahha…halatang halata

Leave a Reply

Your email address will not be published.